Hapon na at matapos din ma-organize ni Bernice ang makalat na opisina ng amo. Kaysa tumunganga, satisfied na nagpunas ng kamay si Bernice atsaka pinunasan ang mga pawis na lumalandas sa noo nito.
Habang naglilinis ang Personal Assistant, nakasunod si Gerard sa bawat galaw nito. Napaka-effortless yet, maganda talaga ang biyuda ng pamangkin. Ilang beses siyang napamura sa pagrerebelde ng kanyang pagka*****i sa loob ng kanyang pantalon.
Excited na pinaalam nito kay Bernice na uwian na. “Let’s go home.” Kaswal ang pagkakasabi niya pero sa loob niya ay nasasabik na siyang makasama ito sa loob ng sasakyan. Hindi natuloy ang kanilang meeting sa kliyenteng Hapon kaya maaga silang uuwi.
Kinuha ni Bernice ang kanyang sling bag na naroon sa maliit na lamesang laan para sa kanya. Umagapay siya ng makitang papasara na ang pinto ng opisina. Sa tangkad ng amo ay malamang mabilis itong maglakad. Matangkad na siya sa karaniwang mga babae. Five feet six inches ang height niya. Ang kakambal na si Brendan ay isang pulgada ang kulang para maging six feet. Pero ang amo sa tingin niya ay lagpas pa sa anim na talampakan ang height.
Sabay silang sumakay ng private elevator nito. Langhap ni Bernice ang swabeng bango ng mamahalin nitong perfume. Naaalala niya tuloy ang asawang si Calvin. Magkaparehas pa ang mga ito ng paborito! Tumunog ang prompt ng elevator na nagsabing nasa basement na sila. Naroon na sina Rolly at si Jess. Pinagbuksan sila ni Jess ng pinto ng sasakyan. Doon sila naupo sa passenger seat habang ang huli ay sa shotgun seat.
Tahimik ang buong byahe at si Bernice ay panay ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Halos kwarenta y singko minutos bago sila pumasok sa isang exclusive subdivision na halos iilan lang ang naglalakihang mansion ang naroon.
Sa isang compound sila pumasok. Katulad ng naunang sinabi ng amo, may isang di-kalakihang bungalow ang nasa kanan ng malaking bahay. bumaba si Jess at mula sa trunk, nilabas nito ang maleta ni Bernice. Hudyat iyon para sa dalaga na umibis na rin sa sasakyan.
Iginiya siya ni Jess sa bungalow at binuksan ang bahay gamit ang susing hinugot mula sa bulsa. “Nag-dayoff ang mga kasambahay kaya pansamantala ay ikaw muna mag-isa dito. Kung may kailangan ka. Tumawag ka lang sa intercom na narito sa gilid.” Pinakita nito sa dalaga ang naturang aparato at tinuruan kung paano gamitin iyon. “Iyong bakanteng silid sa dulo ang gamitin mo. Magpalit ka na ng damit at mamayang kaunti ay sabay ka ng kumain sa amin sa komedor.” Tumalikod na si Jess kaya sinara na ni Bernice ang pinto.
Tinungo niya ang kwarto na sinasabi nito habang hila-hila ang kanyang maleta na may kabigatan. Namangha siya sa ganda ng silid, parang hindi silid ng isang alalay. Para itong isang guestroom, may sariling banyo ito at may aircon pa! Samantalang sa silid niya sa bahay nila ay bentilador lang ang gamit niya. Mabilisang sinalansan ang mga damit atsaka nagshower na rin siya. Nanlalagkit siya sa maghapong pag-organize ng magulong opisina ng amo.
Lumabas siya sa sala at sandaling nilibot ang kabahayan. May ref sa bandang kusina at may pantry pa. Nang binuksan iyon ay nakita niyang sagana sa pagkain ang mga tauhan ng amo. Tumunog ang intercom at dali-dali niya itong sinagot. Pinapupunta na siya sa malaking bahay dahil maghahapunan na raw.
Nagmamadali siyang pumunta doon at namataan si Rolly na nasa bandang kusina. Doon na siya dumaan dahil ito na mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya. “Salamat Kuya Rolly.” Tinanguan niya ito at nakita ang kusinero na abalang nagpapasok ng mga putahe na nasa pinggan.
Naroon na sa dining room ang amo at ang butler na si Jess. Minuwestra ni Gerard na maupo siya sa kanan nito at sinunod iyon ni Bernice. Natakam ang dalaga sa inihain ng kusinera. Pochero na maraming sahog at pansit canton ang nasa lamesa. Merong mga fresh fruit na nasa mesa na at orange juice na nasa baso. Nang tumingin sa taas ang dalaga ay namangha siya sa ganda ng crystal chandelier na naroon.
“Let’s eat,” ani Gerard . Hudyat iyon para kumain na kaya hindi na nahiya si Bernice na kumain at naparami iyon. Napagod siya sa trabaho ng bandang hapon kaya okay lang na kumain ng marami.
Matapos silang kumain ay may inabot na folder si Gerard. “That will be our schedule and I want you to pack the clothes I'll be wearing in the duration of three days. The wardrobe is in the room next to mine. Jess will lead you the way.” Iniwan na ni Gerard ang alalay at hinayaan na ang butler na ang umalalay dito.
“Dito tayo Miss Bernice.” Iginiya ni Jess si Bernice sa wardrobe na naroon. Klase-klaseng tailored suits ang naroon. Ang mga wristwatch nito na nasa glass drawer na pawang mga branded ay nagpaawang sa bibig ni Bernice. Ultimo ang mga kurbata at cufflinks ay talaga namang ang gara ng mga disenyo.
Ayon sa schedule na hawak, tatlong araw ito na makikipagkita sa investor sa isang private resort. Kaya, naghagilap na rin si Bernice ng apat na swimwear. Board shorts at katernong sando lang ang mga naroon. Pati mga brief ay pumili na rin si Bernice. Halos puting brief ang naroon at anim ang sinilid niya sa luggage. Sinara na nito ang huling underwear organizer atsaka maayos na sinalansan ang mga dadalhin sa luggage. Pumihit siya patayo para lang mabundol sa isang pigura. Si Sir Gerard niya na nakatapis lang ng mainipis na puting tuwalya! May mga tubig pa kumapit sa katawan nito at lumandas patungo sa maganda nitong abs. Napatalikod siya at namilog ang mata. Sinapo ni Bernice ang bibig para hindi tumakas ang ingay ng malakas niyang pagsinghap.
Natawa si Gerard sa naging reaksyon ng kanyang personal assistant. Sa hitsura nito ay parang ngayon lang nakakita ng lalaking nakatapis. Kung sabagay, si Gerard contreras nga naman siya at walang babae ang nakaligtas sa kanyang kamandag. Tumikhim siya ng mawala ang ngiti sa labi. “Excuse me for a while, I need to get my underwear because I forgot to bring some.” Kaswal niyang sabi sa alalay na parang naestatwa at ni ayaw man lang lumingon sa kanya. Umusog ito ng kaunti para bigyan siya ng daan.
“Tapos na po ako mag-empake Sir. Pwede nyo yan i-check. Bukas ko na lang aayusin kung may nais kayong idagdag.” Walang lingon-likod na lumabas na si Bernice sa wardrobe ng amo. Diretso niyang tinugpa ang daan patungo sa kanyang silid. Namataan pa niya si Kuya Rolly na naninigarilyo at sinenyasan itong papasok na siya sa kanyang tinutuluyan. Doon ito sa bahay mismo ng amo natutulog samantalang ang mga kasambahay ay kasama ni Bernice, na pawang nag-day off nga.
Kahit nag-shower na siya kanina, naligo ulit si Bernice. Para siyang nag-init sa ginawa ng amo. Halata naman inaakit siya nito at ang traydor niyang katawan ay parang apektado pa. Bernice umayos ka! Tiyuhin yan ni Calvin, nakakahiya. Amo mo yan at huwag kang ambisyosa!, pangaral niya sa sarili.
Siya lang mag-isa sa kanyang kwarto kaya matapos patuyuhin ay natulog na siya. Sa pagod niya sa maghapon ay kaagad siyang hinila ng antok. Tanging mapanglaw na ilaw lamang na galing sa lampshade ang naging tanglaw ng kanyang kwarto.
Sa kalagitnaan ng gabi, bumukas ang isang parte ng kwarto ni Bernice. Buhat doon lumabas si Gerard sa lihim na lagusan na tanging siya lang ang may alam. Pinagmasdan niya ang natutulog na pigura ni Bernice. Napalunok siya ng tumamabad sa kanyang harapan ang nakakaakit nitong alindog. Parang hindi nagkaasawa ang pigura nito. Ang makinis nitong balat na marahan niyang pinaraanan ng kanyang palad ay hindi man lang naging tuyot.
Gustong murahin ni Gerard ang sarili. Masokista yata siya at gustong-gusto na sumasakit ang puson sa tuwing pinapantasya ang biyuda ng pamangkin. Mukhang kailangan na talaga niyang magpatingin sa Psychiatrist sa kanyang obsession kay Bernice.