CHAPTER THREE

1605 Words
MARAHANG PINAGMASDAN NI CLYMENIA ang kaibigan na si Eurydice habang naglalaro ng volleyball kasama ang mga kaklase nito sa open-space court. NSTP subject nito ngayon at volleyball ang nakatuka sa mga babae, habang sa mga lalaki naman ay ang kinahihiligang basketball. Nakaupo siya ngayon sa isang bench habang nagmumu-muni at babalik ang atensyon sa mga kaklase ni Eurydice. Napag-isip ni Clymenia na puntahan ito. Wala rin kasi siyang klase nang magpaalam ang kaniyang propesor na mayroong urgent meeting. Hinablot niya ang bag sa gilid at binuksan. Kukunin na sana niya ang notebook sa Trigonometry na may kinalaman sa kursong BS in Pure Mathematics nang lumapit si Eurydice at binati siya “Tapos na laro n’yo?” tanong ni Clymenia rito. “Hindi pa. Bakit pa kasi may practicum? O, ba’t ka pala narito? Kinukulit ka pa rin ba ni Bebe Jhare?” natatawang tanong nito. Napailing siya at iimik na sana nang may naamoy siyang pabango na sobrang pamilyar sa kaniya. Memoryado niya na ang amoy na ‘yan sapagkat lagi siya nitong nilalapitan at pilit na kinakausap. “Sa lahat pa ng mapupuntahan niya, dito pa talaga?” wika niya sa isip. “Hi,” bati ni Jhare na siyang dumating. Nakatayo siya sa kanang parte ni Clymenia at nakaukit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Huminga nang kaylalim-lalim si Clymenia bago niya ito tingnan. “Alis muna ako, ah,” nakakalokong ngiting ani Eurydice bago naglakad palayo. “Bakit na naman?” bagot niyang tanong dito. Pinagpag muna ng binata ang pantalon bago tuluyang naupo. “Wala lang, Clymenia.” Napangiwi siya. “Jhare, naman. Pakiusap, huwag mo akong tawagin sa pangalan ko. ‘Menia’ is enough There’s no such things as friends between us. I am sorry for being rude, but I can’t help,” masuyo niyang saad dito upang hindi na mapahaba ang usapan. Biglang kumirot ang puso ni Jhare, pero itinago nito sa paraang pagngiti. “Puwede naman kitang maging kaibigan, ah. ‘Tsaka magkaklase rin tayo,” sagot nito. “Jhare…” Kahit anong pilit niyang pagsabihan itong huwag banggitin ang pangalan niya ay wala na siyang magagawa pa. Ikalimang beses na ito kung bibilangin. Tila ba nasa bokabularyo na nito ang pangalang ‘Clymenia’ na lagi nitong iniisip tuwing gabi. “Puwede na ang ‘Cly’ o ‘Menia’ ang pagtawag mo sa a—” “But I love calling you like that. Itutuloy pa ba natin ang debatehan tungkol diyan? Just let me call you ‘Clymenia’. It is good, though. Please, Clymenia?” sinserong pakiusap nito. Napakurap siya nang ilang ulit. Ang isang ‘Jhare Olesco’, nakikiusap sa kaniya? Napaka-imposible naman yata iyon. Tinitingala ang binata dahil sa magandang hitsura nito sa panloob at panlabas, idagdag pa na anak ito ng gobernador. Kaya ganoon na lamang ang pag-iwas ni Clymenia sa binata. Dahil ang ama nito ang muntikan nang pumatay sa mga magulang niya. Napaisip siya. Hindi dapat maapektuhan ang relasyon nilang dalawa bilang magkaklase at kung maging magkaibigan sila, dahil sa nangyari sa nakaraan. Napakalawak talagang mag-isip ni Clymenia. Hindi niya pinanghahawakan ang isang banda. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay at pinasadahan ng tingin ang mga babaeng pasulyap-sulyap sa kanila. Paniguradong magkakaroon na naman ng isyu bukas. “Jhare,” panimula ni Clymenia. “E, kasi naman… mataas ka kung tingnan ng mga tao. Ayaw ko namang magkaroon ng isyu sa katulad mo,” prangka niya. “’Tsaka try to think of a situation na magkausap tayo, baka mapagkamalan pa akong malandi.” Bumuntong-hininga ito sa isipin noon na bakit ayaw niya itong kausapin ay dahil sa social status nila na kailanman ay hindi sumagi sa isip ni Clymenia. “Bakit ka nag-iisip ng ganiyan? E, ano ngayon kung mag-usap tayo? Tell me if someone says na malandi ka,” inis na tugon nito. “Ganoon naman kasi ‘yon, Jhare. Mag-uusap lang, isyu. Magkatabi, isyu. Magkasamang maglakad, isyu. Lahat na lang ay isyu. Hindi ka makakalagpas sa mga isyu na ‘yan kahit magkaibigan lang,” tugon niya. Nawala ang inis nito at napangiti nang palihim nang may naisip. “E, ‘di huwag na lang kaibigan. Kung ano ang tingin ng mga tao sa atin, we will just act like it,” biro nito at natawa sa huli. Sa oras na ito, nakiramdam si Clymenia sa kung ano ang naramdaman niya sa sarili. Inaamin niyang may kumurot sa kaniyang puso na ‘di niya maipaliwanag. Bahagya siyang napangiti at kalaunan ay ibinalik ang seryosong mukha. “Okay, Jhare. I give up. I’ll let you be my friend. Wala na rin akong magagawa. ‘Tsaka bilang din ang mga kaibigan ko, why not add anyone?” aniya at inabot ang kamay. Napakagat-labi ito at tumalbog ang puso nang husto dahil sa wakas ay magiging kaibigan na siya nito. At may jackpot pang shake hands. Kukunin na nito ang pagkakataon para mahawakan ang maputing palad ng dalaga. “I am Jhare Olesco. Thank you for accepting my friend request.” Natawa silang dalawa at agad na nakapagpalagayan ng loob. NAGING MAINGAY ANG PANGALANG ‘ClyRe’ sa Unibersidad ng Petrarchan. Matapos nilang mag-usap noon ay tumunog na ang usap-usaping mag-on na raw sila na ikinagulantang nila nang husto. Kabadong-kabado lagi si Clymenia sa tuwing napapatingin sa kaniya ang mga kapuwa niya estudyante. Samantalang si Jhare naman ay nagkibit-balikat na lang sapagkat gusto rin nito ang ideyang mag-on na silang dalawa. “Knock… knock…” pagbubukas ni Jhare ng usapan pag-upo nila ni Clymenia. Kasama nila si Eurydice na kasalukuyang nakapila sa lunch counter upang bumili ng pagkain. Nahihiya man si Clymenia na si Jhare pa ang nanlibre sa kanila. Kahit na maykaya amg pamilya ni Eurydice ay inisip niyang mas masarap ang pagkain kung libre. “Ha?” usal ni Clymenia. “Knock… knock…” diin nang sabi ni Jhare. “What should I answer? Bukas ang pinto? O sarado?” inosente niyang tanong dito. Kahit kailan talaga ay walang alam ni isa ang dalaga sa mga biro o banat. Ang alam niya ay mag-aral nang mag-aral. Nasapo ni Jhare ang sariling noo at hindi makapaniwalang tiningnan si Clymenia. “Talagang itatanong mo sa akin ‘yan? Wala ba sa bokabularyo mo ang banat? Naku, Clymenia, nakakatampo naman, o,” kunwari namang nagtatampong tugon nito. “E, hindi ko nga kasi alam,” naka-krus ang mga kamay na pahayag niya. Hindi iyon senyales na naiinis o nababagot siya. Iyon ang signature post niya o ‘di kaya ay magkasalikop ang mga kamay sa tuwing may kausap siya. “Just answer me, ‘Who’s there?’ As simple as that, okay?” Inayos ng binata ang bag sa kandungan at inilapit ang upuan kay Clymenia. Kahit anong pilit ng dalaga na hindi siya nagu-guwapuhan sa binata ay hindi niya pa rin maiwaksi sa kaniyang isipan ang mukha nito tuwing gabing lumilipas. Lagi rin niyang dala ang ngiti sa mga labi pag-uwi sa bahay. Lalo pa ngayon na bagsak ang mga takas na buhok sa kanang bahagi ng noo nito na nagpadagdag sa hitsura nito. Lagi ring inspiradong mag-aral si Clymenia. Inspirado naman siya noon—nadagdagan lang ngayon nang makilala si Jhare. Hindi man niya aminin ay gusto niyang makasama ang binata sa araw-araw. “O—okay,” nauutal niyang tugon nang makitang sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. “Knock… knock…” “Who’s there?” pababang tonong sagot niya. Napangiti naman si Jhare at napakagat ang labi. Hindi nito kasi alam kung kaya nitong kantahin ang kanta nang hindi matatawa. “Clymenia…” pigil-ngiting sabi nito. Napatigil naman ang dalaga at tiningnan nang nagtatanong ang binata kung ano ang isusunod na isasagot. Napasintak ito at napakamot ng ulo dahil sa inasta niya. Kung hindi lang siya nito gusto ay iiwan na lang nito ang dalaga. “Clymenia, who?” pagsagot ni Jhare sa mapagtanong niyang tingin. “Okay! Clymenia, who?” nakangiting aniya. Napalunok si Jhare nang ilang ulit dahil sa ngitining iginawad ng dalaga para rito. Kahit kailan talaga ay bihag pa rin ito ng ngiti ni Clymenia. “Billie Jean is not Clymenia. She's just a girl who claims that I am the one,” pagkanta nito, labas ang mga mapuputing ngipin. Magaling kumanta si Jhare. Kasama ito sa isang banda ng unibersidad, kaya halos lahat ng mga kababaihan ay iniidolo ito. Hindi lang kasi mukha ang maipagyayabang nito, pati ang malambing at malamyos nitong boses. Sampung segundo ang nakalilipas, ngunit wala pa ring ipinapakitang reaksyon si Clymenia. Unang-una ay ninanamnam pa niya ang boses ng binata. Tila ba nagfla-flashback sa kaniyang isipan ang boses nitong kalugod-lugod at dulse. Ikalawa ay kung paano nito inilapat ang pangalan niya sa liriko ng kanta. “Hindi ka lang natawa?” usisa ni Jhare na ‘waring nasasaktan sa tingin ni Clymenia na para bang hindi man lang tinamaan sa banat nito. Pero sa isang seryosong tingin, nakatago roon ang kakiligan na nararamdaman. Ayaw niya kasing magbigay ng motibo sa binata na gusto niya ito. “Ha? May nakakatawa ba ro’n? Kay Michael Jackson ‘yon, ‘di ba?” inosente niyang tanong. Napakurap si Jhare at kumunot ang noo. Ganoon na ba talaga ka-inosente si Clymenia kung kaya’t hindi niya maintindihan ang kahit na anong banat ng binata? Kahit na sinong pagsasabihan ng ganoon ay talagang kikiligin. Kinilig naman si Clymenia, hindi nga lang niya ipinakita. Kasabay pa niyon ang ngiti nitong matamis na kinahuhumalingan ng sandamakmak na babae. “Wala. Hindi pala nakakatawa ‘yon. Hintayin na lang natin si Eurydice,” walang-emosyon nitong sabi, habang ang tingin ay nakapukaw na sa ibang dako ng lunch counter. Nagtatampo ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD