Kiko Nagsimula ang seremonya ng kasal ngunit wala doon ang focus ko. Pati ang homily ng pari ay hindi ko na rin magawang intindihin. Nasa dalawang tao na bagamat magkahiwalay ng upuan ay hindi ko maiwasang tingnan sila ng napaka talim. Nagpupuyos ang puso ko sa galit. Ang mga kamay ko ay nakakuyom at anumang oras ay handang manapak. Mainit ang bawat kong titig lalo na sa itinuturing kong kapatid na si Caloy. Kung nakakamatay lang ang mga titig ko sa kanila ay matagal na silang duguan. Pilit dina divert ni Erwin ang atensyon ko. He also remind me to be calm. "Relax pare, nasa loob tayo ng simbahan." bulong n'ya. Pasalamat sila at may natitira pa akong kahihiyan sa katawan. Nasa loob ng simbahan kami at lalong ayoko na masira ang isa sa pinakamasayang araw ng dalawang pusong pag iisahin

