Napakaganda ng sinasakyan nila ngayon. Ang sabi ni Macarius, pinasadya raw ito na ipinagawa ni Jordan dahil mahilig daw itong mag-travel. Imagine, p’wede silang humiga dahil imbes na upuan ang naroon ay puro mga kama kaya sa buong biyahe ay tiyak na hindi sasakit ang mga katawan nila. Sina Jed, Jordan, Vincent, at Gabriel ay nakapuwesto na sa kama na napili ng mga ito samantalang si Isaac naman ang nakapuwesto sa manibela. “Macky, saan tayo pupuwesto?” pabulong niyang tanong. “Doon na lang siguro tayo sa bandang dulo.” “Gusto mo ba sa banda roon?” Turo nito sa kama na malapit sa bintana. “Para p’wede mong tingnan ang view habang nasa biyahe tayo.” “Sige.” Humakbang na siya patungo sa itinuro nito. “Dito ka rin ba?” tanong niya dahil sumunod ito sa kaniya gayong marami pa naman ang

