“Banana, kilala mo ba siya?” tanong ni Adamus sa kaniya pero ikinaila niya na hindi niya kilala si Macarius dahil mariin siyang umiling. “Hindi mo siya kilala?” “Hindi nga.” “Ano’ng hindi? At kailan ka pa naging banana?” tanong ni Macarius habang nakabusangot ang mukha nito. Gusto niyang matawa kaya lang naalala niya kung gaano ito ka-sweet kanina kay Gina. “Kanina pa kita hinihintay para sabay tayong kumain tapos makikita ko may kasabay ka na palang iba. Ang galing, ha!” “Banana, kilala mo ba ‘yan?” tanong ng ina ni Adamus na sinagot niya ulit ng isang iling kaya agad nitong binalingan si Macarius at pagkatapos ay umalis ito at may kinuha na kung ano. Pagbalik nito ay may dala-dala na itong itak kaya nanlaki ang mga mata niya ganoon din ang mga taong naroon. “Naku, ‘Ma. ‘Yan na nama

