Kiko Marahas akong napabuga ng hangin. Malakas pa rin ang tahip ng dibdib ko. Mas tumindi pa nga ang galit ko nang makita ang ginawa ni Jamila. Ang pagtatanggol niya at ang pag alalay niya kay Caloy palayo sa amin. "F*ck ." malutong kong mura nang maalala ulit ang sinabi ni Jamila. Sinabi niyang hindi niya ako mahal. Nagtangka akong sumunod sa kanila ngunit pinigilan ako ni Erwin. "Saan ka na naman pupunta?" awat niya sa akin at hinawakan ako sa aking braso. "Pare ano ba ang nangyayari sa'yo? Muntik mo nang mapatay si Caloy, kumalma ka nga." sita n'ya. Matalim ko siyang binalingan at hinawi ang kamay niya "Pare paano ako kakalma? Sige nga sabihin mo sa akin. Paano ako kakalma kung ang babaeng mahal ko ay sa iba sumama at sa kaibigan ko pa." "Pare, hindi mo masisisi si Jamila, at fi

