“Macarius!” paulit-ulit niyang tawag sa pangalan nito pero hindi siya nito nililingon. “Macky, ano ba!” “Galit talaga ang bobo, oh. Akala mo kung sinong matalino para magpasuyo. Tsk! Sarap tsinelasin ng mukha.” Napalingon siya sa likuran niya. Hindi niya akalain na sinundan pala siya ng dalawa. “Sabi ko na mahirap suyuin ‘yan, eh. February pa kasi dapat ipapanganak ‘yan pero January pa lang lumabas na ‘yan kaya tingnan mo kulang-kulang.” “Hindi ka nakakatulong, alam mo ba ‘yon? P’wede bang lumayas kayong dalawa sa harapan ko?” “Tutulungan ka namin para magkabati kayo,” sabi ni Jed at pagkatapos ay nilagpasan siya nito dahil patakbo nitong hinabol si Macarius. “Ang hirap pa naman makipag-usap sa bobo,” sabi na naman ni Jordan habang mariin na nakamasid sa kaniya. “Daig mo pa ang nakip

