Habang nag-uusap ang mga magkakaibigan ay mataman lang na nakamasid si Callynn. Kitang-kita niya ang saya sa mga mukha nito samantalang siya ay panaka-nakang napapaismid lalo na kapag naliligaw ang mga mata niya sa anyo nina Gina at Macarius. Maganda at matangkad ang babae pero ‘di hamak na mas maganda at mas matangkad siya. Hindi naman sa pagmamayabang pero wala itong sinabi sa kaniya pagdating sa panlabas na anyo. ‘Yon nga lang, hindi niya alam kung pati ba sa panloob ay mas lamang siya rito dahil masasabi niya na hindi naman siya ganoon kabait. Mabuting tao siguro, oo, pero ‘yong sobrang bait? Tsk! Negative siya. Hindi siya mabait dahil sa isip niya ay bugbog sarado na ang dalawang tao na kanina niya pa tinitingnan. Kaya bago pa man siya magkasala ng husto ay dahan-dahan siya

