Mahimbing na natutulog si Bart sa isang abandonadong silid sa kanilang paaralan. Ginamitan kasi ito ni Glyza ng kapangyarihang pampatulog upang hindi makasama sa mansyon at upang maiwas sa posibleng masamang mangyari sa kahina-hinalang pag dating ni Aaron. Nakahiga si Bart sa karton na nasa sahig ng abandonadong silid. Nasa pinaka dulo ito ng kanilang paaralan kaya wala masyadong dumadaan dito. Dito siya dinala ni Glyza matapos niya itong ayain at magpatulong kunwari sa kaniya. Si Glyza ay nakaupo sa isang kahoy na silya sa tabi ng pintuan para bantayan o matyagan kung may taong darating. Maya maya pa gumalaw si Bart na parang naaalimpungatan kaya biglang napatayo si Glyza at akmang lalapitan na sana ito ngunit napansin niya na tumagilid at bumaluktot lamang si Bart at ginawang unan ang d

