Sabado ng umaga umuwi kami ni Caloy sa probinsya dahil kaarawan ng kapatid kong si Dein. Francine Dein is now 20 years old. Pagdating sa bahay ay tumulong ako sa pagluluto at paghahanda para sa munting salu-salo para kay Dein. Hindi na muna umuwi sa bahay nila si Caloy para tumulong din sa bahay.
Darating ang mga kaibigan at kaklase ng kapatid ko pati na rin ang ilan sa kanyang coach. Dein is an athlete. Sa pagiging atleta n'ya ay nakakuha siya ng full scholarship sa school nila. Siya ang pambato ng kanilang eskwelahan sa tuwing may palaro para sa iba't ibang unibersidad dito sa bansa.
Nang matapos kami sa pagluluto at paghahanda ng hapag ay nagpaalam muna ako kay Inay na papasok muna sa kwarto ko. Agad kong hinablot ang aking twalya at pumasok sa banyo para maligo.
Dahil siguro sa puyat kagabi ng dumalo kami sa party ng Daddy ni Shane ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Sino yan?" tanong ko habang pupungas-pungas.
"Si Dein 'to kuya." sagot naman niya. Agad akong bumangon para pagbuksan siya ng pinto.
"Kuya." Nakangiting bungad niya sa akin.
"Happy birthday kapatid" bati ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Thank you kuya." nakangiting sagot niya.
Kumalas ako sa yakap ni Dein at kinuha ang isang paper bag. Binigay ko sa kanya, nagtataka namang inabot n'ya ito.
"Kuya ano 'to?" tanong niya.
"Buksan mo para malaman mo." sabi ko habang nakapamulsa.
Binuksan nga ni Dein ang paper bag at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang laman nito. "OMG kuya! Sa akin 'to." Bulalas niya at palipat-lipat ng tingin sa akin at sa kahong hawak niya. I bought her a shoes. A branded white rubber shoes. Nalaman ko kasi kay Kristine na gusto niya ng rubber shoes na branded kaya iyon ang naisip kong iregalo.
"Basta mag aral ka ng mabuti ha? Kung may kailangan ka magsabi ka lang ok?" paalala ko sa kanya.
"Promise kuya, hindi kita bibiguin. Magiging pulis ako kuya, pangako." Sabi n'ya at itinaas pa Ang kanyang kanang kamay na animo nanunumpa.
"Oo na, sige na labas na magbibihis lang ako sandali susunod na ako." taboy ko sa kanya.
"Ok kuya, thank you ulit. Bilisan mo djan. Ipapakilala kita sa mga classmates at coach ko." saad niya bago tuyang lumabas ng kwarto ko.
Nag ayos ako ng sarili bago lumabas ng kwarto. Nagsuot ako ng cargo pants at white t shirt. Sinipat ko sandali ang aking kabuuan sa salamin bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sa aming sala ang ilan sa mga kaklase ni Dein.
"Hi kuya, mga kaklase at kaibigan ko po. And this is coach Alfred." turo niya sa isang lalaki na naka t shirt ng ng kulay dilaw. Tumango naman ang coach ni Dein na sa tingin ko ay nasa mid thirties na ang edad.
"Hello sa inyo, Ako nga pala si Kiko. Kumain na ba kayo?" nakangiting tanong ko.
Umiling si Dein. "Mamaya na kuya hinihintay pa namin ang iba pa naming kasama." sagot ni Dein.
"Sige, naiwan ko muna kayo." Paalam ko para puntahan si Itay sa labas.
Palabas pa lang ako ng bahay nang mamataan ko si Caloy na humahangos palapit sa akin.
"Kiko! Pare!" sigaw niya.
"Oh Caloy. Bakit humahangos ka mukha kang hindi matae sa istura mo." nakakunot noo kong saad.
"Pare... Ano kasi... 'yong ka chat ko na taga Amerika darating na daw sa isang araw." tila kabadong sabi niya.
"So? Anong pakialam ko?" pambabara ko sa kanya.
"Pare... Ganito kasi 'yon... Kingina pa'no ba 'to?" napapakamot siya sa kanyang batok "Pare, kailangan ko ng tulong mo." Sabi n'ya.
"Huh? Tulong? Anong tulong?" sunud-sunod na tanong ko.
"Pare darating kasi siya sa isang araw. Kailangan ko ng tulong mo. Pwede bang ikaw muna ang sumundo sa kanya?" Sabi n'ya na hindi makatingin sa akin ng diretso.
Marahas akong napalingon sa kanya. "Ako? Susundo sa ka chat mo? Bakit pati ako dinadamay mo?"
Hinawakan niya ako sa balikat at tinitigan ako sa mata ng may pagsusumamo. "Pare, ganito kasi 'yon. Nakilala ko si Jamila sa isang dating site. Maganda siya at kahit sa America siya lumaki ay simple lang siyang babae. Isa s'yang propesor sa kilalang university sa America. Uuwi siya sa makalawa dito sa Pilipinas para makipagkita sa akin. Kaya sana matulungan mo ako pare. Pwede bang ikaw ang sumundo sa kanya?"
Nakahalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay " Caloy I can't get your point. Bakit ako ang susundo eh ikaw ang kilala niya?"
"Pare ako ang kilala niya pero mukha mo 'yung kilala niya." sagot niya.
Napahilamos ako sa aking mukha. Kahit kailan talaga ang labo kausap ni Caloy. Minsan mapapaisip talaga ako kung paano siya naging inhinyero.
"Ako kilala niya? Pwede ba Caloy linawin mo, nauubusan na ako ng pasensya sayo eh." nagtitimpi pa ring saad ko.
"Pare nung binalak kong i-chat si Jamila ginamit ko ang pangalan at picture mo." deklara niya.
"Ano!?" hindi ko na mapigil ang sariling sigaw ko.
"Pare sasabihin ko naman sa kanya ang totoo eh. Nawalan kasi ako ng kumpyansa sa sarili. Sobrang ganda niya kasi. Kaya sana matulungan mo ako pare magpanggap ka munang ako." pagsusumamo niya.
"G*go ka ba? Paano ako mag papanggap ng ikaw eh pati picture ko ginamit mo? You used my identity without asking my permission!?" mariin kong sabi sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili na sigawan si Caloy dahil medyo marami-rami na ang bisita.
"Pare tulungan mo na ako. Sasabihin ko naman sa kanya ang totoo eh. Kapag dumating na siya dito." pakiusap niya.
"Sasabihin mo rin naman pala bakit hindi pa ngayon?" sikmat ko.
"Kung sasabihin ko ngayon eh 'di magagalit siya. Eh 'di hindi na siya pupunta dito sa Pilipinas?" katwiran niya.
"Malamang magagalit 'yon niloko mo eh. Dinamay mo pa ako." naiinis paring sabi ko.
"Pare sige na tulungan mo na ako, parang awa mo na." kulang na lang ay lumuhod siya.
"Ayoko. Pumasok ka sa sitwasyon na 'yan kaya bahala ka kung paano 'yan lulusutan."
"Kiks, sige na naman oh. Maawa ka naman sa akin." pagmamakaawa niya pa.
"Dapat kasi magkagusto ka ng naaayon sa itsura. At tsaka huwag mo nga akong tawaging Kiks ang pangit sa pandinig. Nakakabakla."
"Payag ka na? Please, send ko sayo ang account na ginamit ko pati password." Sabi niya at inilabas ang kanyang phone. Wala na akong nagawa kundi pumayag. Susunduin ko lang naman siya tapos ay sasabihin ko na ang totoo sa kanya.