“Oh, bati na kayo?” tanong ni Jordan habang kumakamot ito sa bandang itlog nito. “Akala ko aabutin pa ng dekada bago kayo magbati, eh.” “Ba’t gising ka pa?” sa halip ay tanong niya. Alas-onse na kasi ng gabi pero ‘di pa natutulog ang lalaki. “Ikaw na lang ang natitirang abnormal na gising pa hanggang ngayon.” “Parang ikaw hindi, ah. Pare-pareho lang tayong abnoy dito lalong-lalo na ‘yong lalaking type mo.” “Sino?” “Eh, ‘di ‘yong bobong–” Nabitin sa ere ang mga sasabihin nito nang makita nito ang bulto ni Macarius. “Gising pa pala ang bobo. Akala ko tulog na.” Napangiti siya nang biglang itong tumahimik. “Bakit parang takot ka kay Macarius?” “Anong takot? Ayaw ko lang ma-trigger ang utak niya dahil alam ko na may kapansanan ang brain cells niyan.” “Wala ka talagang ibang masabi kun’d

