Arrival

2261 Words
And I am definitely back! bahagya akong dumungaw sa bintana ng aking sinasakyan. Nakikita ko na ang landing area ng mga eroplano. "Manila... here I am again! Please be good to me, okay?" ang tanging nasambit ko sa sarili bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Ilang sandali pa at nagsibabaan na ang mga pasahero, but I choose to lay back first, trying to process everything in my head. Convincing myself na nandito na nga ako sa Pinas! para kasing hindi pa nagsi-sink in ang lahat sa utak ko. Parang kelan lang, when I chose to leave this country for good. That was Three years ago! matagal tagal narin sabi nila. But honestly, I never thought I'd set footprints in this area again this soon. Oo! Three years is still so soon for me. Hindi ko inakalang mapapauwi ako rito sa loob ng tatlong taon, when my original plan was to extend my stay with another year sa China. But the real question is, handa na ba ako? 'eto na ba talaga ang tamang panahon para bumalik? or is there really such a thing as right time? muli kong naitanong sa aking sarili. "Malamang! nandito ka na eh! Aarte ka pa ba? One way lang ticket mo! and whether you like it or not, you'll be spending much of your time here for now and for the days to come... at bago mo makalimutan, aside from KK's wedding, there are also a lot of commitments in line, kaya ka nandito," sagot ng utak ko, bago paman tuluyang makababa ng eroplano. I open my arms to welcome myself, finally! nandito na ulit ako sa minamahal kong "BAYANG PILIPINAS" gan'to pala 'yong feeling after having been away for a while? "MIXED EMOTIONS" Parang may kung anong gustong kumawala sa aking dibdib na di ko ma figure out exactly. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Hmmm, mukhang nag improve naman 'yong area, upgraded na 'yong ibang facilities, although di pa talaga lahat! well, at least may progression... konting kembot nalang at kaya ng mag compete ng NAIA sa ibang pandaigdig na paliparan. Nagpatuloy pa ako sa paghakbang, while my eyes continues to roam around the area. Approaching the gate, ay naging masaya ako sa nasaksihan... siksikan na naman, magulo na ulit! Hindi ko napigilang ngumiti. Nasa Pilipinas na nga ako! Ang dami daming tao sa paligid, at may dala dala pang banners 'yong iba. Pamilya ng mga OFW siguro, na marahil ay nag-aabang sa pagdating ng mga mahal nila sa buhay. I surely missed this scene! eto 'yong mga eksenang madalas kung mabungaran sa airport dati. Kagaya nalang noong wala pang pumutok na Virus, magulo na masaya. How lucky I am, for being able to witness this same scenario again. Bumalik na nga sa dati ang lahat, wala ng bahid ng pandemic na minsan ay nagpatigil sa daloy ng buong mundo! who would have thought na babalik ang lahat sa normal. Tumingala ako habang pinagsalikop ang dalawang kamay, bilang tanda ng isang pasasalamat sa poong maykapal, sabay bulong ng isang . . ."Thank you Lord" Maya't maya ay biglang may humintong sasakyan sa tapat ko. Dahan-dahang bumaba ang bintana ng kotse at bumungad ang isang pamilyar na mukha sa akin. "Hur'up bro! hop'n the car, we're 'most late," sweet naman ng tropa kong englishero, nag volunteer pa yata ito na sunduin ako ngayon. Minadali kung ilagay ang mga gamit sa compartment ng kotse niya at pagkatapos ay sumakay na ako sa tabi ng driver's seat. Bahagya kung tinapik ang balikat ni Azir, "WAZZUP! BRO!" Na miss ko siya, sobra! "Wazzup! Wel'm back men! How's f'yt?" Azir strikes again with his slang words na sobra kung ikinatuwa. "Evethin's Aight! Dadzzzz... nagbago na lahat lahat pero consistent ka pa din sa mga slang words of the day mo! (Hahaha) at sabay kaming humalakhak. From there dumiritso na kami sa venue kung saan magaganap ang pag-iisang dibdib ng dalawang pusong malapit sa akin. Also one of the reasons kung bakit bigla akong napauwi ng bansa ng wala sa plano. Two months ago, I made a VC to a very dear friend back here in the Philippines. Katatapos lang ng meeting ko noon with the board, when my phone rang, it was a bunch of message from Keff, kanina pa pala niya pinutakte ng mensahe ang messenger ko. There were even several miscalls from him. Keff: [Hey bro =))] [Free kaba as of the moment? Can we talk?] [Reply ka naman, importante lang] [Parang gusto ko na tuloy magtampo, pansinin mo naman ako pls] [Ay sori, busy ka nga pala! pls. msg me as soon as you'll read this, thank you!] Kinabahan akong bigla! "anyare kay Keff?" mukhang may something ah! so I've decided to return the call, sabay turn on narin ng aking cam at kaagad din naman siyang sumagot sa kabilang linya. "Bro, musta?" pambungad na salita ni Keff. "Eto pogi parin! Hahaha..." sagot ko habang naka wink ang isang mata. "Pogi nga! ala namang jowa, hahaha... joke lang," pang-iinis ni Keff. "Nang-aano ka eh, porke ba't... di bale na nga lang, oh anong meron? Anong ganap at napa message ka ng gano'n?" "Wala lang... na miss lang kita! di ba pwede 'yon?" pag pa pa cute niya. " Ow! sweet mo naman bro! sige na sabihin mo na, alam ko may sasabihin ka." "Bro, naalala mo pa ba 'yong promise mo sa'kin nong huli tayong nagkausap? when you're still here sa Pinas..." "Alin do'n? di ko na matandaan sa dami, baka kasi lasing lang ako no'n!" at tumawa ulit ako. Ngumiti lang si Keff, pero naaaninag ko ang kakaibang ningning sa mga mata niya, hmmmm... mukhang may something ah! bulong ng isip ko. "Yong... sinadya pa nito'ng ibitin ang sasabihin, nagpa thrill pa talaga! Bumuwelo muna siya, bago nagwikang... "Yong... uuwi ka ng Pinas kapag ikinasal ako!" I was such in awe the moment I heard those lines, but did I really heard it right? at seryoso ba siya? "Wooh! Is this for real Bro? ikakasal na ba talaga kayo?" sa wakas ay naisantinig ko narin. He just nodded with s sweet smile on his face. "So, nauto mo rin si Kara? sa wakas!" I raise my hand as sign of his victory. At sabay-sabay na kaming nagtawanan. Hindi 'ata na gets ni Keff ang sinasabi kung nauto! pero maya maya lang ay tila na absorb din niya ang lahat, late reaction lang pala. "Gago! ang sabihin mo ako ang nauto niya!" buwelta niya sa akin, na sinagot ko lang ng konting tawa. "Hehe.. pero kidding aside bro," pagpapatuloy pa niya. "P-pwede ba kitang, maging... bestman?" Parang ako naman 'ata ang nag lo-loading ngayon, tila di makapaniwala sa narinig. "A-ako talaga? S-sure kana diyan?" panigurado ko. "Oo naman! Ba't naman hindi? 'to naman oh!" napakamot pa sa ulo si Keff. "Wala ka na bang ibang tropa na kasing pogi ko, kaya ako nalang naisip mo? hahaha..." biro ko. "Yong na nga ang problema ko eh! wala kasi talagang papantay sa'yo, nag-iisa ka lang eh!" he truly is boosting my ego, gagawin niya 'ata ang lahat mapapayag lang ako. "Buti alam mo!" sinakyan ko narin para matapos na. "Talaga! nag-iisa lang ang pogi, mabait, talented at maraming pera na si RENZ LUCIO," pagpapatuloy ni Keff. "Sinabi mo pa!" sagot ko. "Pero... isinali mo talaga 'yong maraming pera ha?" "Sinimulan ko na rin eh, kaya isagad na natin! So, okay na? (sabay thumbs up) solve ka na do'n? kanina ko pa buhat na buhat 'yong bangko mo ha! besides... ready na kaya 'yong invitation, with complete set of names ng nasa entourage, si send ko sa'yo mamaya, after an hour siguro." Wait lang, parang may mali yata siyang nasabi, nalito tuloy ako. "So ano to? Hindi pa man ako nag ye-yes, naka print na name ko do'n? Iba din!" this conversation is truly full of surprises. "Kaya nga bro! ipapahiya moba ako, ha? pinagkalat ko na kaya sa lahat, wag mo namang sirain 'yong credibility ko! tsaka bro, minsan lang akong ikakasal, hindi pwedeng wala ka do'n." may himig ng pakiusap ang kanyang huling salita. "Sandali... parang malabo pa rin eh! di ba dapat engagement muna? ba't kasalan agad?" gusto ko lang maliwanagan kasi parang ang bilis bilis ng mga pangyayari. "Engaged na kami! di lang nakarating sa'yo... basta! mahabang kwento, so sapat na siguro explanation ko, gets mo na?" maikli niyang paliwanag. Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. "Eh may choice paba ako? mukhang plinano mo na ang lahat behind my back! Okay, okay . . . "pag-iisipan ko!" bawi ko sa kanya, trying to watch her raw emotions. "Bro naman! wala namang ganyanan, pleassse..." pinag dikit ni Keff ang dalawang kamay tanda ng pagsusumamo at paki-usap nito. At hindi na nga ako pwedeng tumanggi, kaya tumango na lamang ako bilang tanda ng pagsang-ayon dito. Tuwang-tuwa naman siya, abot tenga pa ang ngiti, ang sarap sarap lang niyang pagmasdan, Haaaay! iba talaga ang nagagawa ng love. "Bro, It's a deal na ha? pag ikaw di sumipot sa araw na'yon, ewan ko na lang talaga, baka walang magaganap na kasal! anyway that's Two months after pa naman, so may time ka pa to prepare." dagdag pa niya. "Gagi! magiging kasalanan ko pa 'pag nagkataon, okay... it's a deal! matatanggihan ba naman kita? Anyway, congrats bro! love you and see you soon, mapapauwi ako ng wala sa oras nito!" I confirmed his invitation without consulting my Bosses yet, bahala na... magagawan ko naman siguro ito ng paraan. "Thank you bro! love you too! See you soonest." Click! and there it ends our conversation.. Sa loob loob ko, si Keff talagaa... napasubo tuloy ako! and I already gave my words to him, kaya wala ng bawian pa. Babalik ako ng bansa to witness the said wedding, kasi gano'n sila ka importante para sa akin. Now, all I need to do is magpaalam kay Boss at sa board to take a few days of leave. Kapag pinayagan ako, then it only means na panahon para muli akong bumalik ng bansa. Kung hindi naman ay pipilitin ko sila, if I have to compromise, then I'll do it by all means. Ilang sandali pa at nasa venue na kami. Sa labas ay patakbo kaming sinalubong ni Cocoy, habang hawak hawak ang isang suit. "Kuya bilis, mag s-start na 'yong ceremony in Fifteen minutes," he partially glanced at his Gucci watch na regalo ko noong isang taon. "Aayusan ka pa! kaw nalang inaantay nila." aniya. "Ha? A- ako ba ikakasal?" sarkastiko kung sagot. "Hindi, pero sabi kasi ni kuya Keff, di daw matutuloy if wala ka!" maikling paliwanag ng kapatid ko habang tumatawa. Dahil do'n, nabatukan niya siya, which is lagi ko naman talaga ginagawa! sort of lambing ko na rin sa kapatid ko, tough love sabi nga ng iba. "Pinagkaisahan niyo 'ko ha! loko talaga 'tong taong may kakaibang pangalan sa f******k, ginawa pa akong rason! Kung di lang talaga kita mahal Keff... naku, Naku! Oh siya akin na nga 'yong costume ko at ng makarampa na!" pabiro kung sinabi. Tinulungan niya akong mag-ayos at isinuot ko ang magarang suit bago nag pin ng corsage. Nagtanggal na rin ako ng sombrero sa ulo and now I'm flexing my curly wet look hair, pagkatapos ay nag wisk ng perfume sa katawan. "Ang gwapo niya pa rin!" dinig kong bulong-bulongan sa paligid. "Parang hindi man lang nadagdagan 'yong edad niya, actually mas bumata pa siya lalo! nakatulong din siguro ang climate ng China." dagdag pa nila. They're indeed right! nakatulong din talaga 'yon, but the biggest factor is my life style siguro. On how I managed to balance things out, between work and pleasures, between sanity and pressures. Then I'm ready, humanay na ako sa pila at nag-aantay nalang ng instructions ng organizer, habang hindi nakaligtas sa aking paningin ang iba't ibang flash galing sa mga camera. This is the price of being able to return home, of having myself visible to the crowd once again. Pero sige na nga, hindi ko na ipagdadamot ang aking sarili, bahala na kung ano'ng kalalabasan ng itsura ko ngayon. Hindi ko mapigilang maging emosyonal sa gitna ng wedding ceremony, I just can't help it. Napaka intimate ng wedding, family and close friends lang talaga ang nando'n. Ang saya saya ko para sa kanilang dalawa, damang dama ko ang puso ni Keff while seing Kara walking down the aisle, parang naiiyak na rin ako sa nakikita. Dinaig ko pa yata ang reaction ng groom. I spaced out after hearing their personal vows, I wonder how it feels to be in such position. Being able to share intimate moments like this with the person I claimed to love the most. Pero mangyayari pa kaya 'yon? May naghihintay pa kayang happy ending sa isang katulad ko? I could only hope for the best. What the _ _ _ ! ba't ba ako nagkakaganito? I become so jealous of their over flowing affection. Why am I so affected, when I knew all along that marriage is not just a bed of roses. Simula pa lang ito ng totoong estorya nila, ng tunay na laban sa pagitan ng lohikal at emosyon. Well, maybe I just admire their courage, their faith at each other in the midst of life's uncertainties. Na kahit walang kasiguraduhan ang bukas, nakahanda silang harapin ito ng magkasama. Isang bagay na hindi ko alam kung kakayanin ko pang gawin. If I will be able to entrust my heart to someone again. Kasi sa tingin ko, hindi ko na yata kakayanin ang muli pang mabigo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD