Kiko Nag hire ng karagdagang tauhan ang GCC para sa project namin dito sa probinsya ng Quezon kaya madali itong natapos. Ang anim na buwan na paggawa ay naging apat na buwan lamang dahil sa dami ng tauhan na kinuha nila. Araw gabi ang shifting ng mga laborers kaya mas madaling ang natapos ang hotel. Sa mga panahong nandirito kami ay napaghahalataan si Caloy specially when I'm around. Kung paano ko siya madalas tingnan ay ganun din siya nakabantay sa mga kilos ko. Minsan ay nilalapitan ko siya para sana makipag usap or makipag kwentuhan man lang ay hindi rin nagtatagal dahil ramdam kong umiiwas siya. Imagine magkasama kami sa isang proyekto pero bihira kami mag usap. Malimit ko siyang mahuli na masayang nakikipag usap sa phone, madalas rin siyang nakangiti habang may ka chat. Parang u

