Chapter 12

1058 Words
Bukas na darating si Jamila kaya naman ang aking sistema ay parang nabulabog. Malalim na ang gabi, tahimik na ang buong boarding house. Caloy is deeply snoring. Iniisip ko ang mga instances na pwedeng mangyari kapag hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para kay Jamila. Kilala lamang ako ni Jamila sa panlabas na anyo ngunit si Caloy ang kilala niya pagdating sa tunay na pagkatao. Kung magugustuhan man niya ako, 'yon ay dahil sa mabulaklak na dila ni Caloy at hindi dahil linigawan ko siya. Ugh! F*ck! What should I do now? Kasalanan mo 'to Caloy! Ginulo ko ang aking buhok at saka dumapa ng higa. Pipilitin kong makatulog kahit ilang oras lang. Alarm ng phone ko ang gumising sa akin kinabukasan. Ang bigat ng ulo ko, hindi ko alam kung ilang oras lang ang tulog ko. Nakatulugan ko ang pag iisip sa maaring mangyari kapag nagkita na kami ni Jamila. Naisip ko pa kagabi na 'wag na lang siyang siputin pero paano kung hindi pala niya alam ang pupuntahan niya? Lalo lang akong uusugin ng konsensya ko kung may mangyaring masama sa kanya. Hanggang sa pagpunta sa palikuran ay parang lutang ako. Nagulat ako nang bigla kaming magkabanggaan ni Caloy. "Ano ba pare? Tulog ka pa ba?" tanong niya habang pinupulot sa sahig ang kanyang gamit. Galing siya sa banyo. Basa pa ang kanyang katawan at tanging tuwalya lang ang tapis sa ibabang parte ng kanyang katawan. Tumilapon ang lalagyan ng kanyang sabon at toothbrush dahil sa lakas ng pag bangga ko sa kanya. "S-sorry pare hindi kita nakita." hinging paumanhin ko at tinulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niyang nakakalat sa sahig. "Ok ka lang ba pare? Mukha kang puyat, hindi ka ba nakatulog kagabi?" usisa niya abang nakakunot ang noo. Napa buntong hininga ako "Naisip ko lang kasi pare na, ano kaya kung ikaw nalang ang susundo kay Jamila?" suhestyon ko. Napamaang siya sa tinuran ko "Pare ano ka ba? Napag usapan na natin ito diba? Kung ako ang susundo sa kanya at sasabihin ngayon ang totoo baka magalit 'yon at ipapulis pa ako. Isipin mo naman pagod iyong tao sa byahe. Huwag mong sabihing dinadaga ka na? Magpapanggap ka lang naman pare eh, tapos kapag nakapag pahinga na siya at nakahanap na tayo ng magandang tyempo ipagtatapat din natin ang totoo sa kanya." mahabang litanya niya. "Sabagay," saad ko habang napatango-tango "Sa itsura mo nga namang 'yan, kapag ikaw ang sumundo sa kanya baka pagkamalan ka n'yang kidnaper, ipakulong ka pa ng wala sa oras. Proproblemahin ko pa kung saan kukuha ng pampyansa sayo." nakangising saad ko. "Mismo." sang ayon n'ya. See? "Kasalanan mo to eh, sa dinami dami ng lalaki bakit ako pa Caloy? Ano bang nagawa kong kasalanan sayo para parusahan mo ako ng ganito? Pati pagtulog ko sa gabi naantala dahil d'yan sa mga kalokohan mo." nakahalukipkip na saad ko at inirapan siya. "Kung pwede nga lang na picture ni James Reid o ni Daniel Padilla ang i-send ko sa kanya Kiko ginawa ko na eh. Kaso hindi naman 'yon maniniwala." Pagdadahilan niya. "Kaya ako ang dinamay mo?" sikmat ko. "Don't worry pare babawi ako." turan niya. Napa angat ako ng kilay. "Sa anong paraan ka naman babawi?" tanong ko. "Tutulungan kita kay Shane." sabi niya at pakindat-kindat pa ang kilay niya. "Huh? Kay Shane? What do you mean?" naguguluhan akong tumitig sa kanya. "Tutulungan kitang manligaw kay Shane." diretsang saad niya. "Caloy, I just want to make it clear. Wala akong gusto kay Shane ok?" umirap ulit ako sa kanya. "Pero siya malaki ang pagkagusto niya sayo." giit niya. Napailing na lang ako at tinalikuran siya para pumasok na sa banyo ng aming inuupahang bahay. Apat kaming nakatira dito. Ang dalawa pa naming kasama ay kapwa namin empleyado sa GCC. Dalawa ang kwarto ng bahay ang isa ay inookupa namin ni Caloy at ang isa naman ay sa dalawa pa naming kasama. Tungkol sa pagkain ay kanya-kanya kaming luto. Share kami ni Caloy ngunit madalang lang kaming magluto dahil madalas ay sa labas na kami kumakain or sa cafeteria ng GCC. Paglabas ko ng kwarto ay nasa sala na si Caloy at mukhang hinihintay ako. Buti na lang at wala kaming mahalagang trabahong gagawin sa field kaya nakapag leave ako ng 3 days na si Caloy mismo ang mag asikaso. "Pare, galingan mo ha? Wag kang lalampa-lampa." paalala niya sa akin. "G*go 'di na ako bata para paalalahanan mo ng ganyan!." Singhal ko sa kanya. Nakangisi siya habang sinisipat sipat ang kabuuan ko. I wear my usual get up. A plain v neck shirt paired with denim pants and white rubber shoes. Nangunot ang noo ko. "T*ngina Kiks, kahit yata butas-butas ang isuot mo bagay pa rin sayo. Kahit saang anggulo tingnan ang lakas ng karisma mo pare." Puri niya sa akin na ikina ngisi ko. "Tigil-tigilan mo na 'yang pambobola mo Caloy. Matagal ko ng alam na gwapo ako." pambabara ko. "Oo, alam kong matagal ka ng gwapo. Basta pangako mo pare, kapag nagkagusto ka kay Jamila sabihin mo agad sa akin." paalala ni Caloy. Sandali akong natigilan sa sinabi niya. "Pare, hindi ko gagawin 'yon." sabi ko. Diyos ko, huwag naman sana akong tamaan ng kidlat dahil sa pagsisinungaling ko. "Dapat lang pare, dahil kapag ginawa mo 'yun friendship over na." saad niya na tila may diin sa pagbigkas niya ng salitang over. Sinundan niya ito ng malutong na halakhak. Subalit ang mga halakhak na iyon ay hindi abot sa kanyang mga mata. "Sige pare, mauna na ako nandyan na ang sasakyang inarkila ko." Pagpapaalam ko sa kanya. Tumango lang siya at tinapik ang kanang balikat ko. "Sige pare ingat ka. Good luck. Sabi niya bago ko siya tinalikuran at tinungo ang gate para makasakay na sa nakaparadang sasakyan. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay agad kong sinabi sa driver ang lokasyon ng pupuntahan namin. Para akong nabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Lalong-lalo na noong makarating kami sa airport. Bumuga ako ng hangin at huminga ng malalim para kumalma ang pakiramdam ko. F*ck! Bakit parang mas kinakabahan pa ako ngayon kaysa noong nag take ako ng board exam. Nagsisimula ng mag labasan ang mga pasahero ng kalalapag lang na eroplano at isa-isa kong tinititigan ang mga taong naglalakad patungo sa waiting area. Nang biglang may humalik sa pisngi ko at yumakap sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD