Kiko Ngayong araw ang byahe namin papunta sa Samantha's Hotel sa Quezon Province para sa kasal ni Mr Delos Santos. Mag isa akong empleyado ng GCC at kasabay ko sa service ang mga taga DSCORP. Hindi sumabay si Caloy sa akin. And I don't know why. Sa loob kasi ng dalawang linggo ay hindi ko siya mahagilap. I've been trying to call him many times pero unattended ang telepono niya. Kung hindi out of reach, ay busy ito. Busy dahil may kausap. Ang ending mag isa akong bumiyahe sakay ng service ng kumpanya. Mabuti na lamang at sumabay ang ibang employees ng DSCORP kaya hindi ako na boring sa byahe. Kahit papaano ay may nakakausap ako. Lahat kami ay mag che-check in sa Samantha's hotel for free dahil bukas din ang opening nito. Nasa gitna kami ng byahe. Ang mga talukap ko ay namimigat na ku

