Chapter 17

1025 Words
"Babe, Who is Caloy?" Ulit ni Jamila sa tanong n'ya kanina dahil hindi ko agad siya nasagot kanina. Hanggang ngayon ay lihim pa rin akong nag ngingit ngit sa galit kay Caloy. Tumawag lang siya para ipamalita sa akin na nakuha na niya ang motor niya. Matitikman ko na sana ang langit kung hindi lang panira ng moment ang talipandas na 'yon. Subukan lang talaga niyang magbiro mamaya makakatikim talaga ang hayop na 'yon sa akin. "Babe are you listening?" Untag ni Jamila sa akin. "Ah, yes baby I'm listening. Caloy is my best friend. Nangangamusta lang." Nakakamot kong turan. Magkatabi kami ngayon sa sopa at parehong nakasuot na ng damit "Shall we go?" tanong ko para ma divert ang inis ko. F*ck ganito pala ang mabitin ang sakit sa puson tangina! "Ok let's go. Are you sure you ok?" tanong n'ya pa ulit habang naglalakad kami papunta sa elevator. "I'm ok baby, don't worry about me." Malambing kong sagot at pinagsiklop ang aming mga palad. Hanggang sa makababa kami ng building ay magkahawak kamay pa rin kaming naglalakad ni Jamila. Lahat ng nakakasalubong namin ay kung hindi sa mukha namin nakatuon ang atensyon ay sa kamay naming magkahawak habang naglalakad. Hindi naman ako naiilang bagkus ay tila ang sarap sa pakiramdam na kasama mo ang taong nagpapangiti sayo. "Dito tayo sasakay?" gulat na tanong ni Jamila na ang tinutukoy ay ang motor ko. "Yeah, I told you before na wala akong kotse and this is all I have-" "Hey, hey easy. It's not that I am complaining or I'm acting so maarte," pagpuputol niya sa akin "It's just that I'm excited. Never in my entire life, I ever experienced riding a motorcycle." Pagpapaliwanag niya at nagningning ang kanyang mga mata. Ito ang isa sa kahanga hangang ugali ni Jamila. Walang halong kaartehan sa katawan. Maingat kong isinuot sa kanya ang helmet na dala ko at pagkatapos ay sumakay na ako sa motor ko. Hawak ang isa niyang kamay ay inalalayan ko siya para makasakay na rin. "Kumapit ka ng mabuti baka mahulog ka. Lagot ako sa Lola mo." Pagbibiro ko. Natawa naman siya at kumapit ng mahigpit sa baywang ko. Tila nag init na naman ang pakiramdam ko ng madikit ang dibdib niya sa aking likod. F*ck Kiko behave! "Babe, do you know the way to my grandma's house?" Tanong n'ya habang nasa byahe kami. "Yes baby, hindi naman mahirap hanapin 'yon at saka pwede naman tayong magtanong kung sakali." "Ok." sagot niya habang napatango tango. Bibisitahin namin ang Lola n'ya at gusto raw niya akong ipakilala. Na kwento niya sa akin ang tungkol sa kanyang Lola maliit pa raw siya noong huli siyang nakapunta sa bahay niya kaya hindi na gaanong matandaan kung saan ang daan papunta doon. Tanging ang exact address lamang ang alam niya. "Baby did you eat breakfast?" tanong ko dahil narinig kong kumulo ang tiyan niya. "Not yet." Tipid niyang sagot at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat. Tinigil ko ang motor sa gilid ng kalsada at nagpalinga linga. "Why did we stop?" takang tanong n'ya. "Tinitingnan ko kung may kainan dito. Kailangan mong kumain. You should not skip eating breakfast." may awtoridad kong Smsabi sa kanya. "Opo." sagot niya at inikutan ako ng mata. Napa buntong hininga na lang ako Nakakita naman ako sa may di kalayuan ng kainan kaya dinala ko siya doon. "What do you want?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang mga pagkaing nakahilera sa estate ng pinasukan naming kainan. "Hmm, I want papaitan." "What do you want to eat?" Tanong ko dahil parang hindi ako sigurado sa sagot niya. "I want papaitan." pag uulit niya sa kanyang sagot na tila sinadyang lakasan ang boses para marinig ng tindera. Natawa ako sa inasta niya "Sigurado ka? Kumakain ka no'n?" naniniguro'ng tanong ko. "Yeah, nagluluto si Daddy ng ganun pag nagbakasyon kami dito sa Pilipinas." tuwid niyang sagot. Pati ang pananalita niya ng tagalog ay hindi kakikitaan ng ibang accent. Para bang hindi siya tumira ng matagal sa Amerika. Nag-order nga kami ng papaitan at isang kanin. Hindi na ako nag order ng pagkain ko dahil tapos na nga ako kanina. Pumwesto kami sa bandang gilid ng kainan medyo malayo sa mga tao. Nagsimula na siyang kumain at walang arteng humigop ng sabaw ng papaitan "hmm namiss ko talaga ang pagkaing ito." Turan niya na takam na takam sa pagkain. "Bakit wala bang ganyan sa Amerika?" tanong ko habang pinapanood siyang kumain. "Meron naman pero hindi ganito kasarap." sagot niya sa pagitan ng kanyang pagsubo "Nagluluto naman si Daddy doon pero puro laman lang ng baka walang lamanloob tsaka ang ginagamit niya para mapait ang lasa ay ampalaya." dagdag n'ya pa. Pinanood ko siyang kumain. Ang cute niya habang kumakain dahil lalong lumalim ang dimples niya kapag ngumunguya siya kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan siya hanggang sa matapos siyang kumain. "What makes you smile?" takang tanong niya "May dumin ba ako sa mukha?" Tanong ulit niya at ipinahid ang mga daliri sa kanyang mukha. "Wala kang dumi sa mukha. Sadyang napakaganda mo lang kaya hindi nakakasawang titigan ka." napangiti siya L lalo dahil sa sinabi ko. Bahagya pa siyang namula dahilan ng kanyang pagyuko. Nang makabawi ay nagsalita siya ulit. "Sana slippers na lang tayo 'no?" sabi niya habang nakangiti. "Why?" Tanong ko nang may pagtataka. "Para kapag nawala yung isa, Hindi pwedeng ipares sa iba K kasi hindi na bagay." sandali akong natulala sa pick up line n'ya. That hits me. Hindi mangyayari 'yon. Ayokong mapunta siya sa iba dahil akin lang siya "Haha waley, h'wag mo nang piliting tumawa alam ko namang korni 'yun." Nakangusong saad niya. "Hindi korni 'yon baby," Sabi ko sabay hawak sa kamay niya. "Ako din umaasa na sana para tayong tsinelas na hindi pwedeng ipares sa iba dahil tayo lang ang magkapares para sa isa't Isa." titig na titig ako sa kanyang mukha habang sinsabi ang mga katagang 'yon. "Oo na, tayo na." nakangiti ulit siya. "Huh tayo na?" bigla akong naguguluhan. "Oo, tayo na kasi tapos na akong kumain baka gabihin pa tayo." sagot niya. "Ah," napatango na lang ako. Wow mali Kiko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD