Tahimik ako sa aking table. Iniisip ko kung paano ko ipagtatapat kay Jamila ang lahat. Ayoko siyang lokohin. Kapag nalaman niyang nagpapanggap lang ako at puro pagkukunwari lang ang mga pinakita ko sa kanya tiyak na kamumuhian niya ako. Ayokong mangyari 'yon. Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang pagtikhim ni Caloy.
"Kamusta pare?" tanong niya. Sumandig siya sa table edge ng table ko paharap sa akin at nakahalukipkip. Napabuntong hininga ako at sumagot "Ok lang naman. Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Wala kayong convo ni Jamila? Hindi mo s'ya ni-chat?" tanong niya ulit. Nakaangat ang aking kilay dahil sa kanyang tinuran. So, he checked my fake account? Mabuti nalang wala pa kaming ibang pinag-usapan for sure kapag meron man nalaman na ng unggoy na ito. Mapalitan nga ng password Yun mamayang gabi.
"Anong gusto mong gawin ko kulitin ko 'yong tao?" taas kilay na balik tanong ko kay Caloy.
Napakamot siya ng ulo "Hindi naman sa ganun pre. Ang ibig kong sabihin kausapin mo man lang para hindi siya magtaka na hindi na ako ang ka-chat niya."
"Anong gusto mo? Mag pick up line din ako? Katulad ng ginawa mo?" taas kilay kong tanong sa kanya. Napaawang ang kanyang labi at kalaunan ay ngumiti.
"Oh 'di ba unique." sabi niya.
"Oo nga eh napaka-unique. Sobrang bago ng mga banat mo. Pati pustiso dinamay mo. Itong babae naman uto-uto tawang-tawa din." nakangusong saad ko hindi sa naiinis ako kay Caloy pero naiinis ako dahil natawa siya sa mga jokes ni Caloy kahit napaka luma at korni. Wait, nagseselos ba ako? F*ck this cannot be.
"Atleast 'di ba, natawa siya. Nag-usap kayo? Ano'ng pinag- usapan niyo pare?" pag-uusisa ulit niya.
"Wala naman, sinabi lang niya na darating siya three days from now." sagot ko.
"N-nag-vedeocall kayo? anong reaksyon niya pare?" tanong ulit niya halata ang gulat sa kanyang mukha.
"Oo, nagulat siya. Sabi niya ang gwapo ko naman daw pala." walang pag-aalinlangan na sagot ko.
"Wow, tanggap ko naman na mas gwapo ka pare huwag mo nang ipamukha sa akin." sagot niya habang nakataas ang kanyang kilay. He was fissed I felt it. Lihim akong napangiti.
"She even ask me na bakit daw laging naka off ang camera ko everytime tumatawag siya eh ang gwapo ko naman daw pala." gatong ko pa.
Nanlaki ang kanyang mata na tila hindi makapaniwala. "Sinabi niya 'yon p're? Ano'ng sinagot mo sa kanya?"
"Ano pa? Eh 'di sinabi ko na nahihiya ako. alangan namang sabihin ko na hindi talaga ako 'yun, na nagpapanggap lang ako." sagot ko.
"Basta hintayin muna natin siya pare. Sasabihin ko rin sa kanya ang totoo." saad niya at pagkatapos ay tumayo na.
"Pare, hindi ka naman pangit eh. Bakit kailangan mong magpanggap na ako?" tanong ko.
Napabuntong hininga siya at isinuksok ang isang kamay sa bulsa. "Baka kasi hindi niya ako magustuhan pare." nakayukong saad niya.
"Pare, kung hindi ka man niya magugustuhan dapat tanggapin mo 'yan. Kung tanging pagkakaibigan lang ang kaya niyang i-offer sayo. Sa dinami dami ng tao sa mundo tinitiyak kong may isang nakalaan para sayo at darating s'ya sa tamang panahon." payo ko sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa aking mga mata habang ako ay nagsasalita.
"Tapatin mo nga ako pare?" seryosong tanong niya sa akin. Ang kanyang mukha ay hindi kababakasan ng anumang emosyon. Blangko. "May gusto ka na ba kay Jamila?" diretsong tanong niya habang nakatitig sa aking mga mata. Ako naman ngayon ang natulala. Sandali akong na tahimik ngunit agad akong nakabawi.
"W-wala pare." f*ck bakit ako nauutal! "Paano ako magkakagusto sa babaeng 'yun eh kahapon ko lang nakausap at sa phone pa?" pagdadahilan ko. Sinikap kong hindi mautal habang nagsasalita. Kahit kasi may pagkabaliw si Caloy ay keen observer din ito. May pagka detective din siya lalo na kapag meron siyang mga bagay na gustong malaman.
Napa tango-tango siya "Relax pare, tinatanong lang kita huwag kang mautal." pambabara niya sa akin. Napalunok ako. "Hindi ka pa ba kakain ng lunch? It's already twelve noon." baling niya sa akin.
"Mauna ka na pare susunod ako." saad ko. Tumango naman siya at naglakad na palayo. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kaibigan ko. Nagagawa niyang magpanggap at manloko ng ibang tao para lang mapansin at mahalin siya. Kapag nagkita sila ni Jamila at malaman ang totoo tiyak na masasaktan si Jamila at kamumuhian niya si Caloy. Lalo lang akong nakaramdam ng awa sa kaibigan ko kapag nangyari iyon.
On the other side of my mind I can't deny the fact that I am mesmerized by Jamila's beauty. She has a charm that any man can't resist. Ilang gabi ng binabagabag ng imahe ni Jamila ang diwa ko. Sa tuwing pipikit ako ay mukha niya ang nakikita ko. Kahit hirap na hirap ako ay tiniis ko na huwag siyang tawagan. Itinanim ko sa isip ko na hindi ko pwedeng traydorin ang kaibigan ko. Kapag nagkataon magagalit si Caloy sa akin at masisisa ang pagkakaibigan namin ng mahabang panahon nang dahil lang sa isang babae.
Napa sabunot ako sa sariling buhok. Ang hirap. Ang hirap mag isip.
"How can I handle this situation?" Bulong ko habang nakatitig sa screen ng phone ko ng biglang mag ring ito. Jamila is calling on messenger. Noong una ay nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ang tawag niya. Namatay ang tawag ngunit nag-ring ulit ito sa pangalawang pagkakataon. Matagal kong tinitigan ang screen hanggang sa sinagot ko ang tawag niya.
"Hi." I greeted.
"Hi, I just want to inform you that tomorrow is my flight."
"Ok, I'll be at the airport pag lapag mo ng Pilipinas." saad ko. Napangiti siya. That smile again makes my heart beats fast. Ang mga labing mapupula at pantay na ngipin. Idagdag pa ang kanyang mga dimple na lumalalim kapag nakangiti at nakakadagdag sa attraction na nararamdaman ko.
"Hey? Are you listening Kiko?" untag ni Jamila sa akin.
"W-what did you say Jam?" tanong ko. Bigla siyang napangiti.
Diyos ko po, pwede bang iwasan niyang ngumiti baka malunod na ako.
"Jam... sounds sweet. I like it." saad niya habang matamang nakatitig sa akin sa screen. F*ck paano ko maiiwasan ang babaeng ito kung ngiti palang niya nayayanig na ang katawang lupa ko!