Larawan ng pagkabahala ang mukha ni ate Ana nang pumasok siya sa kwarto private room ni Mam Juanita. Pawisan siya at halatang galing ito sa pag iyak dahil bakas pa ang mga luha sa kanyang pisngi at gilid ng kanyang mga mata. "Ate bakit? May nangyari ba?" tanong ko nang makalapit siya sa akin. Nanginug ng kanyang mga labi at bumalong ang luha sa kanyang mga mata, ngunit agad din n'ya itong pinahid gamit ang kanyang mga palad. "Kiko ang asawa ko kasi… dadalhin rin dito sa ospital." sagot niya sa pagitan ng mga hikbi. "Po? Bakit? Ano po ang nagyari sa kanya?" sunud-sunod kong tanong. Huminga siya ng malalim bago sumagot "Hindi ko pa alam basta ang sabi ng tumawag sa akin nabangga ng malaking truck ang minamaneho niyang traysikel. Kiko nakikiusap ako, ikaw na muna sana ang bahala kay Mam.

