“Callynn, ayos ka lang?” tanong ni Macarius sa kaniya pagkatapos nilang maisara ang munti nilang tindahan. “Napagod ka ba?” Umiling siya. “Paano ako mapapagod kung ikaw naman ang halos gumawa ng lahat?” Hindi kasi siya nito pinaaalis sa kaha para raw mabilis ang proseso dahil kung ito raw ang hahawak ng pera ay tiyak na marami ang magagalit sa tagal nitong magsukli. “Ganoon na lang ang gawin natin, Callynn. Ako na lang ang magbebenta sa kanila tapos ikaw na lang ang humawak ng pera.” Umiling siya dahil hindi siya sang-ayon sa gusto nito. “Paano ka matututo kung hindi mo sasanayin ang sarili mo na magbilang ng pera? Paano kung wala na ako sa tabi mo? Paano na ‘tong tindahan? Hahayaan mo ba na malugi ‘to, ha, Macarius?” “Bakit? May balak ka bang iwanan ako?” “Ha?” “Kung aalis ka, k

