I glanced at the clock that's been hangin on my wall, lampas alas dose na ng hating-gabi ngunit heto at hindi na naman ako mapakali. Pilit kong nililibang ang sarili sa isang online game na bago ko pa lang natutunan. Bumalik ang hilig ko sa mga ito no'ng panahon ng pandemic as it has become my stress reliever.
I wanted to get rid of him, I did everything to get him out of my mind, pero paulit ulit na nagre-replay sa utak ko ang isinagawa naming eksena. Napasinghot ako. I can still smell his scent, his soft touch and his gentle kiss na forever ko na yatang tatatak sa utak ko. And the way he looked at me while we're dancing? And those pair of eyes that has graced me with so much love and compassion? hinding hindi ko iyon makakalimutan.
His patience and gentleness warms my heart. Na kahit ilang beses ko mang naapakan ang mga paa niya, ay hindi 'yon naging balakid sa pagsasayaw namin. He guided me in such graceful ways para lang hindi ako magmukhang tanga. Upang maibigay namin ang hinihingi sa eksena. Para bang totoong-totoo ang lahat, and I find it so hard to get over those feelings.
Idagdag pa 'yong love scene namin na "perfect daw" according to direk. Pa'no hindi magiging perfect yon? eh, dalang dala na ako sa eksena. Well, kaming dalawa actually! Kasi naman eh, bigay na bigay sa paglalandi 'yong partner ko, kaya sino ba naman ako para hindi ma carried away?
Gosh! I feel a little bit conscious now. Nahalata kaya niya ang lahat? baka kung ano na ang isipin niya towards me. But come to think of it! pareho naman kami ah! binigay namin ang lahat for that specific scene, kaya nga siguro tuwang tuwa si direk.
Tama! we're just perfectly doing it right. It was just a piece of art na kailangan naming isabuhay at i-execute ng mabuti. We engaged ourselves in an intimate scene that requires a lot of emotions, of passion... thus, it's normal for some individuals like us to detached one self after the cut
Pero... normal lang ba talaga ang nararamdaman ko ngayon? to think that it' not new to me. Ilang artist na ba ang naka eksena ko ng gan'on? pero parang hindi naman ako naapektuhan ng ganito. Bukod tanging ngayon lang at sa kanya lang.
Bumuntong hininga ako. Binitiwan ang phone at tumayo. Nagpalakad-lakad sa magkabilang dulo ng silid. Why is this happening? I slowly rubbed my temple. Ngayon pa talaga kung kelan may iba ng nagmamay-ari ng puso niya? Kalma ka lang girl! Stay on lane and get focus. Stop torturing yourself sa mga bagay na imposible ng mangyari.
But how? tanong ko sa sarili. How in this crazy world will I be able to do it, kung nagiging close na ulit kami? Mas madali lang noon kasi siya na mismo ang umiiwas, ang kusang umalis... but, things are different now, ' cause we have gain back the friendship. Hindi rin puwedeng babaliwalain ko na lang ang lahat ng 'yon, 'cause it just feel so right na nagkaayos na ulit kami. I can't afford to loose him once more. Kaya kahit friendship na lang ang natitira sa amin, ay pahahalagahan ko at iingatan na 'wag masira.
Huminto ako sa gitna at muling nagpakawala ng isang buntong hininga. Inhale... exhale... at makailang ulit pa, kasabay no'n ay kinakausap ko pa rin ang sarili na huwag magpadala sa kakaibang nararamdaman ng mga oras na'yon. I seriously need a distraction. I have to think of ways, para malabanan ang lahat ng ito.
And maybe... it's about time to seriously entertain someone. Baka sakaling mabaling sa ibang tao ang atensiyon ko.
But really? 'yon ba talaga ang solusyon? hindi kaya makakasakit lang din ako ng ibang tao? Hindi naman siguro, di ba? Kasi susubukan ko lang naman, hindi ko naman paaasahin if wala talaga akong maramdamang spark. Besides, di ba siya naman ang nagsabi na muli kong buksan ang puso para sa isang panibagong pag-ibig? Siguro ay matutuwa at magiging happy siya para sa akin, that's for sure.
Kaya tama lang siguro na gawin ko ang naiisip!and who knows? Baka may chance pa na magka double date kami? Hmp! tingnan lang natin kung sino ang mas... Teka lang sandali, ano na naman ba 'tong pumapasok sa isipan ko? Bahagya kong pinukpok ang noo gamit ang kanang kamay.
Erase, erase... erase, just stick to the first one, at 'wag mo ng dugtungan ng kung anu-ano, kasi lalong napaghahalata na you're not totally over with him. Na kahit aminin mo man o hindi ay umaasa kang muli. Na sana ikaw na parin, na sana ikaw na lang ulit. A voice within is telling me something now. Isang bagay na hindi ko maamin sa sarili.
Sheeet! Ano 'to? One more chance? Popoy and Basha? Kung anu-ano na talaga ang naiisip ko. Somebody... please help me out and save me from this distress! sigaw ng utak ko. Pero may makarinig naman kaya? Sana... isang napakalaking SANA! Hanggang sa dinala na ako ng aking mga paa sa higaan at makatulugan ang nasabing hiling.
Katatapos ko lang mag shower ng biglang tumunog ang telepono na nasa tabi ng aking higaan.
"Hello..." mahinahon kong binigkas.
"Hello Miss Vana, good morning! In case you're ready to be seen in a minute, please drop by the reception desk to claim your stuff, thank you!" ang sabi ng malambing na boses sa kabilang linya.
But did I hear it right? 'cause I might just be dreaming. Kinurot-kurot ko ang sarili at nalamang gising na gising na nga ako.
"What do you mean by my stuff? did I just left something in there? kasi wala akong matandaan..." sumakit na 'yong ulo ko sa kakaisip, pero wala talaga akong natatandaan.
"I'm sorry for the confusion Miss Vana, but what I'm trying to say is... may nagpadala po ng something for you," maikli niyang paliwanag sa akin.
"Seriously? I've got something. What is it? a gift? a present? Pero kanino naman galing?" sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Well, let's just call it a "sweet surprise" Miss Vana, and if you're so eager to unlock your curiosity, may I suggest that you please come over here immediately," she suggested.
"Okay, I'll be there in a while, thanks..." magalang kong sagot dito.
Habang nag-aayos ng sarili ay hindi mawala-wala sa isip ko ang sinasabi niyang sorpresa na naghihintay sa akin sa reception desk.
Ano kaya 'yon? at sino namang Poncio Pilato ang nag-abalang padalhan ako? Nang ano? di ko maiwasang itanong sa sarili.
Sandali, ba't ko ba pinahihirapan ang sarili ng ganito? eh ang lapit lapit lang naman ng kailangan kong puntahan. All I need to do is take a few steps at masasagot na ang lahat ng aking katanungan. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? ilang araw na kaya akong lutang.
Nagmamadali akong lumabas ng silid upang tumungo sa reception area.
Ang tamis tamis ng ngiting sumalubong sa akin.
"Hello Miss... I just got a call earlier saying na..." but she butted in bago ko pa man niya natapos ang mga dapat sanang sabihin.
"Ah, yes Miss Vana, that's me! the one who called?" she informed me.
"Okay, so... can I have it now?" I flashed on a smile.
"Ang alin po?" mukha siyang nalilito.
Napaawang ang aking mga labi. Anong nangyayari? di ba siya naman 'yong tumawag to inform me about the stuff?
"Wow! as in wow? prank ba'to?" sigaw ng utak ko, "pinagti-tripan niya ba ako?" Well, I'm not in the mood for it, masyado ng na stress 'yong utak ko kagabi. "Excuse me?" nagtaas ako ng kilay, "yong sinasabi mong something for me?" medyo tumaas rin ang boses ko, ng bigla siyang nataranta.
"Naku sorry po! nawala sa po sa isip ko, ang ganda ganda niyo po kasi, just give me sec please," pakiusap pa niya sa akin.
Yon naman pala... "It's okay, no harm done," I say it politely.
She turned her back at yumuko ng konti, then she handed me something that made me speechless for a little while. A bouquet of Imported chocolates from different countries. Hindi ko pa mabasa 'yong ibang letra.
"This... is... for me?" I gulped a little, balak ba akong patabain ng taong nagbigay nito?
"Yes, Miss Vana, this is for you..."
Kaagad kong tinanggap at binasa ang card na kalakip ng mga tsokolate.
***Something sweet to brighten up your day, as you constantly brighten up mine!***
Wow! napahawak ako sa dibdib habang bahagyang yumuyuko. Short but sweet, as in literally sweet! pero walang nakalagay na pangalan as to whom it came from. I space out for a while nang muling nagsalita ang babaeng kaharap ko ngayon.
"Wait, Miss Vana... there's another one here..."
Napamulagat ako, and before I could even say something ay nasa harapan ko na ang tinutukoy niya. A boquet of Pink Equadorian Roses with my name on it. Sinigurong sa akin talaga mapupunta ang nasabing bulaklak. Nalula ako sa nakita. Kaagad kong hinanap ang kalakip na card.
***This is to remind you how much of a beauty you are, just like these roses seem to be. Captivated by your smile at every glimpse, wishing nothing but for your eyes to meet mine even just at a distance. Merely hoping that one day, may you would be able to hear the story of a heart that has always been yours through time.*** Still anonymous...
Sheet again! Napapikit ako habang nakapamewang. Ano to?" Di ko alam kung anong dapat maramdamam ngayon? Kung dapat ba akong kiligin, matuwa or maiinis? Well, of course! na appreciate ko 'yong effort ng nagpadala. Kung sino man siya? pero 'tang-'na! napaka duwag naman niya para hindi magpakilala! at binigyan niya pa talaga ako ng alalahanin. Kasi for sure... maaalog na naman 'yong utak ko sa kakaisip kung sino ang may kagagawan ng lahat ng 'to!
At times like this, lumalabas talaga 'yong pagiging natural ko! lahat na yata ng alam kong pagmumura ay nabitawan ko na. But then, tanging sa isip ko lang nangyayari ang lahat ng 'yon. Luminga-linga ako sa paligid, may mga matang nakatutok sa akin. For sure laman na naman ako ng balita bukas.
But I still managed to threw a smile at them. I can't afford to utter those words in front of these people. Isa pa, I'm trying hard enough to be on my best behavior nowadays. Ang laki na kaya ng hirap ng aking PRM. I'm currently building a different image now, 'yong medyo iba sa nakasanayan ng mga tao sa akin.
Hindi sa nagpapaka plastic ako, I just need to unleash that certain class an grace and in me, to be able to deserve a spot in this so-called glamour world of showbiz.
"Excuse me Miss," muli akong kina-usap ng receptionist.
"Yes Miss Vana?" tumingin siya sa akin.
"Do you have any idea kung sinong nagpadala nito?"
Lumungkot ang kanyang anyo.
"I'm really sorry Miss Vana, not for being pakialamera or whatsoever, but to be purely honest... gustong gusto ko rin pong malaman kung kanino galing ang mga 'yan. I am as curios as you are right now. But then again, as you can see... wala pong nakalagay na sender except for the name of the shop na gumawa niyan."
"Okay, I understand..." medyo nadismaya ako ng konti.
"Di niyo po ba nagustuhan?" may pag-aalalansa boses niya.
"Huh! No, of course, I like it! thanks anyway. I should be going then?"
"You can go ahead Miss Vana. I'm happy to have served you. Have a good day!" pahabol niyang sinabi.
I simply nodded and wore a smile again. Pagkatapos ay agad kong binitbit ang dalawang bouquet at lumakad na pabalik ng aking silid habang naglalaro parin ang samo't saring katanungan sa aking isipan. Posible kayang nandito lang sa tabi tabi ang taong nagbigay nito? And why is he being mysterious by the way? Wala man lang kahit anumang katiting na clue?
But wait, nakatanggap na ako ng ganitong klase ng bulaklak noon ah, from... well, alam naman ng lahat kung sino ang nagbigay di ba? Is it possible na sa kanya din galing ang mga ito? Ewan! Sa sobrang abala sa kakaisip ay hindi ko na namalayan na may nakabangga na pala ako sa hallway.
"Whoops!"
Muntik ko ng mabitawan ang mga dala dalang bagay at magre-react na sana ako, when I happen to hear a voice saying...
"Woah! Sorry, 'wasn't lookin' 'round," sandali akong natigilan. I clearly remember someone with a certain tone. Pati accent saktong-sakto.
Tumingala ako at tiningnan ng mabuti ang pinanggagalingan ng naturang boses. I can't believe who's standing in front of me now.