CHAPTER TWO

1756 Words
TAHIMIK NA NAGLALAKAD si Clymenia patungong Registrar’s Office ng Unibersidad ng Petrarchan na pinagpasyahan niyang mag-aral bilang kolehiyo. Dumungaw pa siya sa mga kumpulan ng mga kapuwa niya mag-aaral na halos mawalan na ng boses dala ng lakas ng kasisigaw. Ito ang unang araw ng enrolment para sa kaniyang pagiging freshman. Mabuti na lang at full sholarship ang na-grant niyang scholarship program para sa kaniyang pag-aaral. “Good morning, ma’am,” bati niya sa isang middle-aged woman na nakasuot ng dilaw na uniporme. Nakaupo ito sa swivel chair habang hawak ang isang lapis sa kanang kamay nito. Nakakrus ang mga kamay na tumingin ito sa kaniya. Mrs. Fhro ang nakalagay na pangalan sa name plate nito. “Good morning! Have a seat,” pag-aya nito. “Ma’am, puwede ho bang makuha ko ang assessment sheet?” pakiusap ng dalaga. “I’ve finally found you,” bulong nito na hindi klarong narinig ni Clymenia. “Po?” tanong niya upang ulitin ng ginang ang sinabi. “Nothing.” Tumayo ito at naglakad malapit sa may drawer at hinugot doon ang isang papel. “Heto.” Kinuha naman niya ang papel na ibinigay nito at nagpasalamat. Bago pa siya makalabas doon ay tumingin muna siya sa babae na nakangisi. Nanindig ang balahibo niya dahil doon. Nagtungo siya sa Sophomore lawn upang hintayin ang kaibigang si Eurydice na isang second-year college student. Nakatayo lamang siya sa tabi ng isang puno at pinagmasdan ang mga kapwa niyang estudyante na nagkukumpulan malapit sa waiting shed ng unibersidad. “Uy, Clymenia. Tulala ka diyan. Ano’ng mayroon?” sulpot na tanong ni Eurydice. Maikli ang buhok nito na hanggang balikat lang, hindi katangusan ang ilong, bilugan ang mga mata, hanggang tainga ni Clymenia ang tangkad nito. “Ha? Wala…” Tumigil siya nang maalalang muli ang ngising nakaukit sa labi ng babae kanina. “May naalala lang. Tara na!” Tumango lamang ito at takang nagtanong, “Anong mayroon do’n?” Upang makiusisa sa mga naroon ay patakbo itong nagpunta at hindi lang pinakinggan ang kaibigan. Bagot siyang sumunod at tinawag ang kaibigan na ngayon ay nakikisingit sa kumpulan. Lumingon naman ito at sumenyas na maghintay muna. Tutal ay nakikisiksikan pa ang kaibigan sa hindi malamang dahilan ay naglakad-lakad lang muna siya malapit doon para malibang ang sarili. Wala rin kasi siyang cell phone na makalikot kaya hangga’t maaari ay ganito na lang ang gawin niya. Lumakas pa ang sigawan ng mga kababaihan na tila ba kinikilig sa nakikita. Imbes na pasamadahan ni Clymenia ng tingin doon para malaman kung ano ang nangyayari ay pinili niyang huwag na lang pansinin iyon. Wala talaga siyang pakialam! Mayamaya pa ay tumigil ang sigawan na ipinagpasalamat niya. Napabuga siya ng malalim na hininga dahil kahit sa sandaling yaon ay tumahimik ang lugar. Subalit, laking gulat niya nang may bumusina sa likod niya at halos magpatalon siya at atakehin sa gulat. Halos manliit at mamuti naman ang mga mata ng lalaki na nasa loob ng itim na kotse na nagkataong si Jhare sa kahihintay na tumabi ang isang mestisang babae sa dinaraanan nito. Samantala, hinarap naman ni Clymenia ang kotse. Isa ito sa mga hinahangaan ng mga nakakakilala sa kaniya; tahimik man ay matapang ang personalidad. May namuong inis sa kaniyang loob-loob dulot na rin ng takot na naramdaman niya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kapag bigla na lang may bumusina nang wala man lang sa oras? Dahil tinted ang glass window ay hindi niya maaninag nang lubusan ang taong nasa loob. Sa kabilang banda, ngumisi nang hindi maipaliwanag si Jhare nang tuluyang mapagmasdan ang mukha ng mestisang babae. It was her! His crush since then. Clymenia. Sadyang pinagtagpo sila rito sa Unibersidad ng Petrarchan dahil sa ikalawang pagkakataon ay nagkita mula sila bilang college students. Upang matapos ang namuong eksena ay dahan-dahan nitong binuksan ang pintuan ng kotse na ikinatili ng marami. Napaawang ang bibig ni Clymenia nang makita ang binata. Sikreto siyang napangiwi at tiningnan nang masama si Jhare. Sariwa pa rin sa isip niya ang pagtawag nito ng ‘Clymenia’ sa kaniya. Simula noong nagpumilit si Jhare na tawagin siya sa kaniyang pangalan ay hindi niya na ito pinansin pa. Una ay hindi siya komportable rito. Ikalawa ay dumami ang bashers niya. At ngayon, masasabing mapaglaro ang tadhana. “Magpapakamatay ka ba?” pag-aktong inis na tanong ni Jhare. Ngunit ang totoo ay natutuwa ito. Ang ganda pa rin kasi ni Clymenia—gumanda pa nga ngayon. Poker face lamang siya gaya dati na tila pinapakita ang kawalang intresado sa nangyari. “Ako? Magpapakamatay?” seryosong responde niya. Kung kaya lang magmura ni Clymenia ay ginawa niya na. Pero dahil may prinsipyo siya sa paraang hindi pagmumura ay hindi niya magawa. “Ang luwang ng da—” Napatigil siya nang mapansing nasa pinaka-gitna na pala siya ng daan. “Ano?” ngising tanong ni Jhare. Pinagsalikop ni Clymenia ang mga kamay at naglakad nang paunti-unti sa binata. Kung susumahin ay may isang libong estudyante ang nag-aaral dito. Kaunti lang kumpara sa mga unibersidad sa siyudad. Isa pa, maganda ang kuwalidad ng pagtuturo rito. “Hindi mo ba alam na doon ang parking area?” tanong niya sabay turo sa kaliwang bahagi ng paaralan na kumpulan ang mga sasakyan. “E, ayaw kong maglakad. Mas malapit, mas maganda. Hindi na ako mapapagod, tama ba?” kontra naman ni Jhare. “Sino ka ba rito?” Saktong tiis lang ang ginawa ni Clymenia dahil sa pagpatol nito sa kaniya. Ayaw niya na sanang patulan, pero dahil sa angas nito ay napilitan siya. “Ako lang naman ang bibihag sa puso mo,” bulong nito sa kaniyang tainga. Seryoso lang ang mukha niya at hindi lang tinamaan ng kilig sa sinabi nito. Ano ang kakilig-kilig doon? E, si Clymenia ‘to. Wala sa bokabularyo niya ang kiligin. “Tapos?” Napabuga siya ng malalim na hininga at aalis na sana nang hawakan siya nito sa braso. Hindi malaman ni Clymenia ang dahilan ng may elektrisidad ang dumaloy sa balat niya. “Okay… sorry. Hindi ko naman sinasadya, Clymenia, e. Ba’t ka kasi nandoon sa gitna kanina?” Muli, narinig niya ang pangalan na binanggit ng binata. Sa kabila n’on ay hindi pa sanay si Clymenia na tawagin siya ng ganoon, lalo pa’t si Jhare iyon, hindi niya kilalang lubos. Pinagmasdan niya ang mukha nito, pagkatapos ay tumalikod. Ayaw na niyang makipag-usap sa ngayong binanggit na naman nito ang pangalan niya. Nakakaramdam siya ng awkwardness sa tuwing tinatawag siya sa pangalan. “Clymenia,” mahina’t muling tawag nito na hindi na niya pinansin pa. Nasaktan si Jhare, pero naisip nitong wala lang sa mood ang dalaga dahil sa gulat. “Gotta see you soon!” HINDI MATIGIL SA KATITILI si Eurydice habang naglalakad sila papuntang park ni Clymenia. Sa pag-alala ng nangyari noong nakaraang araw ay nagbigay rito ng tuwa. Sabado ngayon at napagpasyahan nilang lumabas. “Clymenia, suwerte mo talaga,” nakangiting sabi ni Eurydice. “Anong suwerte roon? Halos patayin ako sa gulat ng lalaking ‘yon. Nakita ko na nga ang liwanag, e,” ani Clymenia. Ibinigay niya ang biniling fishball dito at kinain ang kaniya. “Naku, Clymenia! Hindi mo ba siya kilala? Mag-classmate kayo no’ng high school, ‘di ba? Ang pogi kaya niya. Matipuno rin ang katawan, maporma, ‘tsaka matalino. Saan ka pa?” nahuhumaling nitong saad. “Kilala ko, siyempre. Pero hindi ako nagu-guwapuhan sa kaniya, ‘no,” kontra niya. “Bulag ka na talaga.” Binatukan siya nito sabay takbo. “Baliw. Kadiri lang sa lalaking ‘yon. Feeling niya siguro, guwapo siya,” mahinang usal niya bago siya sumunod kay Eurydice na ipinagpatuloy ang pagkain ng fishball. Inihatid ni Clymenia ang kaibigan sa bahay ‘tsaka gumayak na rin para umuwi. Parang nakatatandang kapatid na niya si Eurydice. Kahit na mayaman ito ay pinili pa rin nitong makipagkaibigan sa tulad ni Clymenia. Labing-walong taon na ito, mas matanda ng isang taon sa kaniya.  Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya ang kaniyang mga magulang na tahimik na nag-uusap sa labas habang nakaupo sa pahabang silya. “’Nay, ‘Tay, narito na po ako,” pagbati niya sabay kuha ng kamay ng mga ito at nagmano. “Kaawaan ka, anak!” ani Fam. “Kumain ka na ba?” tanong ni Rey sa anak. Tumango siya at ngumiti. “Opo, fishball,” tugon niya. “Naku naman, Clymenia. Huwag mong tipirin ang sarili mo,” mababang tinig ng ginang. “Sayang naman po kung sa mamahalin pa ako bumili ng pagkain. ‘Tsaka masarap po ang streetfoods,” sagot naman niya. “O, siya sige. Tumungo ka sa loob. May biscuit doon. Kumain ka muna,” patapos na sabi ng kaniyang ama. Tumango na lamang si Clymenia at pumasok. Dala na rin ng pagod ay naupo siya at napatingin sa kawalan. Nang maalala ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Jhare noong isang araw ay marahan siyang natawa. Inaamin niyang may kasalanan din siya dahil nakatayo at nakaharang siya sa gitna ng daan. Kahit hindi man niya aminin sa sarili ay pumogi ang binata. Ipinagkakaila lang niya sa sarili. Pero hindi naging motibo iyon para kiligin na siya sa sinabi ni Jhare. Pakiwari niya ay isa lamang iyong pagtatagpo at hindi na masusundan pa. Kahit na isang paaralan lang ang kanilang pinapasukan ay sisiguraduhin niyang hindi magtatama ang tingin nilang dalawa. Kanina, habang pinagmamasdan ni Clymenia ang mukha ni Jhare ay sinisiyasat niya na itong mabuti—kung may nagbago ba o wala. Bagsak pa rin ang buhok ng binata na may takas na buhok na tumatakip sa kaliwang bahagi ng noo nito. Mamula-mula ang mga labing kumikintab dahil sa p*****a nito kanina. At ang mga mata nitong sakto ang laki na may asul na kulay. Mahaba ang mga pilik-mata at maitim ang kilay. Matangos ang ilong at sakto ang pagkakurba ng panga. Halos wala ring makitang tigyawat at maliit na butas sa mukha nito. Napailing si Clymenia at ipinagkibit-balikat na lang ang naisip. Masyado siyang nahihibang at nalulunod sa paggunita sa mukha ng binata. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling kay Jhare? Kung titingnan ay pasadong-pasado na ito sa mukha, idagdag pa na matalino ay pogi points iyon. Mayaman din ito at magaling manamit. Talo nito ang artista kung magmodelo. Bilang karagdagan na rin ay maganda ang katawan nito ayon na rin sa mga litratong pinapaskil sa social media. Pero isa lang ang iniisip ni Clymenia: hindi siya magpapadala sa binata, bagkus ay pagbubutihin pa ang pag-aaral upang hindi mawala ang kaniyang scholarship. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD