Ilang araw akong nagpa balik balik sa bahay ng lola ni Jamila. Umaasa ako na sana ay sabihin ni Mam Juanita kung nasaan ang apo niya. Hindi ko alam kung saan siya hahagilapin dahil maging sa mga social media accounts niya ay blocked na ako. I kept on begging her but she refused to talk to me. Umuwi akong laglag ang balikat pero hindi ako nawalan ng pag-asa bumabalik pa rin ako at nag baka sakali. There was a time na hindi pa nila ako pinagbuksan ng gate ngunit matyaga akong nakatayo sa labas bahay nila at umaasa na pagbuksan nila ako ng pinto. Ngunit inabot ako ng ilang oras sa labas ay hindi pa rin n'ya ako in-entertain. Minsan pa ay nahagip ng paningin ko si ate Ana. Nakasilip siya sa bintana ng kusina. Bakas sa kanyang mukha ang awa sa akin. Ngunit handa pa rin akong pagdaanan ang l

