Wftnt7:Georgina

1448 Words
Awtomatikong nakasimangot si Bernice nang marinig ang halakhak ng tiyuhin ni Calvin. At ano ang sadya nito sa kanya at sinundan pa siya nito? Para muling insultuhin? Aba! Namimihasa na yata ang mga ito ah! Hindi maiwasan ni Gerard na hagurin ng tingin ang katawan ng biyuda ng pamangkin. Kating-kati talaga siyang matikman ito. Naiintriga siya kung paano ba ang isang biyuda sa kama? Iniisip pa lang niya ito na nakahiga sa kama at naghihintay sa kanya ay naninikip na ang pantalon niya. Patuloy lang sa paglalakad si Bernice at hindi pinansin ang nakasunod sa kanya hanggang umabot siya sa highway. Buti na lang talaga at komportable ang suot na sapatos. Pinara niya ang dumaan na taxi at nagpahatid na sa kanilang bahay. Pagdating sa bahay nila ay kaagad siyang inusisa ng kapatid. “Kumusta ang lakad kapatid? Hindi ka ba inasar ng bruhilda mong biyenan na hilaw?” “Anong hindi? Ako na nga nag-volunteer na i-give up ang pamana ni Calvin ay galit pa rin kaya ayon nalaman ng mga anak niyang dalaga na isa siyang dating burlesk queen na napulot lang ng asawa niya. Grabe magmalinis ha samantalang galing lang din sa pala sa lusak!” Inis na sagot ni Bernice sa kakambal atsaka siya uminom ng tubig. Nauuhaw siya sa pakikipag sagutan sa biyenang hilaw na si Rebecca kanina. Alam niyang mali ang ginawa pero naiinis siya ng tinawag siya nitong laspag. At sino ang matutuwa kapag tinawag ka ng ganoon? Parang walang anak na babae kung makapagsalita! “Ang bunganga anak! Mukhang nakalimutan mo yata ang turo namin ng Nanay mo?” Ang paninita ng amang si Bernardo sa anak na naglabas ng hinanakit sa biyenan nito. “Aba Tay! Tama din naman ang ginawa ng kapatid ko! Kung ako naman gawan ng ganoon sasabunutan ko talaga!” singit ni Brendan. “Bakit balak mo bang magkaroon ng biyenan anak?” Panunukso ng inang si Bridgette sa anak na binabae na kararating lang galing sa talyer na pinagtatrabahuhan. “Ay Honey ko andito ka na pala!” Kaagad na lumapit si Bernardo sa asawa at katulad ng dati ay isang marubrob na halik sa labi ang pinagsaluhan ng mga ito. “Halika na at sabay na tayong maligo.” Inakbayan nito ang asawa atsaka sabay na umakyat sa mga kwarto nito. Tumirik ang mata ng kambal sa ginawa ng mga magulang. Pero hinayaan na nila ang kaligayahan ng mga ito. Gusto pa rin kasi ng mga ito na masundan sila magkapatid. Katwiran ng mga ito ay nireregla pa naman ang Nanay nila kaya may pag-asa pa na madagdagan sila. “Alam mo kapatid, nakakainggit sila Nanay at Tatay ano? Ano kaya kung ihanap uli kita ng jojowain para magkaroon na ako ng pamangkin sa iyo?” “Ayaw ko muna isipin yan sa ngayon. Hindi pa ako nakaka-move on sa pagkamatay ni Calvin. Atsaka kung darating man ang tao na tatanggap bilang ako ay buong puso kong tatanggapin iyon. Pero may tatanggap pa ba sa akin pagkatapos ko mabiyuda ng apat na beses? Baka isipin nila ay malas ako at baka takot silang mamatay just in case pakasalan nila ako.” Nakangusong saad ni Bernice kay Brendan na sinusuri ang kanyang mukha. “Akong bahala sayo kapatid. Pagagandahin kita at ng sa gayon ay maglaway ang mga hombres sa iyo. Ikaw na ang isasama ko bilang assistant ko sa mga pageant na sinasalihan ko para ma-expose naman ang beauty mo.” _______ Katulad ng sinabi ni Brendan ay si Bernice na ang naging kasa-kasama nito sa mga pageant na sinasalihan. Maraming nakapansin sa ganda ni Bernice at minsan pa nga ay napagkakamalan na jowa ni Brendan. “Que Barbaridad, paano mo naespluk na jowaers ko ang mujer na itey?” Maarteng tanong ni Brendan sa kapwa beauconera na si Antonio or Antoinette. “Kambal ko s’ya pashnea ka talagang voklo ka!” Nagtawanan ang mga naroon sa dressing room. Karaniwan na eksena na iyon sa mga gay beauty pageant. Isa si Brendan sa mga suki sa mga pa-contest. Sa dami ng mga gusto siyang isali ay wala siyang tinanggihan ni isa. Para sa kanya ay isa iyon sa nagbibigay kasiyahan at the same time ay doon niya nakukuha ang mga suki nila sa kanilang parlor. Siya mismo ang naglalagay ng make up sa sarili at ngayon nga ay si Bernice na ang gumagawa. Na-train na niya ito sa tamang paraan ng pag makeup kaya kampante siya na maganda pa rin ang kanyang get up sa mga pageant. Rumampa na si Brenna, ang pageant name ni Brendan na sa tuwina ay dinadala nito. “Mula sa bayan ng kamoteng kahoy Kosovo! Good evening everyone, I am Brenna Gacho, twenty four years of age at naniniwala ako sa kasabihan na “If there's a will, there's a jacket! Char!” Pakendeng-kendeng na rumampa si Brendan sa stage at kahit bakla ito ay may mga admirer itong mga lalaki. May sumigaw pa sa crowd na “I love you Brenna!” na siyang naging sanhi ng matinding palakpakan. Ang may gawa noon ay ang admirer nito na si Chris. Tinanghal na “Queen of the Pacific Seas” si Brendan ng gabing iyon. Proud na proud ang mga magulang nila at ang amang si Bernardo pa ang nagsabit ng sash ng anak. Suportado pati ng kanilang ina na si Bridgette ang pagiging beauconera ng panganay na anak. Bumaba sila ng stage at nagulat sila ng isang magandang babae na bigla na lang lumapit kay Brendan at buong alab na hinalikan ito sa labi. Tahimik ang lahat matapos ang halik at nagsalita ang babae. Maraming usisero ang nagbulungan sa nasaksihang eksena. Paanong ang isang bakla ay nagkaroon ng babaeng karelasyon na ubod ng ganda at sosyal? Sa porma pa lang nito at tangkad ay halatang galing ito sa mayamang angkan. “You see Bart! Siya ang boyfriend ko!” “Are you serious about that Georgina? Ang abnormal na ito ang boyfriend mo?” Napalatak ang lalaking nagngangalang Bart at hinagod ng nakakainsultong tingin si Brendan. Napanganga si Bernice sa sinabi ng babae. At papaanong magkakaroon ng girlfriend ang baklang kapatid? May inililihim ba ito sa kanya?” “Hoy babae! Maghunos dili ka sa sinasabi mo at baka tamaan tayo ng kidlat!” Parang nandidiring saad ni Brendan sa babae. “How could you forget the night we shared?” Madrama nitong turan pero napansin nilang ang isang mata nito ay nag-wink na ibig sabihin ay sakyan na lang nila ang sinasabi nito. Nahalata iyon ng kambal kaya bilang pagtulong ay sinakyan ni Brendan ang nais nito. Iniba niya ang boses niya at ang malalim na boses lalaki niya ang ginamit atsaka nagsalita. “Of Course Babe, that's the most memorable night we shared together.” At para mas convincing ay siniil ng makapugtong hiningang halik si Georgina. Tulala ang dalaga nang binitawan ni Brendan ang dalaga. Hinarap ni Brendan si Bart atsaka binalaan ito. “Pare, baka naman huwag mo na i-stalk ang girlfriend ko. Matuto kang rumespeto sa girlfriend ng iba!” Yamot na nag-walk out na lang ang lalaking si Bart dahil sa tinamong insulto kay Brendan. “Maraming salamat sa tulong mo pogi.” Ang matamis na ngiti ni Georgina kay Brendan na nanlaki ang mata sa sinabi ng dalaga. “Hoy Miss! Kita mo naman bakla ako. Huwag kang abusado porket tinulungan kita ay tatawagin mo akong pogi. Sabunutan kita dyan eh.” Tumalikod na si Brendan at tinungo ang dressing room. “Pasensya ka na sa kapatid ko ha. Ganun lang talaga yun pero mabait naman,” hinging dispensa ni Bernice kay Georgina. “Kapatid mo pala siya?” amused na tanong nito. “Kambal ko actually.” “Oh, I see! Georgina Contreras nga pala. And you are?” “Bernice Gacho. Ang sabi mo ay Contreras ka. Kilala mo ba si Calvin Contreras?” “He is my cousin. Magkapatid ang Dad namin. Hindi nga ako nakadalo sa funeral niya dahil nasa Milan kami for a Fashion Shoot. Teka, how do you know him?” “I’m his widow.” “What?”Namilog ang mata na tanong ni Georgina kay Bernice. Hindi nito akalain na sa kakatwang sitwasyon niya makaharap ang biyuda ng pinsan. Ayon sa paglalarawan ng mga pinsan at mga kamag-anak ay may sa mangkukulam ang asawa ni Calvin. May sumpa na kaakibat daw dahil pang-apat na asawa na si Calvin at lahat ng lalaking nauugnay dito ay namamatay! Pero sa tingin ni Georgina ay wala namang kakaiba sa biyuda ng pinsan Mabait ito at patunay nito ay ang pagtulong sa kanya upang matakasan niya ang sira ulo at taksil na boyfriend na si Bart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD