Nais kumaripas ng takbo ni Bernice. Mukhang mali yata ang napasukan niyang opisina. At ano ang ginagawa ng tiyo ni Calvin dito? sigaw ng isip niya. Tumalikod na siya para sana lumabas ng pinto na pinanggalingan ng magsalita ang amo.
“Where do you think you are going, Miss Gacho” seryosong saad ni Gerard. Tumayo ito mula sa swivel chair at lumapit sa papaalis na si Bernice.
“Mali po yata ang napasukan ko Mr. Contreras!” Direktang sagot ni Bernice sa tiyuhin ng dating asawa.
“How come na mali? May hindi mo ba binasa ang application form mo para sa company records?”
Walang masagot alinman sa tanong ni Gerard si Bernice. Nabibingi siya sa lakas ng pintig ng puso niya. Kahit kailan ay hindi pa siya natakot ng ganoon. Iyong tipong pakiramdam mo ay nasa yungib ka ng lion at anumang oras ay lalapain ka. Ang mga titig kasi ng amo ay nanunuot sa kalaliman ng kanyang pagkatao. Tila may nais maarok. At ang guhit ng pagnanasa na nababanaag niya sa mapaglarong mga labi nito na nakaarko habang nakamasid sa kanya.
“I think I'll just cancel my job application here, Sir. Alam mo naman siguro na galit pa rin sa akin ang hipag ninyo. Ayaw ko ng gulo.”
“Walang kapangyarihan si Rebecca na maimpluwensyahan kung sino ang magiging empleyado ko. I’ve done my research on you. Given that you managed Calvin's former band so well, it gives me the impression that you are more than qualified for the position.” Bumalik sa kanyang swivel chair si Gerard at may sinabi sa intercom. Kaagad na pumasok ang butler nito at may inabot na folder kay Bernice.
“That will be my weekly schedule for now. Kung nasaan ako andun ka rin. Don't worry my butler Jess will always be with us, plus ang driver na si Rolly. Ang secretary na si Amy ang magbibigay sayo ng schedule ko. And since you are a personal assistant , you will live under the same compound,” sabi ni Gerard.
“But Sir, hindi ko po alam na kailangan ay stay in.”
“I see you didnt read the employment contract well. Basta ka na lang pumirma.” May hinugot na papel si Gerard sa drawer at may nakalagay doon employment contract at may pirma niya. “See this? Pinirmahan mo pero hindi mo alam ang nakalagay?”
“Wala naman akong pinirmahan na employment contract, appointment letter ang para confirmation na ako ang na-hire!” mataas ang boses na saad ni Bernice. Kahit anong piga niya sa kanyang isip ay walang employment contract siyang pinirmahan.
“Are you telling me na dinaya ka namin? For what reasons? Nakalagay dyan na kung hindi ka tutupad sa napagkasunduan ay magbabayad ka ng one hundred thousand pesos at ire-refund mo ang cost of hiring.”
Napadilat ang mata ni Bernice at tiningnan ang nakalagay doon. Naroon nga ang sinabi ng amo. Laylay ang balikat, tinanggap na lang niya ang kapalaran. Saab siya kukuha ng isandaang libong piso? Lumabas muna siya sa silid ng amo at pinuntahan ang secretary nito para sa briefing
Gerard could not contain his happiness. Nang makalabas si Bernice ay nakahinga siya ng maluwag. Kanina pa naninikip ang kanyang pantalon kahit wala naman itong ginagawa. Kahit sa simpleng get up nito ay apektado pa rin ang sistema niya. He is not a s*x starved man pero binubuhay ng bagong personal assistant niya ang kanyang dugo. Noong nalaman niya na isa ito sa nagpasa ng application ay para siyang nanalo sa lotto.
Mukhang ang pagkakataon na ang gumagawa ng tsansa sa kanyang pantasya. Ang makatikim ng bata batang biyuda! Weird it maybe, but according to rumors ay masarap kaulayaw ang mga biyuda. He is wondering how it feels to be wrapped with her thighs while pleasuring her?
Nagpaalam si Bernice na sandaling uuwi para kumuha ng mga gamit, na sinang-ayunan naman i Gerard. Pinasamahan pa siya nito kay Rolly para mas mapadali ang kanyang byahe.
Nagulat ang amang si Bernardo na biglang sumulpot sa salon ang anak.
“Napauwi ka anak? May naging problema ka sa bagong trabaho?” nag-aalalang tanong nito.
“Hindi Tay, stay in pla dapat ako sa amo ko. Sa iisang compound kami titira kasama ng ilang tauhan din niya. Kukuha lang ako ng gamit at lingguhan ang uwi ko. Sasaglit ako kay Nanay sa talyer mamaya para magpaalam.” Lumingon si Bernice at hinahanap ang kakambal. “Nasaan si Kuya Tay? Bakit hindi ko makita?”
“May pumuntang magandang babae kanina. Nang makita ay kaagad niyang kinaldkad ewan kung nasaan na ang dalawang iyon! Sya mag-empake ka na. Ako na bahala magpaliwanag kay Nanay. Tiyak naman na papayag yon.”
Nag-empake na si Bernice ng mga damit. Kasya lang sa isang twenty kilogram na maleta. nagdala na rin siya ng ilang personal na gamit. Trenta minutos lang ay tapos na siya at kaagad na silang bumalik sa kompanya ni Gerard.
“Ma’am, dito na lang po ang gamit ninyo sa kotse. Sa iisang compound naman na tayo titira eh,”ani Rolly. Nasa kwarenta pa lang ang edad nito. Matangkad ito na medyo mamasel ang katawan. Suot ay polo shirt na abuhin at maong. Nagmumukha tuloy itong bodyguard ng mga pulitiko.
Pagbalik niya sa opisina ng amo ay naroon ang secretary nitong nasa katanghalian na ang edad na si Amy. May mga papeles itong pinapirmahan. Umalis si Amy matapos ang pagpirma ng amo at hinarap siya ni Gerard.
“For a start, we will have an out of town trip this Thursday until Saturday. I will be meeting investors in Palawan, so you better be ready. For today, we will be meeting a Japanese client over dinner,” ani Gerard. Binalik nito ang tingin sa laptop na kanina pa nito ini-scroll.
“OKay Sir.” Lumabas na si Bernice sa opisina ng amo at lumapit kay Amy.
“Ate Amy, bigyan mo naman ako ng pwedeng gawin. Alangan naman na tumunganga lang ako maghapon,” hiling ni Bernice.
“Hindi pwede. Dapat doon ka sa opisina ni Sir. Marami ka naman pwedeng gawin doon. Linisin mo nalang kaya doon. May pantry si Sir at mini kitchen. Tamang-tama baka makalat iyon,” suhestiyon ni Amy.
Kaya, bumalik sa loob si Bernice at nang tiningnan niya ang pantry ay tama nga si Amy. Makalat iyon at mukhang kailangan ng linisin. Hinanap niya ang mga gamit panlinis at inumpisahan na niya ang paglilinis. Inuna ang mini kitchen. Maraming tambak na tasa ng kape at ang lababo mismo ay marumi. Matapos doon ay napangiti siya na naging makinang na ang puting counter top na yari sa marmol. Sinunod niya ang pantry na maraming nakatambak na kape na halos bukas lahat. In-organize niya iyon at ang mga expired na ay inimis. Medyo maalikabok din doon kaya, gamit ang microfiber towel ay pinunasan niya ang kabuuan ng pantry.
Hindi namalayan ni Bernice na lunch break na pala kung hindi kumatok sa sliding door si Gerard ay nbusy pa rin siya sa pag-aayos ng mga kagamitan sa pantry room.
“Come, let's have lunch. Nag-order na ako since busy ka naman sa pag-oorganisa dito ako na pumili ng pagkain mo.”
Chicken ala king at rice ang para kay Bernice. Samantalang pork steak ang kay Gerard. Tahimik silang kumakain. Asiwa si Bernice sa amo, lalo at palagi niya itong nahuhuling nakatitig sa kanya.