Chapter 15

1063 Words
Pagkatapos ng tawag ni Caloy ay nag paalam na ako kay Jamila. Gustuhin ko mang makasama pa siya nang mas matagal ay hindi pwede. Ayaw niyang iwan ko siya noong una but I made a promise na dadalawin ko ulit siya bukas at ipapasyal ko s'ya. Sinabihan ko siyang magpahinga na muna. Mahaba rin ang naging byahe niya. Kailangan ko na rin umalis dahil baka hindi ako makapag pigil at makain ko pa ang hindi dapat kainin. Sh*t! nagiging mahalay na yata ang isip ko. "Can I hug you before you leave?" ungot niya ang mga kamay nya ay nakayakap sa aking kaliwang braso. I had a deep sigh and nod. Akala ko ay yakap lang ang gagawin niya kaya hinayaan ko siya. Ngunit pagkatapos niya akong yakapin ay walang pag aatubiling kumapit siya sa batok ko at sinalubong ng mga labi niya ang mga labi ko. Napapikit ako dahil sa kakaibang pakiramdam. Ang lambot ng labi niya. Nakakadala, nakakabaliw may kung anong init akong nararamdaman sa aking katawan. Ang mga kamay ko ay dahan dahan humaplos sa kanyang baywang at namalayan ko na lang ang sarili ko na tinutugon ang mga halik niya. Kumawala ang pananabik na kanina ko pa pinipigilan. Naging mapaghanap ang mga halik na pinagsaluhan namin. Marahil ay nagulat siya sa paraan ng pagtugon ko ng mga halik n'ya kaya bahagyang umawang ang labi niya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang maipasok ang aking dila at malayang ginalugad at sinipsip ang kanyang dila. Impit siyang napaungol na nakakadagdag sa pag-iinit na nararamdaman ko. Kapwa kami hingal matapos ang mainit naming halikan. Nakatitig lang ako sa mga mata ni Jamila. Habang siya ay naka kapit pa rin sa batok ko. "I-i have to go, magpahinga ka na," sabi ko at habol ang hininga. Titig na titig pa rin ako sa kanyang mga labi. "Ok, ingat ka. See you tomorrow hmm?" paalala niya. Napatango ako "Sige pumasok ka na." nag wave pa siya ng kamay bago. Isara ang pinto ng unit niya. Nakahinga ako ng maluwag nang magsara ang pinto at nawala si Jamila sa paningin ko. Napahawak ako sa aking labi habang naglalakad. Ang amoy ni Jamila ay mukhang dumikit na sa akin. Ito ang unang beses ng maka experience ako ng ganito. And Jamila was my first. F*ck! Kahit sa loob ng taxi ay hindi mawala sa isip ko ang nangyaring halikan namin ni Jamila. Bigla akong napaisip. Ganun ba siya sa lahat ng naging boyfriend niya o sa akin lang siya ganun? Sh!t hindi nga pala niya ako tunay ng boyfriend nagpapanggap lang ako. Napasapo ako sa aking noo at napasabunot sa aking buhok. Bahala na! Nagtatakip silim na nang dumating ako sa boarding house. Sobrang bigat ng traffic ang bagal pa ng taxi na sinakyan ko. Nandito na si Caloy dahil nandito na sa garahe ang motor ko. Ginamit niya ang motor ko papasok sa GCC. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si Caloy na nagluluto ng hapunan. "O Kiko, dumating ka na pala. Kumusta ang date mo? Mukhang pagod na pagod ka?" tanong ni Erwin ang isa sa mga kasama namin sa boarding house. Napasalin sa akin ang tingin ni Caloy kaya lumapit din sa akin. "Ok, naman pare. Pagod lang ako sa byahe na stock ako sa traffic." maikling sagot ko. Walang ibang nakakaalam ng tungkol kay Jamila kundi kami lang dalawa ni Caloy. "Sige maiiwan muna kita magbibihis lang ako," saad ko at naglakad na patungo sa kwarto namin. Sumunod naman sa akin si Caloy. Pagbukas ko ng kwarto ay iniwan kong bukas ito, si Caloy na ang nagsara dahil kasunod ko lang naman siya. Dumeretso ako ng higa sa kama dahil sa pagod. "Tsk, mukhang pagod na pagod ka nga pare ah?" pang aasar niya sa akin ngunit ang mga mata niya ay seryoso na nakatitig sa akin. "Caloy pwede ba huwag mong bigyan ng ibang meaning 'tong pagod ko." naiirita ako bigla sa tinuran niya. As if naman na ginusto ko ang malagay sa sitwasyong ito "Nakapag isip ka na ba ng plano mo?" "Huh? Anong plano?" tanong niya. "Plano mo, kung paano magtatapat kay Jamila," sagot ko. "Plano agad? Hindi ka man lang ba magkukwento kung ano ang nangyari kanina? Kung kamusta ba siya? Kung maganda at sexy ba siya sa personal?" sunod-sunod na tanong niya. "Well, kung ano siya sa picture ganun din s'ya sa personal." maikling sagot ko. "Ang labo mo naman Kiko. Naturingan kang pinaka matalino sa batch natin pero pagdating sa explanation pulpol ka e," iritang sabi niya at napa halukipkip. "Hiyang hiya naman ako sayo Caloy, makalapit ng pulpol. Ang talino mo a. Ikaw na lang kaya makipagkita kay Jamila bukas para malaman mo kung ano talaga ang tunay niyang hitsura. Mahusay ka sa explanation kasi chismoso ka." sikmat ko habang naka irap sa kanya. "Sorry naman agad pare, di ka na mabiro. Kamusta siya pare?" pangungulit niya kaya nagkwento ako ng mga kaganapan kanina sa unit ni Jamila but of course hindi ko na idinetalye ang yakapan at halikan na naganap kanina. Hindi ko mapigilan ang guilt na nararamdaman. Pero paano naman ang nararamdaman ko para kay Jam? "Magkikita ulit kayo bukas?" untag niya sa akin. "Oo, three days ang leave ko diba? Gusto mo bang sumama para makilala ka niya?" suhestyon ko ngunit umiling s'ya "Bakit?" tanong ko ulit. Napakamot siya ng ulo bago magsalita "Hindi pa ako handa pare," maikling sagot niya. "So, kailan ka magiging handa kapag pabalik na siya ng Amerika? Caloy, hindi pwedeng tumagal ito lalo lang lalaki ang kasalanan natin sa kanya baka dumating 'yung time na hindi niya tayo mapatawad dahil sa ginawa natin." mahabang paliwanag ko. "Oo na pare pag isipan ko na basta ikaw muna ang bahala sa kanya sa ngayon." pakiusap niya. Napa buntong hininga ako. Hanggang kailan? Hanggang kailan ko kayang pigilan ang nararamdaman ko? Gusto kong sabihin kay Caloy na nahulog na ako kay Jamila pero ayaw kong magalit siya sa akin. Nakahiga na ako ngunit hindi mawala sa isip ko ang mainit na halikan namin ni Jamila kanina. Para ngang ayoko nang mag toothbrush para hindi mawala ang amoy ng labi ni n'ya sa labi ko. Pakiramdam ko ay nanikit na ang malambot niyang labi sa akin. Bad trip ganito pala ang pakiramdam ng ma-inlove, nawawala ka sa katinuan. Kaya pala minsan mukhang baliw si Caloy. Inlove din pala ang g*go.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD