Nilapitan ni Gerard si Bernice at mahigpit nitong nitong niyakap ang dalaga at saka hinalikan ito sa labi ng marubrob. “Hinding-hindi ka magsisi sa desisyon mo, sweetheart.” Gustong maiyak ni Gerard sa labis na tuwa. Marami siyang plano para sa kanilang dalawa pagbalik sa kanilang bahay. Magana silang kumain nang umagang iyon. Bandang alas nueve ng umaga nakatanggap ulit ng text message si Gerard na kinansela na ng mga kaibigan ang pagpunta sa isla. Nakatanggap din siya ng text mula kay RJ na darating ang buong creative team pati ang modelo para sa isla i-shoot ang ads ng make up brand kinabukasan. Pero, nagbilin ang binata na magdala ng supply na sapat hanggang matapos ang shoot ng ads. Walong katao lahat ang darating at tamang-tama naman ang bilang ng kwarto na naroon. Kaya, nang araw

