Chapter 19

1124 Words
Binilisan ko ang pasisibak ng kahoy dahil hapon na. Malapit ko nang matapos. Kaninang tanghali ay dinalhan ako ni Jamila ng pagkain dito kaya hindi na ako nakasabay sa kanila. Madalas ko siyang mahuli na nakasilip sa bintana. Kapag nakikita niyang wala nang laman ang plastic bottle na pinaglalagyan niya ng tubig ay agad niya itong kinukuha upang lagyan ulit. Hinubad ko muna ang damit ko upang hindi mabasa ng pawis. Nang minsang bigyan niya ako ng tubig ay napaawang ang kanyang bibig ng bumaba ang kanyang tingin sa aking tiyan. Tagaktak ng pawis ang aking katawan at tumutulo ito pababa sa aking tyan. Ngumiti lang ako at ipinagpatuloy ang Pagsisibak ng kahoy. Panghuling sibak ko na nang mapansin ko ang paglapit ng lola ni Jamila sa kinarororonan ko. "Kung sa tingin mo ay kumbinsido na ako sa pinapakita mo puwes nagkakamali ka.” panimula niya. “ Nakikita mo ba ang dalawang drum na iyon?” tanong niya sa akin at tinuro ang isang abandonadong kulungan ng baboy kung nasaan ang dalawang drum. Wala sa sariling napatango ako. “ Punuin mo nang tubig ang mga iyon at doon ka sumahod ng tubig sa balon na 'yon.” utos niya sa akn. “Lola that's too much. May gri-” naputol ang sasabihin sana ni Jamila nang magsalita ulit ang supladang matanda. “This man said that he is willing to prove his love for you. Mag iigib lang siya madali lang ‘yon apo," nakangising saad ng matanda "'Di ba Engineer Cortez?” baling ng matanda sa akin na nakataas ang isang kilay at nakapamewang pa. Nag martsa si Jamila paalis. Sinundan lang siya ng tingin ng kanyang Lola. "Siguraduhin ko na susuko ka rin dahil tinitiyak ko na mararanasan mo muna ang impyerno bago mo makuha ang apo ko." matalim ang kanyang titig sa akin. "Ano po ang pangalan niyo?" sa halip ay tanong ko. "I am Juanita Beltran the mother of Jamila's father-" "Mrs. Juanita, I'm just asking what your name is. I'm not asking who you are. To tell you frankly, kung ang hirap nga ng buhay nakayanan ko I'm sure makakayanan ko rin po ang impyerno na dala mo." putol ko sa sasabihin niya. Bakit siya lang ba may karapatang mag attitude? Huh? "Excuse me Mrs Juanita nakarahang ka po sa dadaanan ko baka mabasa ka." pang aasar ko umismid naman si Mrs. Juanita palayo at pumasok sa loob ng bahay. Kaya siguro walang makasama ang matandang 'to dahil sa sama ng ugali. Naglakad ako patungo sa balon nilulumot na ang palibot nito at halatang bihira lang ito magamit. Kinuha ko ang pang sahod ng tubig. Isa itong payat at mahabang kawayan na sa dulo nito ay may nakataling maliit na timba. May kalaliman ang balon kaya naman talagang nag stretch masyado ang mga braso ko sa paghatak ng ng pang sahod. Dalawang timba ang gamit ko sa pagsasalin ng tubig sa drum. Hindi naman bago sa akin ang mga gawaing ito. Sa katunayan nga ay ganito rin kami sumahod ng tubig noong mga maliit pa kami. Mabuti na lang at sa paglipas ng panahon ay umasenso ang bayan namin at naabot ng aming barangay ang patubig. Medyo nanibago nga lang ang katawan ko dahil hindi ko naman inaasahan na ganito karami ang ipapagawa sa akin ni Mrs Juanita. May balak yata s'yang mag papiging. Daig ko ang isang binata na umakyat ng ligaw noong unang panahon, pero ayos lang naman. Handa ko naman gawin lahat at tiisin ang pagpapahirap ng lola niya basta para kay Jamila. Kay sarap sigurong gumising sa umaga na mukha niyang maganda ang unang kong makikita. Para akong timang na nakangiti habang nag-iigib ng tubig. Dahil yata sa pagpapantasya ko kay Jamila ay madali kong napuno ang dalawang drum. Umupo muna ako sa isang malaking bato para magpahinga. Hinihingal ako dahil minadali ko ang pag-iigib ng tubig. Uuwi pa kami ni Jamila ng Manila. Madilim na ang paligid at tanging liwanag galing sa loob ng bahay ang nagbibigay liwanag dito sa labas. Sa tantya ko ay nasa alas syete na ng gabi. Nang makapagpahinga ay pumasok na ako sa loob ng bahay ng marinig ko ang pagtatalo nina Jamila at Mrs. Juanita. "Bukas dito ka na umuwi nakausap ko na ang daddy mo." Mrs. Juanita. "No Lola, sa condo ako uuwi." Jamila "Bakit? Para malaya kang gawin ang gusto mo? Para malaya kang makipagkita sa lalaking 'yon kung kailan mo gusto?" Mrs. Juanita. "Lola, kaya nga po ako bumili ng condo para may matuluyan ako pag magbabakasyon ako. And about dating with someone, Lola malaki na ako." Sagot ni Jamila. "Ganyan ba ang tinuturo ng pabaya mong Ina?" si Mrs. Juanita na may pagtaas ng boses. "Huwag niyong pagsalitaan ng ganyan ang Mommy ko. Kahit kailan hindi siya naging pabaya sa amin ni Daddy. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung wala ang paggabay niya. Kaya pala, kaya pala ayaw tumira ng mga pinsan ko dito even my Dad dahil ang sama ng ugali niyo." sagot ni Jamila na tila nanginig pa boses marahil dala ng galit. "How dare you! Put this in your mind Jamila! Lolokohin ka lang ng lalaking 'yan!" sigaw ni Mrs. Juanita. "Will you stop thinking negative to anyone Lola. Please, hayaan mo naman akong maging masaya." agad akong lumabas nang makarinig ko ng mga yabag palapit sa kinarororonan ko. Bumalik ako kung saan ako nagsibak ng kahoy kanina. "Kiko, let's go. Umuwi na tayo." Yaya niya sa akin at nauna na siya patungo kung saan nakaparada ang aking motor. Napabuntong hininga ako at tahimik na sumunod sa kanya. Maging sa byahe ay tahimik lang na nakayakap sa likod ko si Jamila. Hindi ko na siya kinausap at tumahimik na lang din. Pagdating namin sa unit niya ay nag order ako ng pagkain dahil alam kong hindi pa siya nag dinner. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa kanya. "Dito ka nalang kaya matulog babe. Uuwi ka pa ng boarding house niyo gabi na." si Jamila na nagliligpit ng pinagkainan namin. "Baby, gustuhin ko man pero hindi pwede. May pasok na ako bukas sa GCC. Dadalawin na lang kita tuwing hapon after work." sagot ko. "Ok, ingat ka. By the way, about what happen a while ago ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa ni Lola. Gano'n talaga siya medyo makaluma." Nakayukong saad niya. Hinawakan ko ang baba niya at niyuko siya upang magpantay ang aming paningin. "Lahat gagawin ko basta para sa'yo. Always remember that hmm?" masuyo kong sabi at hindi ko napigilang kintalan siya ng halik sa mga labi. "Good night my baby. Lock the door when I leave." paalala ko pa sa kanya. "Opo Engineer. Take care. Call me when your home." habol niya bago isara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD