“Ready ka na?” tanong ni Macarius sa kaniya. Ngayong araw kasi ang magiging bakasyon nila kasama ang mga kaibigan nitong kinulang sa buwan at aruga. Ayaw niya sana itong pasamahin kaya lang ay naawa siya sa mukha nito. Imbes na pigilan niya ito ay napilitan na lamang siyang sumama para masiguro na hindi ito maaapi ng mga kaibigan nito. “Isang buwan tayo roon kaya damihan mo ang mga damit mo, Callynn. Dalian mo dahil maya-maya nandito na ang mga ‘yon.” “Oo na,” tamad niyang sagot. Nagluto siya ng nilagang itlog at nagluto rin siya ng adobong manok para may kakainin sila nito sa biyahe kahit pa nga sinabihan siya ni Macarius na ‘wag nang magluto pa. Napakarami nitong dala na akala mo hindi na ito babalik dito sa Maynila. “Ang dami ng dala-dala mo. Kaya mo ba ‘yan buhatin lahat?” “Oo na

