Chapter 10

1133 Words
Binigay ni Caloy sa akin ang gamit niyang account. He send it to my messenger account. Hindi pa ako pumayag ay binigay na niya sa akin. Nag-log out ako sa account ko at ni-log in ang account na binigay ni Caloy. I viewed the profile at tanging ang babae lang ang friend niya. May mga post sa profile na pictures ko. Ang isa ay may caption na. "My first project." kuha ito sa lugar kung saan ang mansyon ni Ace delos Santos. May picture ako habang busy sa pagbabasa ng floor plan, ang isa ay kuha habang binibigyan ko ng instruction ang mga laborers. The other one is when I was sitting on the tent and holding a bottle of water. Kaya pala panay kuha ng picture si Caloy dati ay dito pala niya gagamitin. The latest post he did is when we are in Quezon province. The photo was taken when I was standing under a tree. May isang heart react at si Jamila iyon, may comment din siya na "Congratulations to your first project Eng. Cortez." May reply naman si Caloy at sinabing " Thank you my loves." Nakakunot ang aking noo. My loves? hindi pa sila. Natukso akong i-stalk ang account niya. She is Jamila Beltran, 23 years old living in California USA. She is a professor. Nangunot pa lalo ang aking noo. "Tsk, naturingang professor pero nagpapaloko sa isang inhinyerong ungas." bulong ko habang ini-scan ang mga post niya. Wala naman siyang masyadong post. Ibabalik ko na sana sa profile ko ngunit isang litrato ang nakakuha sa aking atensyon. May post siya na kuha sa isang beach. She is wearing black one piece swimsuit with sunglasses. Nakaupo siya sa buhangin sa tabing dagat. Nakangiti siya at tila nag-aanyaya na sabayang s'ya sa paliligo sa dagat. Katamtaman ang tangos ng ilong at morena ang kutis. Ang dibdib niya ay bilugan at kita ang cleavage nito pero hindi naman masyadong revealing. Lumaki man sa ibang bansa ay hindi kababakasan ang kanyang mukha ng lahing banyaga. Sa kulay palang ay makikita mo nang isa s'yang Pilipina. Isang magandang Pilipina. Nagpahawak ako sa aking baba at hinimas-himas ko ito. "Kaya pala baliw na baliw ang unggoy." bulong ko ulit. Ngayon ay ini-scan ko ang mga conversations nila. I decided to look for their old conversations. Caloy You know what? I like siomai. Jamila Why? Caloy Because I want to siomai love for you. Jamila Hahaha I like it. Muntik na akong mapabunghalit ng tawa. Sobrang luma ng sinabi ng Caloy. Nauubo ako dahil sa pagpigil ng tawa. Baka isipin ng magulang at kapatid ko nababaliw na ako. F*ck Caloy! ang korni! kingina ang luma nang mga banat mo! Caloy Hi Jamila, alam mo ba ang pag ibig ko Sayo parang t*e. Kusang lumalabas kahit Hindi ako umire! Hahaha have a nice day! Jamila You made my day. Good morning! Para akong malalagutan ng hininga sa mga conversations nila. Bakit may t*e? What the hell! Nawala ang antok ko habang nagbabasa ng mga pag wawalwal ni Caloy. Caloy Jamila, kuto ka ba? Jamila No, why are you asking? Caloy Because I can't get you out of my head. Jamila Hmmm, I like it. Caloy Pustiso ka ba? Jamila Huh? Hindi bakit? Caloy Because I can't smile without you. Jamila hahahaha Isinubsob ko ang mukha ko sa unan upang maipit ang malakas kong halakhak. Fvck Caloy! sa dinami-dami ng gagamitin niya sa pick up lines bakit pustiso at t*e pa? Nagulat ako at biglang napabangon ng mag ring ang phone ko. Sh*t tumawag siya sa messenger! what should I do now? Should I answer it? Matagal akong nakatitig sa screen ng phone ko habang nag-ri-ring iyon. Sa huli ay sinagot ko ang tawag niya. I open my camera and she look surprised. "H-hi." nag aalangan pero binati ko pa rin siya.. Napa kurap-kurap pa siya at mukhang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Nakasuot siya ng formal attire at nakaupo sa kanyang table. Marahil ay nasa office siya ng school kung saan siya natuturo. She is very beautiful. Bakat sa kanyang damit ang maumbok niyang dibdib dahil sa puting sleeveless. Lalong na-emphasize ang hubog ng kanyang katawan. Ang kanyang jacket ay maayos na nakapatong sa kanyang upuan. Now I know kung bakit nababaliw si Caloy kay Jamila. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa, tumikhim ako para hindi maging awkward. "You looked surprised?" panimula ko. "A-ahm, a-ano kasi... N-nagulat lang ako kasi this is the first time that we talk like this. Everytime we talk on the phone, even video calls, your camera is off. That's why I was surprised. M-mas gwapo ka pala sa malapitan kesa sa picture." Utal na paliwanag niya. Even in speaking she looks smart. Medyo nahawa lang yata kay Caloy sa pambobola. Gwapo daw ako? Well gwapo naman talaga ako ayon sa nanay ko. Paano nga ba naman mag papakita si Caloy eh nagpapanggap nga. "Ilang buwan na rin kasi tayong nag cha-chat so I decided to reveal my face anyway magkikita na tayo soon." sabi ko. Napansin ko ang tila lihim niyang pagngiti. "Yeah, pumasok lang ako dito sa school para iligpit ang mga gamit ko. Dalawang buwan ang bakasyon ng mga estudyante. Kaya two months rin na walang pasok." saad niya habang nakangiti. "C-can I ask you a favor?" tanong niya na tila nag aalangan. "Yes, what is it?" tanong ko. "Can you fetch me in the airport?" "Of course, pero wala akong sariling sasakyan. But I can hire one." sagot ko at ngumiti. I saw her stiff. Nang makabawi ay ngumiti rin siya. "Thank you, I'll just call you when I get my flight schedule. See you, three days from now." masaya at axcited na saad n'ya. "Ok." sagot ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakangiti habang nakikinig sa mga kwento niya. May pagka madaldal siya. "I have to go. Magpa-pack pa ako ng gamit ko. Bye, see you soonest handsome. Muah." paalam niya at humalik pa siya sa screen. Feeling ko namumula ang pisngi ko at nag init ang tenga ko. What the f! Akala ko babae lang ang kinikilig bakit parang kinilig ako? Matagal ng naka-off ang screen ng phone ko ngunit nakatitig pa rin ako doon. Hanggang sa nakahiga ako ay tila sinakop ni Jamila ang isipan ko. "Caloy is right, para kang kuto dahil ngayon palang hindi ka na maalis sa ulo ko. Ikaw na nga yata ang laman nito eh unang beses pa lang kitang nakita at sa phone pa lang. Paano na lang kung sa personal tayo magkita? Baka pati mundo ko sakupin mo na." Bulong ko habang nakahiga ta nakatingin sa kisame. Hating gabi na pero hindi pa ako makatulog. Sa tuwing pipikit ako ay mukha ni Jamila ang nakikita ko. May lahi bang mangkukulam ang babaeng 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD