Portraying my Role

2242 Words
Pagkatapos ay pumagitna na si direk sa aming usapan bago ko pa nadugtungan ang mga nais sabihin. "Guys, guys... baka kung sa'n na naman mapunta 'yan ha? mabuti pa, fix yourself now and then go over the script again, magrorolyo na ang camera in a bit," aniya. "Sabi ko nga Direk, ito kasi eh..." itinuro ko si Renz. "Guys, listen! we're about to shoot one of the most sensitive parts, and so I really really need you to focus on this. Bigay niyo na lahat dito, bitiwan niyo na lahat, as in lahat ng puwede niyong gawin para sa ikagaganda ng eksena, gawin ninyo with no inhibitions. Even if you'll have to go beyond the script, as long as makakatulong, lagpasan niyo lahat ng boundaries. Understood?" Tumango tango kami habang seryosong nakikinig sa sinasabi niya, at pagkatapos ay wala ng sinayang na oras, pumasok na kami sa kanya kanyang silid to get ready for the upcoming scene. Seryoso akong nagbabasa ng script when I heard someone. "Wow!" I lifted my head and saw Direk. "Hindi ko alam kung sino ang pupurihin this time? Is it your make-up artist agin? o sadyang maganda ka lang talaga? kaya kahit anong klase ng looks babagay sa'yo," he pulled the chair beside me at umupo siya ng paharap sa akin. "Puwede bang, both direk?" I think I wore the sweetest smile at that moment. "Puwede naman," she flipped some strands of my hair, sabay tawa. "Anyway, I just came here to check on you. And maybe just wondering if..." luminga-linga siya sa paligid at muling tumtutok sa akin. "If we can exchange a few words, before we could start?" bumaling siya sa iba pang tao na naroon sa silid. "Guys, can I have a minute with this lovely lady please? may pag-uusapan lang kami saglit." "Sure direk!" sagot nila at isa-isa ng naglabasan a moment after. "So, how are things between you and Renz?" muli niya akong binalingan ng tingin as he look at me straight in the eye. Si Direk talaga! at saan naman papunta itong usapan namin? words that I wanted to say, but I choose to be polite instead. "Okay naman po direk. Nakakapag-usap na kami ng maayos, wala ng ilangan, as if walang nangyaring hindi maganda sa'min noon. And to wrap up the story... wala namang masyadong nagbago, we're still the same people whom we used to know. Maybe nag mature lang ng konti at nag-iba ng mga pananaw sa buhay, which is dapat lang naman talaga, di po ba? 'cause we're not getting any younger. But nevertheless same same parin! makukulit, madadaldal at maiingay." I chuckled. He nodded. "Glad to hear that! Pero maiba tayo," he paused for a while. "Kumusta naman ang puso mo ngayon?" sa mahinang boses. Panandalian akong natahimik, I never thought he'd be this straight forward. But knowing Direk, hindi niya ako tatantanan not until makuha niya ang tamang kasagutan. And so I have to say my piece. "Well, the last time I checked, tumitibok pa naman po siya!"ginawa kong parang biro ang naging sagot. "Of course!" sabay pilantik ng kanyang daliri sa ere. Ibinaba niya rin ito pagkatapos. "Pero, dapat yata tanungin din kita kung... kung para kanino?" at hindi pa talaga siya nakontento. "P-po?" Ano po bang ibig niyong sabihin?" parang gusto ko na yatang makiusap ngayon. Makiusap na itigil na namin ang usapan. "Okay, I'll get straight to the point, ano'ng nararamdaman mo ngayon na... everything is settled between the two of you?" Do I really need to answer this one? pero sige na nga, para matapos na kami. Napalunok ako ng bahagya, pa'no ko ba siya sasagutin? But then, "masaya po, kasi sa totoo lang... never did it crossed my mind na magkakaayos pa kami as friends, not after what happened to us," I averted my eyes, umiiwas sa mga mata niyang nag-uusisa. Mas marami pa yata itong sinasabi kesa sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Pero... as friends na lang ba talaga?" napaawang ang aking bibig at muli siyang tiningnan. Mukhang hindi na yata tama to, parang nag a-assume na si Direk. It has to be stop by now, baka makarating pa kay Renz ang lahat, nakakahiya naman. "Ay si direk oh! Nang-iintriga na naman! But to answer your question, Opo! friends na lang po talaga kami," lakas loob kong sinabi. "Bakit?" nagtaas siya ng isang kilay. "Anong bakit? Direk naman..." protesta ko. Ba't parang di siya naniniwala? "Bakit hanggang do'n nalang? Wala na ba talagang chance to go beyond?" naningkit na ang kanyang mga mata. "Mukhang wala na eh," I put on a sad face. "Mukhang may nagpapasaya na po sa kanya," I concluded. "Pa'no mo nalaman?" "Sinabi niya sa'kin." "Really? Baka naman na miss interpret mo lang," apela niya na lalo lamang nagpagulo sa akig isipan. Ano to? si direk talaga! Kailangan ko pa ba ng isang mahabang paliwanag to shut him off? "Hindi niya sinabi directly, pero the way he talk about the girl? Kitang-kita at damang-dama ko po kung ga'no siya ka special for Renz," I am really trying my best to convince him. "I see... " bumuntong hininga siya. "Pero matanong ko lang, sinabi rin ba niya kung sino? I mean... if who this girl is?" nagtaas na naman siya ng kilay. Bakit gano'n? ba't parang hindi parin siya convinced? masabi na nga kung sino. "Yeah! it goes by the name ASHLEY," diniinan ko ang pagkabanggit ng pangalan.. "Si Swettie?" his eyes widened, mas lalo yata siyang hindi kumbinsido. "Are you sure na siya 'yong tinutukoy ni Renz?" and now it bothers me most. At bakit parang kilala na niya ang tinutukoy kong babae? mukhang marami din 'ata siyang alam about her. "Kilala niyo po siya?" "Hmm... na meet ko na siya in person, and I knew that she is special, she really is... lalo na kay Renz," yon naman pala! so bakit gan'to reaction niya? isang tanong sa utak ko. "But, I just can't imagine the two of them being in a... he trailed off... "Never mind," Ano yon? ba't di niya itinuloy? masyado na talagang nakakalito. "Being in a romantic relationship? Bakit naman po? Alam niyo Direk, wala naman pong imposible pagdating sa love eh. Puwede kang ma fall sa kahit na sino man, pupuwedeng sa isang stranger o sa isang kakilala mo, o kahit pa do'n sa pinaka ayaw mong tao, and most especially sa isang kaibigan. Kaya there's no need for him to say every word para maintindihan ko ang lahat, cause the way I see it? base na rin sa description niya kay Ashley, she seemed to be a very lovable person, kaya hindi imposibleng ma in love si Renz sa kanya." I pointed out some details. Inisa-isa ko lahat to prolong the conversation. I wanted to hear more... para kasing may mali sa nangyayari. Pero muli lamang siyang nagtaas lamang ng kilay. "Okay! ah... ganito na lang, let's take her out of the picture, kunwari... kunwari lang naman na single si Renz ngayon, and he's not seeing any other girls, may chance na ba?" And we're back to square one! ano ba talaga ang pinupunto niya? I am the one who's trying to squeeze the details, pero bakit baligtad ang nangyayari? ako yata ang mapapaamin nito. Hindi na ba kami matatapos? I thought we have a film to shoot. Ba't parang nasa talk show ako ngayon? "Sandali Direk, kanina ko pa kayo nahahalata eh! bakit parang ini-insist ninyo na may chance pa sa'ming dalawa?" at nasabi ko rin. "Siyempre! Well, honestly... I'll be very glad to see the two of you in a more intimate way, at isa pa... mas maganda kaya ang kalalabasan ng ginagawa natin if totoo 'yong nararamdaman ninyo para sa isa't-isa, mahahalata kasi 'yon ng mga tao," he flashed on a smile. "Bakit Direk, wala po ba kayong tiwala sa acting prowess ko? I can always pretend," tugon ko. "Pretend on what? pretend that you're in love with him? or pretend that you're not? at para kanino? para sa mga audience ninyo? o para sa inyong mga sarili?" umismid siya. "D-direk..." at hindi na ako nakapagsalita pa. "It's okay, you don't have to explain. Sorry kung masyado na akong naging makulit ha?" hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay iyon sa kanyang mga hita. Seryoso niya akong tiningnan pagkatapos. "But believe me, naiintindihan kita, I swear!" he raised his right hand for a sign. "Besides, it is your personal life, kaya di na kita pipilitin if you'd choose to keep everything to yourself na muna... ang kung ano man 'yong totoong nilalaman niyan," as he points a finger to my chest. "But still... I want you to know that I'm a friend na puwede mong kausapin anytime, you can trust me with anything. Rest assured that your secrets will also be mine if ever... in case, you'll decide to open-up," matalim niya akong tinitigan. "Thank you po Direk," nahihiya kong sinabi. "Tatandaan ko po 'yon," I deeply sigh. "So ano? Let's get back to work? Ready ka na di ba?" "Sure Direk! I've never been this ready!" "Okay, That's my girl! ipapatawag nalang kita kapag kailangan ka na sa set," he tapped my shoulder before he exits. At nakahinga ako ng maluwang pagkatapos niyang tumalikod, pupuntahan niya raw muna si Renz. Goodluck sa'yo Renz Lucio! Sana matagalan mo si Direk. Hm... just wondering if paano kaya niya sasagutin ang mga nakakaloka nitong tanong. Sana lang talaga ay maipaliwanag niya ng maayos ang lahat. Nagtagpo kami sa gitna gaya ng nasa script. Ramdam ko ang mga titig niyang tila tumatagos sa aking kaluluwa. Ibang-iba ang aura niya ngayon. His oozing with s*x appeal sa suot na hawaian short at plain white polo na sinadya pa yatang e unbutton sa upper part to show his broad chest and hidden abs. Hindi yata uso ang lamig sa lugar na'to. Feeling ko mag-aapoy bigla if we get more closer. "CUT! Ano ba RENZ? Babalik na naman ba tayo sa simula?" muntik na akong magtakip ng tenga sa lakas ng boses ni Direk Jo. "Sorry Direk, one more take please," I saw him pleading, again asking for another chance. But why did he forgot his lines in the first place? am I such a distraction? Tss! how conceited of me. But I couldn't blame him as well, kasi sa totooo lang, ako rin naman distracted kanina pa. And maybe, kung hindi siya sumablay sa 1st take, marahil siguro ay sa part ko sisigaw ng cut si Direk. Gosh... mas nakakahiya yata iyon. "Okay, take two tayo, Vana be on character now, baka ikaw naman 'yong mawala sa linya, ayusin niyo!" at ako naman ang pinagbuntunan ni Direk. I can't miss this, I have to be on character and give my best shot. BENJ "I will always love you, I have never loved anyone the way I love you... lagi mo 'yong tatandaan." Those spoken words seems to be music to my ears, bakit iba ang dulot ng mga salitang 'yon sa akin? bakit parang totoong totoo ito sa pandinig ko? it leaves me breathless. Ano na naman ba itong nangyayari? dalang dala na ako sa mga nagaganap na eksena. Masyado yatang ginalingan ni Renz ang mga dialouge niya, pero magpapatalo ba ako? of course not! 'cause this is the perfect time to burst our my feelings. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin, at bahala na kung ano ang magiging response niya. RAIN "I have loved you, and there were even times that I convinced myself na kalimutan ka na lang, na kalimutan ko na ang mga nangyari noon, but I just end up betraying myself, kasi ang totoo... I do still love you, I love you now, and I will love you forever! ikaw lang at wala ng iba pa." Buong puso kong binigkas and his mouth left half open. I can't really tell if those lines were still part of the script, hindi ko na matandaan. I'm so overwhelmed. Wala narin akong pakialam as long as maitawid namin ng maayos ang eksenang ito. Ilang segundo pa kaming nagkakatitigan nang muli ko niya akong dinampian ng halik. Isang simpleng dampi na naging mapusok na kalaunan. Nabigla ako, Oo! halos maubusan na nga ako ng hangin kaninang aware ako sa mangyayari, ano pa kaya ngayong binigla niya ako? It came as a complete surprise, kahit pa sabihin na binigyan kami ng kalayaan ni Direk, I'm still not prepared for it. Alam ko rin na naramdaman niya ang bagay na 'yon. Gusto kong tumutol. I am having second thoughts, pero ano't hindi ko siya magawang pigilan? bagkos ay hinayaan ko na lamang siya sa ginagawa. What makes it even worst is... mukhang nagugustuhan ko pa yata ang pagiging mapusok niya, to the point na kusa narin akong tumugon sa kanyang mga halik. And yes! I did it without so much inhibitions, without reservations. Katwiran ko pa, as long as the camera continues to roll... I'm safe here. I have every right to get intimate with him, dahil 'yon naman talaga ang hinihingi sa eksena. I have all the reason to flirt with this guy, regardless sa kung ano man ang isipin niya at ng mga tao sa paligid namin. I really don't care. I'm just perfectly portraying my role, the rest is a bonus. Nag-uumapaw ang sayang naramdaman ko ng matapos namin ang eksena. Iba't-ibang klase ng ngiti ang bumungad as amin after doing our part. We did a good jod, perhaps.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD