Episode 21

1833 Words

Nagising si Callynn nang maramdaman niya na may marahan na humahaplos sa mukha niya. “Kanina pa tayo nakarating pero hindi ka pa rin nagigising,” sabi ni Macarius nang mamulatan niya ito. “Hahalikan na nga sana kita para magising ka kaya lang ay baka maalimpungatan ka.” Inis niya itong tiningnan bago siya bumangon at iginala ang paningin sa kabuuan ng sasakyan. “Nasaan na ang mga kaibigan mo?” “Si Isaac, tulog na. Sina Jordan, Jed, Gabriel at Vincent ay kumakain ng buko kasama si Mang Rogelio.” “Ikaw, ba’t nandito ka? Ba’t hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?” “Eh, nandito ‘yong magiging misis ko, eh.” “Ano?” “Ang sabi ko, wala kang kasama kaya hindi ako sumama sa kanila. Habang tumatagal, humihina ‘yang pandinig mo. Ikaw yata ang matanda sa ating dalawa, eh.” “P’wede bang dito lan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD