Halos hindi magkamayaw si Bernice pag-aasikaso ng mga dumating na crew at ng modelo. Kilala niya ang babaeng walang iba kundi ang babaeng humalik sa kanyang kakambal, si Georgina Contreras. “Tito Gerard mabuti na lang talaga at malakas ang backer ko. Siyanga pala, ang kapartner kong model ay ako ang pumili. Mahuhuli sila ng dating kasama ng manager ko na si Tim,” ani Georgina sa tiyo. Binalingan nito si Bernice at binati. “Hi Ate Ganda, sana lang na hindi ka nito inalila ng Tito kong istrikto!” “Georgina!” asar na saad ni Gerard sa pamangkin na kekendeng-kendeng na nagtaas ng kamay na lumayo sa kanilang dalawa. Isang apologetic look ang ipinukol ni Gerard sa kanyang mahal pero katulad ng gusto ni Bernice ay ayaw muna nitong ihayag kung anong meron sila sa mga taong nasa paligid. Abala

