.
Gerard didn't budge, it's now or never. Kapag hindi niya ito gagawin ay baka mabaliw na s’ya. Gusto niyang makasiguro. Walang babalang hinarap niya ang mukha ni Bernice at buong tapang na kinintalan ng marubrob na halik ang nakaawang nitong labi.
Sinamantala niya ang pagkabigla nito at ginamit ang dila para sipsipin na parang kendi ang napakatamis nitong labi.
Heaven!, iyon ang nasambit ng isip ni Gerard habang ninamnam ang tamis ng halik na ninakaw sa alalay. Kakaiba sa lahat ng mga halik na natikman n'ya.
Nabigla si Bernice. Inipon niya ng lakas at kumawala sa halik ng amo. Tinulak niya ang sarili palayo sa amo at walang lingon-likod na umalis sa silid nito. Habang naglalakad ay halos manginig ang tuhod niya sa sobrang tensyon. Ano yon? Bakit tila may bolta-boltaheng kuryente na dumaan sa kanyang katawan? Pakiramdam niya ay tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan at bigla siyang nauhaw.
Hinawakan ni Bernice ang kanyang braso para mapawi ang kilabot na nadarama. Kailangan niyang umakto ng normal. Bumuntong-hininga siya at hinayaang kusang magbalik ang normal na t***k ng puso.
Nandoon na siya sa kusina pero walang tao. Dumungaw siya sa bintana ng dirty kitchen at nakita ang isang kubo na yari sa purong kawayan. Naroon ang mag-asawang katiwala na ginagayak ang pananghalian. Binitbit niya ang mga hiniwang prutas na mangga at pinya na nasa isang maliit na bilao na nasasapinan ng dahon ng saging.
“Mabuti at narito ka na Bernice. Si Sir Gerard ba ay bababa na?” ani Manang Elsa.
“Susunod na po iyon. Magbibihis pa siguro lalo at hindi nakapagpalit ng damit at nakatulog.” Kaswal ang naging sagot ni Bernice pero ang totoo, naalala niya ang kapangahasan ng amo. Kaagad niyang hinaplos ang kanyang labi. Sa tanang buhay niya ang apat na naging asawa lamang ang nakahalik sa kanya. At pulos banayad na halik ang kanyang natanggap sa mga ito. Ano ito at tila nakukuryente siya sa halik ng amo? May mali ba sa ginawa niya?
“Ang sarap naman ng mga hinanda ninyo Manang, mga paborito ko po lahat.” Malapad ang ngiti na nakapaskil sa mukha ni Gerard. Hindi makatingin sa kanya ang alalay at alam niyang apektado ito sa ginawa niyang nakaw na halik dito.
“Ay, si Bernice po ang nagluto ng pusit at ng sinabawang maya-maya. Ang pag-iihaw lang ng tulingan ang naging ambag namin ng Manong Cesar mo Sir.” Nahihiya ang matanda na umamin sa amo at napangiti ng alanganin.
“Maaasahan po talaga itong aking personal assistant Manang. Kaya nga dinala ko rin siya dito para may katuwang kayo sa kusina. Kumain na po tayo, nagutom ako bigla.” Hinimas pa ni Gerard at sikmura at saktong tumunog ito kaya hagalpakan sila ng tawa.
“O siya, Cesar kunin mo na iyong mga inihaw na tulingan.”
Maganang pinagsaluhan nila ang mga pagkain na nakahain. Kalamansi juice ang naging panulak nila. Tuwang-tuwa si Bernice ng malaman na galing pa iyon sa tanim ng mga tauhan ng amo.
Tinulungan ni Bernice na magligpit ng pinagkainan nila si Manang Elsa. Kahit anong pilit nito sa dalaga na pabayaan na lang siya ay hindi siya pumayag. Doon kasi ito naghugas sa kalapit na maliit na balon. Tuwang-tuwa si Bernice sa bagong karanasan na iyon. Laki siya sa looban at kahit hindi naman sila hirap ay wala sila masyadong gumala sa mga probinsya lalo at walang kamag-anak ang mga magulang.
Nang matapos magligpit ay natanaw ni Bernice ang isang duyan na nasa ilalim ng puno ng mangga. Gawa iyon sa rattan. Bigla siyang inaantok at tila may pwersang nag-uudyok na mahiga s’ya roon. Nilanghap ni Bernice ang preskong hangin na nagmumula sa paligid. Pinaghalong amoy ng dagat na tila nag-iimbitang magtampisaw siya roon. Pero, sa ngayon mas gusto munang umidlip ni Bernice.
Paglapat pa lang ng kanyang likod sa duyan, awtomatiko siyang napikit at hinila ang kanyang kamalayan sa mahimbing na tulog.
********
Samantala, naroon sa kwarto si Gerard. Gusto sana niyang magtampisaw sa dagat pero inaantok siya. Madaling araw na kasi niya natapos ang mga papeles na kailangan niya ng approval lalo at ilang araw din siyang mawawala sa opisina. Tumunog ang kanyang cellphone. Mahina lang ang signal sa isla pero may satelite naman siyang naka-install lalo at palagi niyang mino-monitor ang mga matandang katiwala. Solar power ang nagpapaandar ng lahat ng mga appliances doon. Sa bubong ng bahay, doon nakalagay ang mga iyon. Pinupuntahan lang ng mga technician iyon kada tatlong buwan para i-check.
Text message iyon mula sa kaibigan na si Winston. Bukas na raw darating silang tatlo. Nagkibit-balikat lang si Gerard. Fine, at least makakapag-relax pa siya. Tiyak, pagdating ng mga kaibigan bukas ay puputaktihin lang siya ng mga tanong bakit sinama pa niya si Bernice. Inihahanda na niya ang sarili sa katakot-takot na panunukso sa kanya ni Winston, Kurt, at Mark.
Dumungaw muna si Gerard sa bintana ng kanyang silid. Nasa pinakadulo siya at buhat doon ay tanaw ang kubo kung saan sila kanina nananghalian. May nakita siyang natutulog sa rattan na duyan. Sa tangkad at pigura nito ay alam niyang si Bernice iyon. Marahas niyang binitawan ang hininga.
“Bernice! Bernice!? Mangkukulam ka ba? Bakit ganito ang ginawa mo sa akin?” mahina niyang tanong sa kawalan. Sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay niya ngayon lang siya natakot sa isang babae. Hindi naman dahil wala na siyang bilib sa kakayahang dumiskarte rito. A part of him ay nag-iisip sa kung ano na lang ang sasabihin ng ibang tao. The great Gerard Contreras ay na-inlove sa isang biyuda. Much more than that, a four-time widow!
Nais batukan ni Gerard ang sarili. In love? Hindi uso sa kanya ang salitang ‘yon. Women are made for the sole purpose of giving pleasure to men. Lahat naman ng babae ay kayang palugdan. Simple lang ang kaligayahan nila. Luho! Jewelries, bags, make up, clothes, expensive travels, and of course lots and lots of rough s*x.
Napaismid siya at sandaling sinipat ang sarili sa salamin. Handsome as ever, habang hinahagod ang kanyang baba. Bumaba na siya at napansing tahimik ang kabahayan. Alam niyang sa oras na iyon ay natutulog ang mga ito. Nang sinipat ni Gerard ang wristwatch, alas dos kwarenta y singko na. Nag-sisisesta ang dalawa at namataan niyang sa papag lang na nasa kwarto ng mga ito sa bandang kusina ang dalawa.Nakabukas ang pinto ng silid ng mga ito na napakapayak. Natuwa siya ng makitang magkayakap ang mga ito. How sweet of them. Iyon ang nasabi ni Gerard sa sarili.
Siya kaya? Kailan niya makikilala ang babaeng yayakapin siya kahit pareho na silang uugod-ugod? Natawa siya sa sarili lately. Iniisip niya ang sarili na makakatagpo ng magiging katuwang sa buhay. Dati naman, wala siyang pakialam. He just lives his life the way it pleases him.
Lumabas si Gerard sa kusina siya doon at binaybay ang daan patungo kay Bernice Nadaanan pa niya ang kubo. Malamig sa banda roon lalo na sa kinalalagyan ni Bernice. Dahan-dahan ang kanyang bawat hakbang. Sa ritmo ng pagtaas-baba ng malulusog na dibdib ni Bernice. Damn! Kailan kay n’ya mahahawakan ang mga iyon. Alam niyang sakto iyon sa kanyang mga kamay.
Tinitigan n’ya ng maayos si Bernice. Ang mapupula nitong labi ay tila nag-aanyaya ng isang halik. Ang makinis nitong mukha na kahit isang kapintasan ay wala siyang makita. Ang makipot na ilong nito na matangos ay napakasarap kurutin.
Nilapit ni Gerard ang mukha sa natutulog na si Bernice. Mas maganda nga ito sa mas malapit. Halos wala siyang makitang pores sa mukha nito. Nakulangan siya sa nakaw na halik kanina sa kwarto niya kaya, itutuloy niya ito ngayon. Konti na lang at lalapat na ang kanyang labi sa labi nito nang nagmulat ang mga mata ni Bernice.
Kaagad na tinulak ni Bernice si Gerard pero, huli na ang lahat. Kinabig na ni Gerard si Bernice at inangkin ang labi ng dalaga. Ninamanam niya ang tamis ng labi ni Bernice at inanggulo ang mukha nito para sa mas malalim na halik. Narinig niyang nalunod ang pag protesta nito. Hindi ito makapalag dahil nakahiga sa duyan. Ang kanyang mga braso ang ginamit niya para idiin ng mahina si Bernice sa duyan.
Kahit nabigla sa una ay pinagsikapan ni Bernice na kumawala sa halik ng amo. Malakas niyang tinapik ang balikat nito pero, ayaw pa rin nitong tumigil. Inipon niya ang lahat ng lakas at tinulak ito. Sa lakas ng tulak niya ay napaupo ito sa buhangin. Dali-dali siyang bumangon at tumakbo palayo doon.
Pinahid ng likod ng kanyang palad ang kanyang labi. Oo nga at matamis ang halik ni Sir Gerard pero, tiyuhin pa rin siya ni Calvin! Nanadya ba ang amo n’ya? Dahil ba ang impression ng mga tao sa mga biyuda ay s*x-starved ay ganoon na lang siya pagdiskitahan nito. Ang sakit lang sa part n’ya na nagpapakatino siya at wala naman siyang ginawa na magkaroon sila ng ganoong opinyon sa kanya. Kahit naman apat na beses siyang nabiyuda ay ginagalang niya ang kanyang sarili. Hindi siya naging pakawala.