Chapter 18

1188 Words
Chapter 18 Matapos ang higit kalahating oras na byahe ay natunton namin ang bahay ng Lola ni Jamila. Nasa tapat na kami ngayon ng bahay na medyo luma na pero maganda pa rin naman. Isa itong two story house na napapalibutan ng mga puno at halaman. Mukha siyang ancestral house dahil sa disenyo ng ikalawang palapag. Ang dingding ay gawa sa kahoy pati ang mga bintana. Ang unang palapag ng bahay ay mukhang modern ang disenyo marahil ay ni-renovate na ito. "Tao po! Lola!" sigaw ni Jamila. Nakatayo kami sa tapat ng bakal na gate. Sarado rin ang main door ng bahay. "Maybe Lola is in the market." narinig kong bulong niya. "Lola! tao po!" sigaw ulit niya. "Baby, baka wala ang Lola mo baka may pinuntahan. Huwag ka nang mag sisigaw mamaya mapaos ka pa. Hintayin na lang natin siya hmmm?" malambing kong awat sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay par alalayan siyang bumaba dahil tumuntong pa siya sa isang malaking bato sa bakod ng bahay. Pinaupo ko muna siya sa motor para hindi mangalay na nakatayo. Naghintay pa kami ng kalahating oras nang may dumating na traysikel at tumigil sa harapan namin. Pag abot ng bayad ay lumabas ang dalawang babae at may dala dalang basket. Sa aking palagay ay nasa edad seventy na ang isa at ang isa ay nasa mid fifty ang edad. Napatingin ako kay Jamila ng biglang sumigaw ito. "Hello Lola!" masayang bati niya sa isang matanda at sinalubong ng yakap. Nagulat naman ang matanda at bahagyang tinulak si Jamila para matitigan ang kanyang mukha. Nang mapagsino ang nasa harap ay biglang ngumiti ang Lola ni Jamila. "Jamila?" gulat na tanong ng Ginang na ikinatango naman ng kanyang apo. "Ikaw nga apo! Naku ang magandang apo ko!" pinupog ng halik mukha ni Jamila "kailan ka pa dumating apo?" tanong nito na habang nakahawak pa rin sa braso ng kanyang apo. Halata ang pananabik ng Lola sa kanyang apo. "Kahapon lang po 'la. Sa condo po ako tumuloy kasi hindi ko po alam ang daan papunta rito." paliwanag ni Jamila. Napasalin naman sa akin ang tingin matanda. "At sino naman itong kasama mo apo?" tanong niya na hindi maalis ang tingin sa akin. "Ah, Lola si Engineer Francis Cortez po… Ano ko po.." Hindi masabi ni Jamila kung ano ako sa buhay niya. Napatingin siya sa akin na tila humingi ng saklolo. Lihim akong natuwa sa itsura niya dahil mukhang takot siya na ipagtapat ang namamagitan sa amin. "You look so afraid iha? Who is this man with you?" tanong ng Ginang na tinaasan ako ng kilay kaya ako na ang sumagot. "Good morning po. I'm Eng. Francis Cortez Ma'am boyfriend po ni Jamila" Magalang kong sagot. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa at lalong nagdikit ang kanyang mga kilay. "Pumasok muna tayo sa loob para makapag usap tayo ng masinsinan Engineer." striktong saad ng matanda at nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Nagkatinginan muna kami ni Jamila bago sumunod sa kanyang Lola. "Baby akala ko dadalaw lang tayo? Bakit parang mamanhikan na ako sa lagay na 'to? Nakakatakot ang Lola mo mukhang strikta." bulong ko kay Jamila. "Huwag kang matakot babe. Talagang ganyang lang si Lola strikto pero mabait naman siya. Sa aming magpipinsan ikaw nga lang ang may lakas ng loob na dumalaw dito eh yung iba umaatras agad matapos siyang makausap." pagtatapat ni Jamila. "Baka pinagbantaan niya?" ganting bulong ko. Nagkibit balikat lang siya at tuloy na kami sa sala ng bahay. Naabutan namin ang matanda na nakaupo na sa sopa. Sabay kaming umupo ni Jamila. Sandali pa siyang napatitig sa kamay naming magkasiklop. "Saan mo nakilala ang apo ko?" tanong ng Lola ni Jamila sa akin. Sinulyapan ko muna si Jamila bago ako sumagot. "Sa isang dating app Lola-" "Huwag mo akong tawaging Lola hindi kita apo." pagpuputol niya sa akin. Lihim akong napamura dahil sa pambabara niya. D*mn Kiko huwag kang feeling close! Tumikhim muna ako bago magsalita para mawala ang tensyon na nararamdaman ko sa katawan dahil ang mga titig ng Lola ni Jamila ay parang tumatagos hindi lang sa katawan ko kundi pati kaluluwa."S-sorry po Ma'am, " hinging paumanhin ko "N-naka post po ang pangalan niya at social media accounts niya doon kaya po in-aad ko po siya." sagot ko. "What are your intentions to my granddaughter?" tanong ulit ng Ginang. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng interrogation room at kaming dalawa lang ang tao. "I love Jamila ma'am. I don't have any bad intentions towards her and I'm willing to prove that." matapang kong sagot sa kanya. "Really? We'll see," sagot niya habang patango tango "Ana!" tawag niya sa babaeng kasama kanina. Lumabas ang babaeng medyo mas bata ang edad kumpara sa Lola ni Jamila. "Bakit po ate?" tanong ng babaeng nagngangalang Ana. "Samahan mo itong kasama ni Jamila sa likod bahay." utos ng Lola. "'La, bakit anong gagawin ni Kiko doon?" takang tanong ni Jamila. "He said he is willing to prove his love for you, and I want him to show it now." nakangising tugon ng matanda. Patay! mukhang may kontrabida sa pag iibigan namin ni Jamila. Saad ko sa aking isipan "But how?" takang tanong ni Jamila. "You'll see," sagot niya at binalingan ako "You, sanay ka naman siguro sa mabibigat na gawain kasi Engineer ka?" tanong ng Lola ni Jamila sa akin at wala sa sariling napatango ako. Anong akala niya sa akin construction worker? " Tara na sa likod bahay at ng mga kaalaman na." saad ng matanda at nauna na siyang pumunta sa likod ng bahay. Naglakad na rin ako pero pinigilan ako ni Jamila. "Kiko, you don't have to do this." hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa aking labi. "Don't worry baby, I can do what your grandma wants me to do just to show how much I love you." sinserong sabi ko na nakatitig sa kanyang mga mata. "Pero baka pahirapan ka n'ya." ngumiti ako hinalikan ang kanyang noo. "Sanay ako sa hirap baby, handa akong dumanas muli ng paghihirap kung ang kapalit nito ay ang makasama ka habangbuhay." saad ko. Hindi niya napigilang mapangiti at namula ang kanyang pisngi. Magkahawak kamay kaming nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang Lola. "Ano po ang ipapagawa niyo sa akin ma'am?" magalang kong tanong. Itinuro niya ang isang kamalig at sa harapang bahagi nito ay ang dalawang umpok ng mga kahoy. "Iyan, sibakin mo lahat ng mga kahoy na 'yan." maotoridad niyang utos sa akin. "Lola this is too much. Pwede naman tayong kumuha ng taga sibak ako ang magbabayad." saad ni Jamila na hindi maiwasan ang pagataas ng kanyang boses. "Bakit pa tayo magbabayad ng tao apo? E kayang kaya naman 'yan ng manliligaw mo." sagot ng matanda na tila nakangisi pa. "Pero lo-" "Baby I can do it." tutol ko sa sasabihin ni Jamila at naglalakad patungo sa tumpok ng mga kahoy at kinuha ang palakol. Kayang kaya ko naman ang gawaing ito dahil nagsisibak naman ako sa bahay namin. Iyon nga lang ay mukhang aabutin ako ng maghapon sa dami ng sisibaking kahoy. May balak yatang magpa fiesta ang Lola ni Jamila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD