Wftnt5: Libing

1053 Words
Isang madamdaming burol ang naganap sa buong angkan ng mga Contreras. Bilang panganay na apo ay lubos na ipinagluksa ng buong angkan ang pagkamatay ni Calvin. Bilang biyuda ng asawa ay hindi nagpatinag si Bernice sa mga mapanghusgang titig ng mga pinsan ni Calvin sa kanya. May narinig pa siyang pinsan ni Calvin na tinawag siyang malas dahil nalaman ng mga ito na pang-apat na niyang asawa si Calvin. Malandi. Gold digger. Oportunista. Con artist. Laspag. Lahat na uri ng insulto ay narinig niya sa partido ni Calvin. Tanging ang mga bandmates ni Calvin na “The Infinites” ang naging karamay niya sa burol ng asawa. Kahit kulang na lang ay kaladkarin siya ay nagmatigas si Bernice na iwan ang burol ni Calvin. Sa libing ni Calvin ay hindi na pinapunta ni Bernice ang pamilya at baka madamay pa ang mga ito sa mga panlilibak ng mga Contreras. Kakaiba pa naman ang kanilang pamilya at ayaw na niyang madamay pa ang mga ito sa mga insultong ipinupukol sa kanya. Sa kanyang maikling Eulogy bilang biyuda ni Calvin ay isang maikli ngunit madamdaming mensahe lamang ang ibinigay ni Bernice. Habang nagsasalita si Bernice ay kitang kita niya ang mga nakaismid na mukha ng mga Contreras ngunit balewala sa kanya ang ginawi ng mga ito. Napahagulgol si Bernice ng ibinaba ba ang kabaong ni Calvin sa libingan. Walang humpay ang patak ng luha niya habang unti unting tinatabunan ng lupa ang kabaong ng asawa. Siya ang pinakahuling natira sa mga dumalo sa libing. Mula sa kung saan ay dumating ang kanyang mga magulang at kakambal. Niyakap ni Bernice ang kanyang mga magulang habang humahagulgol habang panay haplos lamang sa kanyang likod ang kuya Brendan niya. Ilang linggo na ang nakaraan ay nasa loob na lang siya parati ng kwarto niya. Hinahatiran siya palagi ng kapatid ng pagkain lalo na sa tanghalian na sinasadya nitong umuwi sa bahay nila buhat sa kanilang beauty parlor. “Kapatid! Ang asawa mo lang ang namatay ano! Bakit sa ginagawa mo ay parang gusto mo na sumunod?” Nagbibirong turan ni Brendan sa tulalang si Bernice. Walang sagot si Bernice kundi ang di maampat na luhang tila gripo kung tumulo mula sa mata. “My God, sister! Hindi ka kaya ma-dehydrate nyan? Ilang timba pa ba ng luha ang ibubuhos mo?” Imbes na tumahan ay umatungal pa si Bernice. Sa kawalan ng sasabihin ay niyakap na lang ni Brendan ang kapatid. Nanalangin siyang sana ay malampasan na ng kapatid ang pagluluksa sa ikaapat nitong asawa na siyang lubos nitong minahal. Isang umaga ay maagang nagising si Bernice at naligo. Plano niyang bisitahin ang puntod ng asawa. Natuwa naman ang kanyang pamilya dahil hindi na siya nag mukmuk pero napawi ang ngiti sa mga labi ng mga ito nang sinabi niyang dadalawin niya ang puntod ni Calvin. “Ayaw mong magpasama sa kapatid mo anak?” Tanong ni Nanay Bridgette sa anak habang nagsasandok ng sinangag. “ Hindi na Nay. Ako na lang at kulang ang tauhan sa parlor kawawa naman si Tatay hindi magkandaugaga sa mga customer niya.” Nagbitiw siya ng malalim na hininga at muling sumubo ng pagkain. Kahit anong pilit niya ay wala siyang gana kumain nitong mga nakaraang araw. Marahil ay dahil sa ilang araw niyang kumakain ng late sa umaga ay nasanay na ang tiyan na tanghali na kung kumain. Matapos kumain ay nagbihis na siya at pumunta muna sa isang maliit na flowershop sa kanilang lugar at doon na sumakay ng taxi at nagpahatid sa sementeryo. Bitbit ang puting rosas ay binaybay ni Bernice daan patungo sa libingan ni Calvin. Umupo siya sa harap ng lapida ni Calvin na may nakaukit: CALVIN CONTRERAS ,Born March 8, 1997,Died March 10, 2022. Sa edad na bente cinco ay namatay na ang kanyang mahal. Sa ilang linggong nagmumukmok siya ay binabalik-balikan niya ang alaala nila bilang magkaibigan hanggang naging magnobya pati na ang ilang sandaling naging opisyal siyang naging asawa nito. “Kumusta ka na mahal? Sana masaya ka na kung saan ka man ngayon. Wala nang sakit na iyong iindahin at wala ng paghihirap. Huwag mo akong aalalahanin.” Hinaplos ni Bernice ang nakaukit na pangalan ng namayapang kabiyak. “Uhum...Excuse me but do you know my nephew?” Isang lalaki ang nagsalita na nakasuot ng itim na Aviator sunglasses. Nakasuot ito ng casual grey shirt at black faded ripped skinny jeans. At dahil nakaupo at tumingala si Bernice ay sadyang napakatangkad at lean tingnan ng katawan nito. Hawig nito si Calvin kung ang pagbabatayan ay ang hugis ng mukha at ilong. Pero mamang mama ito tingnan. Tumayo si Bernice at hinarap ito ng dumistansya ng kaunti sa tiyuhin ng asawa. “Ako ang kanyang biyuda.” Kaagad na tumalikod si Bernice dito. “ Wait!” Ang pigil ng lalaki kay Bernice. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at napataas ang kilay niya sa paraan ng paghagod nito ng tingin sa kanya. Katulad din pala ito ng ugali sa angkan nito. Ngunit hindi tumigil si Bernice na umalis sa puntod ng asawa. Damn! Iyon ang nasabi ni Gerard sa sarili. According to her sister-in-law Rebecca, ay may sa mangkukulam ang asawa ng pamangkin. Kaya ito ang nagdala ng kamalasan kung bakit maagang namatay si Calvin. How can she say so? Obvious naman dahil sa mas gusto nito ang anak ng amiga nito na si Claire ang gusto niyang maging manugang imbes ang tatlong beses ng nabiyuda na asawa ni Calvin. Kaya naman pala naakit ang pamangkin. Infairness, marunong pumili si Calvin. Maganda, makinis nga naman ang asawa. hindi halatang tatlo na ang naging asawa sa hubog ng katawan nito. Sa galing niyang kumilatis ng babae ay sigurado siyang hindi pa gaanong nalaspag ng mga naging mga asawa nito ang katawan ng batang-bata na asawa ni Calvin. Medyo maumbok pa rin ang pwet nito at natural na tayong tayo pa ang mga dibdib nito. Hindi rin dry ang kutis nito na unang mapapansin sa babaeng nasobrahan ng asawa. Natawa na lang si Gerard sa assessment na ginawa sa biyuda ni Calvin. Hmmm. Naiintriga siya sa may kailapan nitong asawa. Hindi nagtutugma ang naging description ng mga kamag-anak sa aktwal na nakita niya. Isang pilyong kaisipan ang nabuo ni Gerard. Parang gusto niyang sumubok ng isang biyuda. at ang biyudang iyon ay si Bernice Gacho!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD