Lumipas ang ilang buwan ay hindi nawala sa isip ko si Jamila. Laman pa rin s'ya ng puso ko. Walang araw na hindi ko siya naiisip lalong-lalo na kapag palubog na ang araw. Naalala ko pa noon kahit simpleng street foods lang ang pinagsaluhan namin sa parke ay ayos lang sa kanya. Nakakamis ang mahigpit niyang yakap sa likod ko sa tuwing nga i stroll kami. Lumala pa ang lungkot na nararamdaman ko ngayon dahil bumukod na ako ng tirahan. Nang makaipon ay kumuha kami ni Caloy ng tig isa naming bahay. Hindi pa naman ito fully paid ngunit nagdesisyon kami na lumipat na. Buwan-buwan ang hulog sa bahay hanggang sa mabayaran. Magkapitbahay kami ni Caloy isang bakanteng bahay lang ang pagitan namin pero madalang kaming magkita. Na assign kami sa magkaibang project kaya sa loob ng isang linggo ma

