Sinasabayan ni Callynn ang bawat galaw ng mga labi ni Macarius kahit hindi siya marunong. Bakit pakiramdam niya ay expert na expert si Macarius pagdating sa mga ganitong bagay gayong wala pa naman itong karanasan? “Macky, ba’t parang ang guwapo mo ngayon?” anas niya nang huminto ito sa paghalik sa kaniya. He was looking at her intently like he was in love with her. “Bakit? May problema ba sa akin?” Grabe kasi ang titig nito. Nakakatunaw. “Humiga ka,” utos nito na kaagad niyang ginawa. She was like a slave who is ready to do whatever he said. “Ready?” “A-ano ba’ng gagawin natin?” “May gagawin lang ako sandali, Callynn,” sagot nito habang namumungay ang mga mata. Sa tantiya niya ay pareho sila ng nararamdaman ngayon. Kapwa nag-iinit ang mga katawan sa hindi malamang dahilan. “O-okay.

