Nagulat si Bernice na sa chopper nga sila sasakay. Sa pantalan lang sila hinatid pero umakyat din sila ng isang building kung saan may helipad sa taas. May tinawagan ang amo niya at kanina pa abala sa pagtanggap ng tawag. Last minute call, kasi daw ay mahina ang signal ng pupuntahan nilang isla.
Ilang sandali pa, lulan na sila ng chopper at nasa himpapawid. Namangha si Bernice sa mga nadaanang mga isla. Bughaw ang dagat samantalang kulay luntian naman ang mga isla na halos kakahuyan pa. May nakita siyang ilang isla na may mga bahay, na sa tingin niya ay pag-aari rin ng mga maimpluwensyang pamilya.
Halos isang oras silang nasa himpapawid at naramdamdaman ni Bernice na pababa na ang chopper na sinasakyan. Tiningnan niya ang amo na kanina pa tahimik. Nakaipit ang kamay nito sa kanyang kilikili habang nakasandal sa upuan. Kahit saang anggulo tingnan ni Bernice ay kamukha talaga ni Calvin ang tiyuhin, maputi na lang ang yumaong asawa. Samantalang, kutis pinoy naman ang tiyuhin nito at mas matangkad. Calvin is just five feet ten inches tall, almost four inches taller than her. Matangkad ang amo niya, six footer si Sir Gerard niya at medyo masculado pa. Calvin was lean and muscular.
Napailing si Bernice sa sarili. Bakit niya hinahambing ang magtiyo? Wala naman dapat ipaghambing. O baka sa sobrang na-miss niya ang asawa ay napagkakamalan na niyang si Calvin si Sir Gerard niya? Maghunos-dili ka! Ano sa tingin mo?May seseryoso pa sa iyo na notoryus kang biyuda? sermon ni Bernice sa sarili. Hindi naman sa atat siyang makatagpo ng magiging asawa o di kaya ay wala na siyang gana makipagrelasyon. Mahirap kasi sa isang tulad niya na biyuda na makahanap ng totoong mamahalin at seseryosohin siya. Kung yong mga dalaga nga diyan ay kung paglaruan lang ng mga lalaki ay wagas siya pa kaya?
“We are here.” Tumayo na si Gerard. Napansin nito ang pananahimik ng alalay n’ya. Tila may malalim na iniisip habang ang tingin ay lagpas sa kanya. Akala nga niya kanina ay siya ang tinitingnan nito. Hindi niya maarok ang iniisip nito. O baka tiningnan siya nito dahil kamukha nga naman niya ang pamangkin na si Calvin na dating asawa nito.
D**n! Mura ni Gerard sa isip niya. Nai-imagine niya si Calvin at Bernice na naghahalikan at nag*******g ay para siyang mababaliw. Biglang uminit ang ulo niya sa mga ganoong kaisipan. You're sick man!, kantiyaw niya sa sarili. Ano at pati ang yumaong pamangkin ay pinagseselosan n’ya? Natural siguro sa mag-asawa ang ganoong gawain. Lalo pa parehong nasa twenties pa ang mga ito. The peak of their s****l prowess.
Bumaba na sila sa chopper. Si Gerard na ang nagbuhat ng kanyang luggage. Kahit naman siya ang amo ay may konsiderasyon naman siya sa kanyang empleyado. Medyo mabigat nga kasi ang kanyang luggage. Nakasunod lang sa kanya si Bernice at bitbit ang luggage nito.
Lumipad na pabalik ang chopper sa himpapawid. Mamayang hapon pa darating ang kanyang mag ka-meeting. Sinadya niya iyon at may nais siyang matanto sa sarili ngayong araw na ito.
Nasa likuran lang si Bernice at umaagapay sa amo. Hindi naman mabigat ang kanyang dalang luggage. Pero, abala ang kanyang mata sa pagsuri ng kapaligiran. May nakita siyang bahay na yare sa tesa na nakaharap sa dagat. Para itong isang villa sa dami ng mga veranda sa bawat kwarto. Binilang niya lahat at dose iyon. Tatlong palapag na may tig apat na kwarto. Para siyang nanunood ng isang palabas na nasa Europe ang settings. Spanish style kasi ang gayak ng villa.
Ang dagat ay malinaw at bughaw na bughaw. May nakita siyang rock formation at sa gilid nito ay isang mababaw na sapa na ang dulo ay ang dagat. Napaawang na lang ang labi niya sa ganda ng isla.
Narating nila ang villa at sumalubong sa kanila ang dalawang matanda.
“Manong Cesar, Manang Elsa, si Bernice po alalay ko. Hinanda po ba ninyo ang mga kwartong gagamitin?”
Yumukod si Bernice sa mga katiwala at nginitian ng matamis ang mga ito. Wala siyang nakagisnang mga Lolo at Lola kaya sa tuwina ay naiinggit siya sa mga kakilala na kasama pa ang mga ito.
Hinarap ni Gerard si Bernice. “Manang Elsa will show your room to you.”
Umakyat na sila sa sa ikatlong palapag at ang pobreng matanda, hiningal ng todo. “Manang, okay lang po kayo?” nag-aalalang tanong ni Bernice. Binaba niya ang bitbit na luggage at hinaplos ang likod ng matanda, nginitian niya ito at inalalayan na maupo sa katabing silya na naroon sa labas ng pinto.
“Okay lang ako Iha. Ganito talaga kapag matanda na. Buti nga at kahit papaano ay may trabaho pa king mag-asawa. Napakabait sadya ni Sir Gerard at kahit wala kaming ginagawa dito ay palagi kaming may sahod.” Napangiti si Manang Elsa at tumayo na. “Ito ang magiging kwarto mo Bernice. Katabi nito ang kwarto ni Sir.” Umalis kaagad ito at nag-umpisa ng pumanaog sa hagdan.
Napangiwi si Bernice na magkatabi ang kwarto nila ng amo n’ya. Kung sabagay, personal assistant nga pala siya. Kailangan handa siya sa lahat ng panahon, at dapat nasa malapit lang s’ya.
Pumasok si Bernice sa silid. Yari sa kahoy ang mga dingding at sahig. Maaliwalas ang kabuuan ng kwarto, may kama sa bandang kanan at may kanugnog na sofa bed sa gilid nito. May pinto sa bandang kaliwa at nang buksan niya ito ay namangha siya sa nakita. Oriental design ang banyo. Mga pinaghalong indigenous materials ang ginamit na barnisado. May sawali, kawayan, at mga bao ng niyog na barnisado na siyang ginamit na wood tiles.
Nagmamadaling nagbihis si Bernice. Bumaba na siya ng unang palapag at hinanap si Manang Elsa. Plano niyang tulungan ito sa pagluluto. Kawawa naman ang mga ito kung pababayaan niya lang. Nasa kusina nga ito at nag-uumpisa ng maggayat ng mga sahog sa lulutuing ulam.
“Mamang Elsa, ano po ba ang iluluto ninyo?” tanong nito sa matanda.
“Adobong pusit, sinabawang maya-maya, at inihaw na tulingan, iha. Ako na rito at maaga pa naman,” anang matanda.
“Ako na po ang magluluto sa dalawang putahe. Si Manong Cesar na po ang maghanda ng inihaw na tulingan, wala po akong talent eh.”
“O, siya salamat iha. Hindi naman maselan si Sir sa lasa ng mga luto ko. tingin ko naman sa’yo ay masarap ka magluto. Aalis muna ako saglit at kukuha ako sa maliit kong hardin ng mga sangkap na kulang. Walang kalamansi na para sa sawsawan ng inihaw.”
Samantala, nasa pinto pala ng kusina si Gerard at pinagmamasdan si Bernice ng palihim. Mabait nga ang kanyang alalay at pati hindi niya trabaho ay ginagawa. May konsiderasyon sa nakakatanda at laging nakikisama sa mga tao sa paligid. Iyon din ang sinabi ng mga tauhan niya sa kanya. Mula kay Jess, Rolly, Aling Rosa, lalo na kay Amy.
Umakyat si Gerard sa kanyang silid at minasdan ang katabing silid na inookupa ng alalay/ Sinabihan na niya ang mga tauhan na dalawang silid na magkatabi ang ihanda sa itaas. Ang kanyang mga bisita ay sa ikalawang palapag niya itinalagang mamalagi. Sandaling nagpahinga si Gerard sa kanyang kwarto at hindi namalayang nakaidlip na pala siya.
Alas onse y medya na at hindi pa rin bumaba si Sir Gerard n’ya. Kaya, si Bernice na ang umakyat sa itaas. Tama ang hinala niyang natulog ito sa silid n’ya. Nakaawang pa ang pinto ng silid nito, kaya lumapit siya rito. Mingat na tinapik niya ang balikat nito para magising. “Sir, manananghalian na po,” ani Bernice.
Nabigla siya nang hulihin siya ni Gerard at niyakap ng mahigpit. Napasubsob siya sa dibdib nito. Buti na lang at suot pa nito ang damit nito na coat and tie.
“Sir, kakain na at bitawan ninyo ako.” Kinakabahan man nagawang pagsabihan pa rin ni Bernice ang amo.