Mom!" Tawag ni Shane sa isang babae. Lumingon ito sa gawi namin at napangiti. Hindi maikakaila na ito ang Ina ni Shane. Hindi pa gaanong katandaan ang Mommy ni Shane. Naglakad ito palapit sa amin, agad akong tumayo at bumati sa kanya.
"Good evening Ma'am." nakangiting pag bati ko. Tila nagitla pa siya sa pagbati ko sa kanya at napasalin sa anak ang titig n'ya.
"Mommy siya po si Eng. Francis Cortez at ang kasama naman po n'ya ay si Eng. Lorenzo. Mga katrabaho ko po sila 'my. Guys siya ang Mommy Sheena ko." pagpapakilala ni Shane sa amin sa kanyang Ina. Tumango ang Ginang at ngumiti.
"Mabuti at nakadalo kayo sa birthday celebration ng Daddy ni Shane mga iho."
"Inimbita po kami ni Eng. Shane Madam kaya po pumunta kami. Para malaman na rin po namin kung saan nakatira si Engineer Shane. Para po kapag gustong umakyat ng ligaw ang isa d'yan ay alam niya ang pupuntahan." walang preno ang bibig na sabi ni Caloy. Napapikit ako, kung pwede lang utusan ang lupa na bumuka at lamunin na lang ako ay ginawa ko na. Nakakahiya!
Natawa ang Mommy ni Shane sa sinabi ni Caloy. "I think, I like you na iho." Natatawa pa ring sabi ni Ma'am Sheena.
"Naku po madam! Hindi po pwede baka ipakulong ako ni Attorney. Gusto ko pa pong mabuhay ng maagal tagal." Napapakamot si Caloy sa kanyang batok habang nagsasalita. Oh God, why so slow Caloy! Pinandidilatan ko na siya ng mata ngunit 'di niya makuha sa halip ay nangunot pa ang kanyang noo. How dare you Caloy!
Tawang tawa ang mag ina sa inasal ni Caloy. "Maiiwan ko muna kayo, feel at home. Huwag kayong mahihiya." paalam ng mommy ni Shane. Hiyang hiya na nga po. Gusto kong isatinig ngunit nakapagpigil ako. Tumango na lang ako. Tila naumid ang dila ko dahil sa pagpipigil ng inis sa kaibigan ko.
Ni hindi ako makakain ng maayos dahil dumagdag pa si Shane sa alalahanin ko. Kung maka asta kasi siya ay para niya akong boyfriend na pinagsisilbihan sa hapag. Siya ang kusang nag sasandok ng pagkain at nilalagay sa pinggan ko. She didn't even dare to ask me if I like that food, or am I eating this or that? Basta lagay lang siya ng lagay sa plato ko.
"Shane enough, baka hindi ko na 'to maubos lahat. Kukuha na lang ako kapag naubos ko na." malumanay at nakangiting saad ko upang maiwasan kong mapahiya s'ya.
"Ok, just tell me if you need something." sabi niya a nakatitig sa akin.
"Don't worry about me. Kumain ka na rin." utos ko at nagsisimula ng kumain.
Mabilis kong tinapos ang pagkain. Hindi naman talaga ako malakas kumain lalo na kapag gabi. Pinilit ko lang ubusin ang mga pagkain na nilagay ni Shane sa aking plato. Itong si Caloy ay talagang sinusulit n'ya ang pagdalo sa party. Mas malakas talaga kumain si Caloy sa akin kita naman sa katawan di hamak na mas malaki ang katawan niya sa akin. Nagpaalam ako kina Shane at Caloy na mag babanyo sandali. Itinuro naman ni Shane sa akin ang direksyon patungo sa comfort room nila.
On my way going to the comfort room ay nakarinig ako dalawang babaeng nag uusap. Hindi ko naman intensyon na makinig sa usapan nila pero tila may nag-udyok sa akin na tumigil sadali sa paglalakad para makinig sa pinag uusapan nila.
"So, 'yon pala ang Engineer na bukambibig ng pinsan mo?" sabi ng isang babae. Hindi nila ako nakita dahil nakatalikod sila at ako naman ay pasimpleng sumandal sa wall ng bahay nila Shane sa may hallway.
"Yes, feeling girlfriend ang peg.'' sagot naman ng babae.
"Hmm, infairness magaling pumili ng lalandiin 'yang pinsan mo. Ang hot ng dating ni Eng. Cortez. Kahit sa simpleng damit lang ay sumisigaw ang taglay niyang karisma." saad ulit ng isa na napa hagikgik pa. Ibig sabihin ako ang pinag uusapan nila.
"Huwag pakampante ang Shane na 'yan dahil baka bukas katabi ko na sa kama ang hot Engineer na 'yon." sabi ng pinsan ni Eng. Shane. F*ck! in your dreams! Hindi ako makapaniwala na may mga babaeng despereda katulad nila. Mukhang hindi lang ako kay Shane namomroblema. Palihim akong umalis doon at tinungo ang comfort room.
Pagbalik ko sa dining area kung saan ko iniwan si Caloy ay wala na s'ya do'n. Nagpa linga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko siya mahagilap. Pati si Shane ay hindi ko makita. Nagpasya akong lumabas ng bahay para hanapin s'ya. Nakasalubong ko ang Mommy ni Shane at naisipan kong tanungin si Caloy.
"Ma'am nakita n'yo po ba 'yong kasama ko kanina si Caloy po?" magalang kong tanong sa kanya.
"Tita na lang iho. Masyadong pormal ang Ma'am. Anyway your friend is in the pool side. Sa likod ng bahay namin kasama n'ya si Shane." saad ng Ginang.
"Thank you po tita." sabi ko at tumango naman siya. Nagpaalam ako at tinungo ang poolside. Nasa gawing kanang bahagi ng bahay ang pool. Malawak ang pool na may disenyo ng parihaba sa tantiya ko ay nasa walo o sampung metro kwadrado ang lawak nito. May mga nakapalibot na pailaw sa bawat puno at mga halaman na lalong nagpapaganda sa bakuran ng bahay.
I saw Caloy on the other side. May hawak siyang kopita habang nakapamulsa. May kasama siyang babae. Base sa kulay ng damit ng babae ay nakilala ko ito. Siya ang kausap ng pinsan ni Shane kanina. Mukhang hindi tama ito. Kailangan kong mailihis si Caloy. Marupok pa naman ang ungas na ito.
"Pare, can I talk to you for a while?" panimula ko. napalingon naman sa akin ang babaeng kausap ni Caloy. Nahuli ko ang palihim niyang paghagod ng tingin sa kabuuan ko. Tumikhim ako, mukhang nakuha naman n'ya at napasalin kay Caloy ang kanyang tingin at pilit ngumiti.
"Ok" napatingin si Caloy sa babaeng kausap "Excuse me Silvia. I'll see you later." Weew! alam niya agad ang pangalan. Ngumiti naman ang babae at umalis patungo sa umpukan ng mga kababaihan.
"Ano 'yon p're?" tanong niya noong kami na lang dalawa.
"Let's go." saad ko. Napakunot ang kanyang noo at nagtatakang tinitigan ako na tila hindi kapani-paniwala ang sinabi ko. Ganito talaga ang kaibigan ko over acting.
"The night is still young." sagot n'ya. "At saka halos kararating pa lang natin." dagdag n'ya pa.
"Yes, the night is still young but I promised to my parents na uuwi ako ng maaga bukas dahil birthday ni Dein." katwiran ko. Tila natauhan naman siya at kalaunan ay sumang ayon sa sinabi ko. Hinahanap namin si Shane para magpaalam. Pinigilan n'ya kami no'ng una ngunit si Caloy ang nagpaliwanag na kailangan naming umuwi ng maaga sa probinsya kaya walang nagawa si Shane kundi hayaan kaming makauwi.
Pagdating sa boarding house naikwento ko kay Caloy ang mga narinig ko kanina.
"Alam mo p're hindi maipagkakaila na malakas ang tama ni Shane sayo." komento ni Caloy "Panay ang tanong tungkol sayo. Kung may nobya ka na ba? Kung ano ang tipo mo sa babae? Basta marami siyang mga tanong." daldal n'ya.
"At ikaw panay kwento ka naman. Pati pinsan na dagdag sa iisipin ko. Sana lang hindi mag krus ang landas namin ng babaeng 'yon." saad ko habang naghahanda na sa pagtulog.
"Sana naman kasi Kiko, nag mudmod ka man lang ng extra hotness at karisma para pag agawan rin ako." natatawa na sabi ni Caloy na nakahiga na din. Nagkibit balikat na lamang ako at pumikit, umusal ng maikling dalangin bago matulog.