Chapter 14

1114 Words
Nanigas ang katawan ko dahil sa gulat ng bigla kong naramdaman ang pagyakap ni Jamila mula sa aking likuran. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng sabong ginamit niya. Nakaramdam ako ng biglaang pag-iinit. Ugali ba talaga ng babaeng ito ang bigla-bigla na lamang nangyayakap? Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko sa tuwing dumidikit ang katawan niya sa katawan ko. Tumikhim ako para mabawasan man lang kahit kaunti ang tesyon na nararamdaman ko "Ah tapos ka na pala mag-shower, paki hintay na lang saglit na lang ito," panimula ko na ang tinutukoy ko ay ang ulam na nakasalang sa kalan. "Hmm, ang bango. Ano ba 'yang niluto mo?" tanong niya ngunit sa mukha ko naman siya nakatitig. "Adobong manok, iyon lang kasi ang nakita ko sa fridge mo na madaling lutuin. Kumakain ka nito? Pasensya ka na, sabi mo kasi ako na ang bahala kaya nakialam na ako sa kusina mo." hinging paumanhin ko. Ibinaling ko ang aking paningin sa niluluto ko dahil hindi ko matagalan ang pagtitig sa kanya. Pagka talikud ko ay lihim akong napabuga ng hangin. She is wearing short shorts and a sleeveless fitted top. Napaka sexy n'ya. Kung girlfriend ko lang talaga ito, hindi ko hahayaang lumabas ng bahay na ganito ang suot. Baka makapatay pa ako. F*ck, very possessive man. "It's ok, thankful nga ako kasi marunong ka pala talagang magluto. Ako kasi hindi masyadong maalam sa pagluluto. Hmmm, mukhang masarap. Pwede na bang tikman?" tanong niya habang nakasilip sa niluluto kong ulam. "Of course you can taste it, here." kumuha ako ng kaunting sarsa ng adobo at pinatikim sa kanya "Careful it's hot." paalala ko pa sa kanya. Hinihipan ko muna ang ulam bago isinubo na kanya. Hinawakan niya ang kamay kong nakawahak sa kutsara at dahan-dahan isinubo "Anong lasa? Ok na ba? pasado ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Napatango siya. "You're really good at cooking, as you said when we were still chatting. Hindi ka nagsisinungaling huh." nakangiting sabi niya. Bigla ko na namang naalala si Caloy. Sa aming dalawa Caloy has the talent in cooking. Marunong akong magluto but Caloy is perfect when it comes to this. Kung tamang timpla lang ang pag uusapan ay basic lang sa kanya. I think that was his hidden talent dahil iilan lang ang nakakaalam na magaling siyang magluto. Maybe nasabi nya iyon kay Jamila noon. "Maupo ka na doon," turo ko sa lamesa "Ako na lang ang maghahain nito." good thing ay hindi na siya namilit pa na tumulong. Pinatay ko na ang kalan at kinuha ang kanin sa rice cooker. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami tungkol sa buhay niya at kung saan siya nagmula. Her parent are both OFW. nagkakilala sa ibang bansa at doon bumuo ng pamilya. Lumaki si Jamila sa ibang bansa ngunit hindi nawala ang ugaling Pilipino niya. "Alam mo ba noong bata ako pinalo din ako ng tsinelas at hanger ni Mommy?" nakangising sabi niya. "Huh? Ikaw pinalo? bakit?" curious kong tanong. "Ganito kasi 'yan may pinsan ako, mas maliit sa akin syempre mga bata pa kami noon nag away kami kasi inagaw nya yung laruan kong doll. Syempre akin 'yon di inagaw ko rin sa kanya pabalik. When I grab the doll naitulak ko siya kaya umiyak s'ya." natatawa pa ring kwento niya. "Pinalo ka nang dahil do'n? Hindi ka nag explain?" usisa ko. "I explain naman my side pero dapat daw hinayaan ko na lang kasi ako ang mas matanda dapat ay nagpaubaya daw ako. Kaya ayun pinalo ako ni Mommy ng hanger," sabi niya tsaka sumubo ulit. Napatango naman ako " E, bakit ka pinalo ng tsinelas?" tanong ko ulit. "Kasi that time sinagot ko si Mommy na bakit ko ipauubaya? Kaya nga ako nagpabili ng doll para may sarili akong laruan 'di dapat magpabili rin siya para hindi siya mang agaw. Ayun pinalo ako. Tapos sabi niya noong ako ang nasa edad mo never kong sinagot-sagot ang Nanay ko tapos ngayon ikaw sinagot sagot mo na ako?" litanya niya na ginagaya ang boses ng mommy niya.Hindi ko mapigilang matawa dahil pati expression ng mukha niya ay iniiba niya. "Wow, tawang-tawa ka ha?" pang aasar niya sa akin. "Mali nga naman kasi 'yung ginawa mo. Dapat nag paubaya ka sa mas bata sayo tsaka mali talaga ang pag sagot-sagot sa magulang." sabi ko. Muli na naman akong nailang sa paninitig niya sa aking mukha habang nagsasalita ako. "I know, noong bata kasi ako ayaw ko ng may kaagaw sa lahat ng bagay, gusto kung akin ay akin lang. Maybe it's because I am the only child in the family. But when I was growing, unti-unting pinapaalala ng parents ko na hindi maganda ang pagiging makasarili. Pero what if 'yung taong mahal mo ay kailangan mong ipaubaya sa iba?" seryosong tanong niya. Tila may nakabara sa lalamunan mo. Hindi ako makasagot. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. That question hits me. Paano nga ba? Paano ko nga ba ipauubaya ang taong sa tingin ko ay mahal ko na sa iba? At ang iba na iyon ay bestfriend ko pa. "Hey don't think too much," untag niya sa akin " it's not necessary to answer that." dagdag pa niya. Napa buntong hininga ako "Hindi naman kasi maiiwasan ang pagiging selfish minsan lalo na kung ang pinag uusapan ay ang taong mahal mo. As a human being it is normal, ang hindi maganda ay 'yong may natatapakan at nasasaktan kang tao dahil sa pagiging makasarili mo." wala sa sariling saad ko. "Siyempre may masasaktan talaga kapag may naapakan. Lalo na kung may hills iyong shoes mo." pigil niya ang ngisi habang sinsabi iyon. Tiningnan ko siya ng may pagtataka bago nag-sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Jamila kalaunan ay nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin kaya natawa na lang din ako. Epekto siguro ng palaging pag banat ni Caloy ng pick up line kaya nahawa ng kaunti itong si Jamila. But I like her still. Pagkatapos kumain ay hinayaan ko na si Jamila na naghuhugas ng pinagkainan namin. Nagpupunas ako ng lamesa nang mag vibrate ang phone ko. Agad kong hinugot mula sa aking bulsa. Si Caloy ang tumatawag! Agad akong nagpaalam kay Jamila na sasagutin ang tawag. Nag OK naman siya kaya tinungo k ang sala ng unit niya para sagutin ang tawag ni Caloy. "Yes, Caloy." "Pare, ano kumusta nagkita na ba kayo?" "Oo, andito ako sa unit niya." "Ano? Nandyan ka sa unit niya? Anong ginawa n'yo?" "Caloy huwag kang OA, hinatid ko lang siya at kumain." "Ano? kinain?" "Gago! umayos ka nga! Anong kinain pinagsasabi mo? Kumain kami KUMAIN!" galit na sigaw ko kay Caloy. Dahil sa inis ay pinatay ko ang tawag niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD