Wftnt6: last will

1243 Words
Isang linggo matapos ang tagpo sa sementeryo ay ipinatawag si Bernice ng mga Contreras. May ideya na siya sa sadya ng mga ito kaya walang alinlangan niyang tinanguhan ang naging pag-anyaya sa kanya ng mga ito. “ Sigurado ka ba sister na kaya mo mag-isa? Mamaya n’yan ay lamunin ka ng buo ng biyenan mong hilaw!” Nag-aalalang tanong ni Brendan sa kakambal. “ Kaya ko na mag-isa . Huwag ka na mag-alala! Ako pa ba?” “ Dapat bongga ang outfit para hindi ka kawawa tingnan. Sa sama ng mga tingin ng mga lukaret na mga iyon ang sarap dukutin ng mga eyeballs!” Gigil na gigil si Brendan dahil nasaksihan nito kung paanong tingnan ng mga Contreras ang kakambal sa libing ni Calvin. Hindi na pinansin ni Bernice ang sinabi ng kapatid tungkol sa bonggang pustura. Bagkus ay isang simpleng high-waist skinny jeans at isang cotton sweatshirt lang ang suot. Puti na peep toe wedge sandals ang pinares niya at isang white leather bag lang ang tangan papunta sa mga Contreras. Nagtaxi lang siya sa ibinigay na address ng ina ni Calvin sa kanya. Ipinakita lang niya sa driver ng taxi ang address at pinasibad na nito ang sasakyan. Makalipas ang cuarenta y cinco minutos ay pinarada na ng taxi driver sa isang mansion ang sasakyan. Binayaran niya ang driver at binagyan pa ito ng tip na siyang ikinatuwa nito. Isang guwardiya ang bumati sa kanya at nagsabi na inaasahan na nito ang kanyang pagdating. Pinapasok siya nito na nagpakilalang si Ronan. Sa main door ay naroon ang isang may katandaan na babae na Mayordoma pala na si Aling Nida. “ Pasok ka Hija. Nasa library na sila at hinihintay ka.” Alas nuebe pa naman ang naka-schedule na meeting at alas otso cuarenta y cinco pa lang naman. Sinamahan si Bernice ni Aling Nida na tinahak ang library. Sa ikalawang palapag naroon iyon na nasa pinadulo ng kanan nga pasilyo. Kumatok sa pinto si Aling Nida at pinihit ang seradura. Iginiya siya nito papasok at umalis na. Nakamasid ang mga Contreras kay Bernice. Pakiramdam niya ay isa siyang mikrobyo na nasa glass slide na ginagamitan ng microscope. Wagas ang paninitig ng mga ito sa kanyang simpleng gayak. Tiningnan ni Bernice ang mga Contreras at bakas sa mga ito ang sopistikadong pananamit kahit nasa bahay lang. Yumukod si Bernice bilang pagbati sa mga magulang ni Calvin. Tumango lang ang ama ni Calvin samantalang napaismid ang ina ni Calvin. Ang ama ni Calvin na si Conrad ay kahitsura nito . Samantalang ang apat na kapatid na babae ni Calvin ay pawang nagmana lahat sa inang si Rebecca. Nagtaka si Bernice kung ano ang ginagawa ng lalaking nakita niya sa puntod ni Calvin. “ Attorney Salvador, let's start.” Utos ni Conrad sa abogado. Sa binasa ni Attorney Salvador ay isa lang ang malinaw. Lahat ng naipundar ni Calvin ay kay Bernice niya ipinamana. Halos malula siya na malaki pala ang ipon nito sa banko pati na ang mga investment portfolio nito kung saan nagkalat iyon sa malalaking corporation. Mukhang pinaghandaan na iyon ni Calvin dahil nakapetsa ang last will and testament nito anim na buwan bago pa ito pumanaw. Ang mga kapatid ni Calvin ay bagaman tahimik lang na nakaupo sa likod ay matalim na nakatingin kay Bernice. Kung nakakamatay lang ang titig malamang ay kanina pa nakabulagta si Bernice. Gustong maiyak ni Bernice. Ganoon ba siya kamanhid at hindi man lang niya nahalata ang mga naging kilos ni Calvin o sadyang magaling lang itong magtago ng karamdaman. Tiim lang nakatitig si Gerard kay Bernice. Halatang nagpipigil ng emosyon ang biyuda ng pamangkin. Mukha itong maiiyak at namumula na ag pisngi nito. Hindi man lang kinabakasan ng tuwa ang mukha nito nang sinabi ng abogado na sa kanya lahat ipapamana ng napundar ng pamangkin. Nagpupuyos sa galit ang ina ni Calvin ngunit pinigilan ng asawa nito na komprontahin si Bernice. Nagtagisan ng titig ang asawa at sa huli ay ngapatianod ang ginang sa kanyang asawa. “ Ano po ba ang kailangan kong pirmahan Attorney para tanggihan ang pamana ni Calvin?” Nabigla ang mga Contreras sa sinabi ni Bernice. Lalo na ang ina ni Calvin. Napantastikuhan ito sa biyuda ng anak. Hindi nito napigilan na may maibulalas. “ Plastic.” Inismiran pa nito si Bernice. “ Plastic pa rin po ba? Para sa pagkakalaam ninyo. Dalawang beses ko rin pong tinanggihan ang mga pamana ng dalawa kong naging asawa. Mas malaking halaga kaysa gustong ipamana ni Calvin sa akin. Pero mukhang mas gusto ninyo ang pera ng anak ninyo, kaya sa inyo na po. Hindi kami mayaman pero hindi naman kami busabos. Kayang kaya ko pong maghanap buhay na hindi umaasa sa pera ng mga naging asawa ko.” Mahinahon ngunit may diin na sabi ni Bernice sa biyenang hilaw niya. “ Kapalit naman ng laspag mong katawan!” Sikmat nito kay Bernice. “ Baka akala ninyo hindi ko alam kung saan lang din kayo napulot ng asawa ninyo? Sa isang high end club kung saan may pasayaw na hubad!” Mabalasik na sabi ni Bernice. Napuno na siya at nagpanting ang tenga sa pang-iinsulto nito sa kanyang p********e. Namula si Rebecca sa sinabi ni Bernice. Hiyang-hiya sa kanyang mga anak na nakatingin sa kanya at tila nandidiri sa nalaman nito mula kay Bernice. Sasampalin sana nito si Bernice ngunit tinampal nito ang kamay ng ginang. Maging si Gerard ay nagulat sa batuhan ng salita ng hipag at ng manugang nito. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang pagiging star dancer noon ni Rebecca kung saan nga ito “napulot”ng kanyang panganay na kapatid na si Conrad. Tutol man ang mga magulang sa naging pasya ng kapatid ay ipinaglaban nito ang esposa sa pamilya. Kalaunan ay tinanggap na lamang ng mga Contreras ang naging pasya ni Conrad lalo at dumami na ang mga anak nito. Napatayo ang asawa nitong si Conrad at napahawak ito sa sentido. Iyon ang sikretong pinaka iingatan nilang mag-asawa at kung paanong nakalkal nito ni Bernice ay wala silang ideya. “ Huwag masyadong judgmental Misis Contreras lalo at galing lang din kayo sa lusak. Parang hindi ka babae na sabihan akong laspag. Ang mga naging asawa ko lang may alam kung anong klaseng babae ako. Tandaan mo apat ang anak mong babae. Mas maige na sila ang bantayan mo hindi kung gaano ako kalaspag sa paningin ninyo.” Binirahan ng alis ni Bernice ang mga Contreras at nang nasa tapat ng pinto ay muling nagsalita. “ Attorney Salvador pwede ninyo ipadala ang papeles sa bahay alam niyo naman ang address ko para maputol na ang ugnayan ko sa pamilya Contreras ng tuluyan. Adios.” Pakendeng-kendeng na naglalakad si Bernice palabas ng mansyon. Siya na ang naghanap kung saan lalabas sa lawak ng mansion ng mga Contreras ay parang gusto niyang magsisi kung bakit hindi niya hinanap si Aling Nida. Sa wakas ay nakita niya ang main door at lumabas ng mansion. Yumuko siya sa guwardiya nang binati siya nito. Hindi alam ng mga Contreras ay para siyang aatakehin sa puso sa mga pinagsasabi niya kanina. Unang beses niyang manupla ng mas nakakatanda sa kanya sa edad niyang bente kuwatro. Naglalakad siya sa kahabaan ng sementadong daan at may bumusina sa likod niya at napapitlag siya. “ Ay t**i ng kabayo!” Yon ang nasambit niya sa gulat niya. Isang malutong na halakhak ang narinig ni Bernice at paglingon ay ang tiyuhin pala ni Calvin na si Gerard!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD