FTW9: Hired

1763 Words
Isang nakakatulig na sampal ang nagpabalik sa huwisyo kay Gerard. Napamaang siya at napatingin kay Yna. “Can you at least pretend you like me even just while you are f****ng me?” galit na saad ng babae. “You are fired!” sigaw ni Gerard. Sinapo niya ang mukha na tinamaan ng sampal nito. Ni minsan ay wala pang babae ang nangahas na manampal sa isang Gerard Contreras! Dali-daling sinuot ni Gerard ang mga damit na basta na lang initsa kanina ni Yna. “Pack your things and I don't want to see your face ever again!” banta ng binata. “I will sue you! Kakasuhan kita ng rape!” Dinuro nito si Gerard n ngayon ay tinaas na ang zipper ng slacks nito. “Tingnan ko lang kung hindi masira ang reputasyon mo!” gigil na saad Yna. “Sue me? Sure, bring it on! I have to warn you that this office is heavily equipped with CCTV with an Audio receiver. And the world will know how you screamed and writhed in ecstasy while I screwed your brains out!” mapanghamon na wika ni Gerard. Sa narinig ay namutla si Yna. Akala pa naman niya ay mahahawakan niya sa leeg ang isang Gerard Contreras. Kaya lang naman siya nagtyaga na maging sekretarya nito dahil gusto niyang masubukan ang kamandag nito pagdating sa kama. Tama nga ang hinala niya. Sa mga dumaan na lalaki sa buhay niya ay wala pang makapantay sa expertise nito sa pagpapaligaya sa kama. Kahit naman playboy ang amo ay alam nitong palugdan ang mga babaeng dumaan sa buhay nito. Lahat na yata ng uri ng babae ay natikman na ng amo. Artista, modelo, socialite, anak ng pulitiko, mga kolehiya, mga katulad nitong negosyante, at syempre pa ang lahat ng mga sekretaryang dumaan dito. Nagngingitngit na nagsinop ng mga gamit si Yna. At nang lumabas siya sa opisina ni Gerard ay pinagpyestahan siya ng mga empleyadong nasa mga cubicle. Pero, taas noo siyang naglakad na poise na poise para lang matalisod sa unahan. Bumunghalit ng tawa ang mga naroon at wala man lang tumulong sa kanya ni isa. Nakita tuloy ang suot nyang thong na basa pa ang gitna. ******* Sa salon ng mga Gacho, abala si Bernice sa pagiging assistant ng ama at kapatid. Kung walang raket na pageant si Brendan ay ito ang umaasikaso sa mga kliyente na gusto magpa-makeup. Walang customer kaya naisipan ni Brendan na magbasa ng peryodiko. Bigla itong napatili na siyang kinagulat ni Bernice at Bernardo. “Sister! Mag-apply ka dito oh! Bongga ang sahod! Thirty thousand plus travel incentives plus allowances! Personal assistant ng isang kilalang negosyante,” kinikilig na saad ni Brendan sa kambal. “Sawa ka na ba sa pagmumukha ko at tinataboy mo na ako?” asik ni Bernice sa kakambal. “Sister, mas maganda na ma-expose ang beauty mo. Kaysa maburo ka dito sa salon na puros mga babae ang customer. Aba! Paano na lang ang pangarap nila Tatay na magkaroon ng apo? Apat na beses ng naunsyami!” ani Brendan. “Edi, ikaw na tumupad since may nobya ka naman!” sikmat ni Bernice. “At bakit ako? Nobya? Excuse me! Tinulungan ko lang ang desperadang babaeng iyon! Don’t assume na nobya ko iyon! Teka, nililihis mo ang topic eh! Basta ako na gagawa ng CV mo para siguradong ikaw ang makakakuha ng posisyon,” ani Brendan. Kaya, nang gabing iyon ay abala si Brendan na gumawa ng CV ng kapatid. Wala naman masyadong hinihingi na qualification. Kahit nga high school graduate ay qualified mag-apply. Ang kailangan lang ay attentive at willing sumama sa mga travel ng magiging amo lokal man o international na travel. Nag-print si Brendan ng dalawang set ng CV at ito na mismo naghanda ng lagayan. Nag-email na rin ito sa email address na binigay ng classified ads. Pakanta-kanta itong naghalungkat sa closet ng kapatid para sa susuotin nito kinabukasan. Nang magayak na lahat ay lumabas siya sa kwarto at bumaba sa kusina. Nagluto na kasi ang kakambal ng hapunan. “Sister, hinanda ko na ang attire mo bukas ha. Galingan mo. Sus, kung tumatanggap lang sana sila ng bading eh, ako na siguro ang mag-a-apply. Gusto ko rin maranasan mag-travel ano?” ani Brendan sa kakambal. Lumapit ito sa kalan at binuksan ang kaserola na may lamang ulam atsaka tinikman iyon. “Ansarap sister, pwede ka na ulit mag-asawa! At nang madiligan ka na ulit!” tukso nito kay Bernice “Tse! Nakakapagod din mag-asawa oi. Imagine apat na beses na akong kinasal at puro nangamatay ang naging mga asawa ko,” bumuntong-hininga si Bernice. Napakasakit din ng kanyang naranasan lalo na kay Calvin. Ito kasi ang lubos na minahal niya sa apat na naging asawa. Masaya silang naghapunan ng gabing iyon at sang-ayon ang mga magulang sa naging pagpupursige ni Brendan na magtrabaho siya para maaliw. ****** Kinabukasan ay alas otso pa lang ay nakapila na si Bernice para sa application. Suot niya ang simpleng itim na slacks at puting long sleeve polo na pinatungan ng blazer. Isang two-inch peep toe wedge ang suot niya na sapatos. Light makeup lang ang suot niya na si Brendan pa mismo ang nag-apply. May baon pa siyang tubig, biskwit, at kendi sa itim niyang doctors bag. Bitbit nya lang ang transparent folder na may lamang CV. Napangiwi si Bernice sa suot ng ibang aplikante. Parang hindi personal assistant ang inaapplyan. Ang kakapal ng mga make up at ang mga damit ay masyadong hapit at maiiksi. Mukhang mag-a-apply na hostess kaysa personal assistant. Halos mahilo din siya sa klase-klase ng matatapang na perfume ang humalo sa air conditioned na lobby kung saan nagsilbing waiting area. Nasa bente silang aplikante at pang labingwalo siya. Alas otso y medya na nasimulan ang interbyu Alas dose na ng tanghali at kada bente minutos ay may lumalabas na ang mukha ay hindi ma-drawing. Napaisip siya na masyadong maselan ang magiging amo sa mga aplikante. Kinabahan tuloy si Bernice na kipkip ang CV. “Number 18, ikaw na ang susunod. Pumasok ka sa silid na iyan ang don't forget to lock the door afterwards, understood?” anang naka-assign na tauhan. “Yes Ma'am!” sagot niya pero naguguluhan siya. Bakit ila-lock ang pinto? Tumayo na siya at nang nagbukas ang pinto ay lumabas ang aplikante na sira ang makeup ay sira. Mas kumabog ang dibdib ni Bernice. Naririnig na niya ang pintig ng puso sa kanyang tainga at halos mabingi siya dito. Pumasok siya at isang babaeng may striktang awra ang nabungaran na nakaupo sa isang mesa. Ginawaran niya ito ng kiming ngiti. Tipid na ngiti ang naging response nito. “Take your seat, Miss Gacho.” Minuwestra nitong maupo siya sa katapat na silya at umupo doon si Bernice. “Why should we hire you?” And if ever we hire you, pipirma ka ba ng waiver na hindi mo aakitin ang gwapo at mayaman mong boss?” walang kagatol-gatol nitong tanong. Tiningnan muna ni Bernice ang babae at nakita niya ang apelyido nito sa name plate. “First of all Miss Santos, masinop po ako at masipag. Kailangan sa isang personal assistant na palaging organized sa gamit ng mga amo. Pangalawa po, trabaho po ang gusto ko at hindi po ang mang-akit ng amo,” mahinahon niyang sagot. “You're hired!” “Ho?” tanong niya. “Bingi ka ba? Sabi ko you are hired! Ito, pirmahan mo nga pala patunay lang na ikaw ang na-hire.” Sandaling inabot nito ang isang papel at kagyat na pinirmahan iyon. “Mag-report ka sa Lunes sa address na ito.” Inabot nito ng isang business card at inimis na ang mga gamit. Tumalikod na si Bernice at lumabas sa silid kasunod si Miss Santos. Umuwing masaya si Bernice at nang gabing iyon ay nagluto ng pansit si Brendan bilang celebration sa nakuhang sa trabaho. “Nakita mo na ba ang magiging amo mo sister?” maarteng tanong ni Brendan. “Hindi pa sa Lunes pa kapag nag-report na ako sa address na binigay ni Miss Santos.” Sagot ni Bernice habang abala na ngumunguya ng pansit. “Hindi ka ba natatakot anak? Mamaya manyakis pala ang magiging amo mo?” ani Bridgette sa anak. “Ayan ka naman Nanay eh, tinatakot mo ang anak natin. Hay naku anak akitin mo para naman magkaapo na kami ng Nanay mo. Mukhang wala na yatang pag-asa na magkaroon pa kayo ng kapatid eh! Dalawang dekada na namin sinusubukan hanggang ngayon wala pa rin.” “Yucks Tatay sa harap pa talaga namin yan sasabihin!” maarteng turan ni Brendan. Tumirik ang mata nito sa sinabi ng ama. “Maano at nakakahiya. Baka mamaya malaman ko na lang nakabuntis ka na pala ng babae! Kaya tigilan mo ako Brendan. Ipatuli kaya kita ulit para maging ganap ka ng lalaki!” Natatawa pa ang ama sa huling sinabi nito. Padabog na tumayo si Brendan at pakendeng-kendeng na binitbit ang plato patungo sa lababo. Humarap ito sa pamilya at namaywang pa. “Over my dead body! Hombre ang makakatikim ng aking alindog. Baka tamaan ako ng kidlat kung makahawak man lang ako ng kepyas ng mujer!” Dumuwal-duwal pa ito sa kanilang harapan na siyang naging dahilan upang humalakhak ang tatlo. ******** Lunes ng umaga at maagang nagising si Bernice. Ginawa niya ang morning ritual niya at pagbaba ay may nakahanda ng almusal sa hapag-kainan. Tiningnan niya ang wristwatch niya at ng nakita na maaga pa aay kumain na muna siya. Nagpaalam na siya sa pamilya ng matapos kumain. Pumara na siya ng taxi at nagpahtid sa address na nakalagay sa business card. Eksakto alas nueve ay naroon na siya. Nasa pinakatuktok ang opisina ng magiging amo. Lumapit siya sa receptionist at ibinigay ang appointment letter na binigay ni Miss Santos. Sandali nitong sinuri ang liham at tinignan sa computer kung may appointment schedule nga. “Miss Gacho, sa right elevator po kayo sumakay iyong kulay Gold. Diretso na po kayo sa penthouse.” Nakangiti ang receptionist na muling inabot ang liham sa kanya. Binaybay na niya ang pasilyo at sumakay sa elevator. Iisa lang ang button na nakalagay na ‘penthouse’. Tumunog ng elevator at lumabas na siya. May butler na nakaantabay sa bungad ng penthouse. Yumukod si Bernice dito at pinagbuksan siya ng pinto. “Sir, andito na ang bago ninyong personal assistant,” anang butler. Mula sa isang swivel chair ay dahan-dahan na pumihit ang nakaupo doon na tinawag ng butler na ‘Sir’. Napaawang ang labi ni Bernice sa huling taong gusto niyang maging amo. Si Gerard Contreras!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD