“M-macarius, bakit ka nangyayakap?” takang tanong niya. Tiningnan siya nito ng seryoso at pagkatapos ay bumitiw na rin kalaunan. “May payakap-yakap ka nang nalalaman ngayon, ha? Kanino mo nakukuha ang mga ganiyang diskarte, hmm? Sa mga kaibigan mo ba?” “Masama bang yumakap? Eh, ‘di ba ginagawa mo rin naman ‘yan sa akin? Kapag ikaw ayos lang pero kapag ako pinag-iisipan mo ako ng masama.” “Ang drama mo naman.” Sa pagkakataong ‘to ay siya na ang yumakap. “Macarius, mamasyal tayo ngayon? Ang boring kasi kung magkukulong lang tayo dito sa bahay mo, eh.” “Where do you want to–saan mo gustong pumunta?” This is not the first time she heard him speak in english. Kung Hindi niya 'to kilala ay iisipin niya na magaling itong magsalita ng english dahil kahit maikli lang ‘yon ay kapansin-pansin na

