Nagpatuloy ang relasyon namin ni Jamila. Pagkatapos ng trabaho ko ay sa condo niya ako dumederetso. Sabay kaming kumain ng hapunan at pagkatapos ay sa boarding house pa rin ako umuwi. Caloy was assigned to the other project handled by the other team. Kasama niya sa isang team si Shane. Halos hindi na kami magkita ni Caloy dahil pareho kaming abala sa kanya-kanya naming project. Ako naman ay na assigned sa ongoing construction ng mansion ni Mr. Ace delos Santos.
Malaya akong nakakapunta sa condo ni Jamila ng hindi nalalaman ni Caloy. Hindi rin naman siya nagtatanong kung magkikita ba kami ni Jamila. Katulad ngayon maaga akong umuwi dahil dadalhin ko sa bahay namin si Jamila para ipakilala sa mga magulang at kapatid ko. Hindi makauwi si Caloy dahil busy sila sa project nila. Minamadali kasi sila ng may ari ng building at gusto niya ay matapos ito as soon as possible.
"Ready ka na?" bungad ko kay Jamila pagbukas niya ng unit niya. Nakangiti s'ya at tumango. Nakasuot siya ng puting short at simpleng t-shirt na kulay blue. Nangunot ang noo ko nang dumako ang paningin ko sa kanyang mga hita.
"Why?" tanong niya na nakatagilid pa ang ulo.
"I don't have a car."
"I know." sagot niya.
"Sasakay tayo ng motor."
"Alam ko."
Marahas akong napa buga ng hangin dahil hindi niya mahuka ang ibig kong sabihin. "Baby sasakay tayo sa motor hindi sa kotse kaya kung pwede lang palitan mo 'yang short mo. Can you wear jogging pants instead if that tiny short? Baka makasapak ako bigla sa daan kapag may mahuli akong nakatitig d'yan sa mga hita mo." reklamo ko habang nagkakamot ng batok.
Inirapan niya ako bago nag martsa papasok sa room niya para magpalit ng damit. Ako naman ay pumasok sa unit niya at naupo muna sa sala habang hinihintay siya.
Paglabas niya ay napangiti ako. Nakasuot siya ngayon ng kulay abo na jogger pants at tinernohan ng jacket ng kulay abo din.
"Good, let's go." yakag ko sa kanya. Narinig ko naman siyang bumubulong ngunit hindi ko maintindihan ang binubulong niya.
"Are you saying something hmm?" nakangiting usisa ko.
"Wala." maikling sagot niya hinawakan ko siya sa kamay. Ako na ang nagdala sa bag pack niya.
"E bakit parang nagrereklamo ka?"
"Pa'no ang init-init gusto mo balutin ko ang katawan ko." maktol niya at inirapan ako.
Inakbayan ko siya at masuyong hinalikan sa ulo.
"Mainit po kasi kahit hapon na. Baka masunog ang balat mo kapag naka short ka lang lalo na sa motor tayo sasakay. At isa pa maalikabok din baby kaya need mo talagang magbalot ng katawan." paliwanag ko at mukha namang naintindihan niya. "Medyo malayo rin kasi ang pupuntahan natin baby." dagdag ko pa.
Mukhang nag eenjoy naman si Jamila sa aming byahe. Ako din syempre. Lalo pa at nakayakap siya sa likod ko. Ganito pala ang feeling kapag kasama mo ang taong mahal mo. Kung pwede lang na habaan pa ang daan na tatahakin namin I want us to stay like this. Kung pwede lang sana na pumunta sa lugar na walang hangganan ang daan para lagi siyang nakayakap sa likod ko. Kung pwede lang na hindi matapos ang mga sandaling ito. Ito ba yung sinasabi nila na kapag inlove ka pakiramdam mo nasa alapaap ka. Ganito pala ang nagmamahal, determinado kang gawin ang mga bagay na magpapasaya sa taong mahal mo.
Madilim na nang makarating kami sa amin. Bumusina ako sa tapat ng gate namin at agad namang binuksan iyon ng tatay pagkarinig sa akin. Tinanguan ko siya bilang pasasalamat. Kitang-kita ko sa mga mata ng itay ang pagkagulat at pagtataka. Pagkababa namin ni Jamila sa motor ay agad kong linapitan ang Itay at nagmano.
"Kaawaan ka ng Diyos anak." Saad ni itay ngunit sa mukha ni Jamila siya nakatingin.
"Good evening po." bati naman ni Jamila Kay itay habang nakangiti. Hindi nakaimik ang Itay at mukhang natulala kay Jamila.
"Tay sino 'yan?" sigaw ni Inay na nasa loob ng bahay saka pa lamang natauhan ang tatay ko.
"Pasok na tayo sa loob." Yakag ni itay sa amin at tiningnan niya ako ng may babala na para bang isang malaking kasalanan ang pag uwi ko nang babae sa bahay namin.
"Nay, Tay si Jamila po girlfriend ko." pagpapakilala ko kay Jamila sa magulang ko.
"Hello po." kiming bati ni Jamila mukhang nakikiramdam.
"Magandang gabi iha, ang ganda-ganda mo. Mabuti at nabudol ka nitong anak ko." si inay na hinawakan pa Ang kamay ni Jamila.
"Ano ka ba 'nay para mo na ring sinabi na pangit ang lahi ko."si itay na nakanguso.
"Ako nga po ang dapat magpasalamat kasi sa anak niyo po ako na inlove." diretsong sagot ni Jamila. Matapang din ang babaeng ito. Hindi nahihiyang aminin ang tunay na feelings niya. Lihim akong tiningnan ni itay. Anong Meron sa tatay ko kanina pa siya?
Nagkibit balikat lang ako at sumunod na kina Jamila at inay patungo sa kusina.
Pinakilala ko rin sa kanya ang mga kapatid ko. Madali naman nilang nakagaanan ng loob si Jamila pati ang inay ay mukhang nakuha agad ni Jamila ang loob niya.
Pagkatapos kumain ay tumulong si Jamila sa pagliligpit ng pinagkainan. Hinayaan ko naman sila para makilala pa nila ito ng lubusan.
Lumabas ako ng kusina at nagtungo sa terrace ng aming bahay para magpahangin.
Naabutan ko ang itay na nagkakape at nakatingin sa kawalan.
"Kumusta po kayo dito itay?"
"Maayos naman anak. Ikaw kumusta ka?"
"Ok naman po. Medyo abala po sa trabaho kaya ngayon lang ako nakauwi."
"Abala ka sa trabaho o abala ka sa pagpapanggap mo?" nakatitig ng diretso Ang itay saakin partikular sa aking mga mata. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Alam niya? Paano?
"P-po?"
"Alam ko ang totoo Kiko. Narinig ko kayo ni Caloy noong nag uusal kayo. Anak hindi kita pinalaki para manloko ng tao."
"Tay Hindi ko naman po intesyong lokohin siya e. Noong una pa lang sinabi ko na kay Caloy na sabihin ang totoo pero sa tuwing binabalak kong magtapat pinipigilan niya ako. Ngayon naman na handa na siya na sabihin ang totoo kay Jamila ako naman ang pumigil sa kanya."
"Dahil mahal mo na?"
"Po?"
"Anak lalaki rin ako. Anak kita sa akin ka nagmula kaya alam ko ang likaw ng bituka mo. Pero 'nak hindi Tama ito. Lalo na at mahal ka pala niya. Paano kapag nalaman niya ang totoo?"
"Sasabihin ko naman po sa kanya ang totoo pero hindi pa ngayon lalo na at mukhang ayaw sa akin ng lola niya."
"Anak hindi sa pinangungunahan kita pero sana ay huwag mong patagalin ito dahil kapag nagtagal ang lihim niyo ni Caloy lalong lalaki ang gulo at lalo n'yo lang masasaktan si Jamila."