Kabanata 5

3641 Words
Sobrang bait ni Aleng Marites sa’min ni Lemuel. Pinakain, binihisan, at pinatulog niya kami sa buong araw. Hapon na akong bumangon sa higaan na ibinigay niya. May isang bakanteng kwarto lang sila kaya dito kaming dalawa ni Lemuel. Wala namang problema sa’kin kaso si Lemuel… “Sa labas ako,” sabi niya lang sa’kin at isinarado ang pintuan na may kurtina. “Huh?” naguguluhan kong tanong pero pumunta na siya sa labas ng kwarto at doon yata matutulog sa sala kung saan may kahoy na mauupuan. Napabuntung hininga na lang  ako at hindi na nakipag-argumento pa. Hindi naman kami ganoon pa ka-close. Nakaraang araw lang kami nagkakilala at utang na loob ko ang buhay ko sa kanya. Nang pumunta ako sa sala ay hindi ko na nakita pa si Lemuel na natutulog. Nakita yata ni Aleng Marites ang reaksiyon sa mukha ko kaya sinabihan niya ako na inutusan niya si Lemuel na mangahoy sa gubat. “Po?!” gulat kong tanong. Pina-pangahoy niya si Lemuel sa gubat? Marunong ba yun? Alam niya ba ang daan? Paano kung maligaw siya doon? “Tapos na siyang mangahoy, hija. Nasa labas na siya,” natatawang sabi ni Aleng Marites sa’kin at wala akong sinayang na oras upang kumaripas ng  takbo papalabas ng bahay. Doon ko nakita si Lemuel na nagtitigbas na ngayon nang nakuha niyang kahoy. Napasinghap ako nang sumulyap siya sa’kin habang ginagawa iyun, naramdaman yata ang presensiya ko. Mariin lang ang kapit ko sa kahoy na pintuan habang nakipagtitigan sa kanya. Nagsimula akong maglakad papalapit sa kanya at umupo sa kanyang harapan. “Lemuel..” bulong ko at pagtawag sa kanyang pangalan. Tumango lang siya para ipaalam na narinig niya ako. Psh. Sungit. “Kailan ta’yo aalis dito?” tanong ko. Napatigil siya sa kanyang ginagawa. “Bumalik si Teodoro?” tanong niya sa’kin, galit na galit ang kanyang mga mata. “Huh?” Bakit niya ininungkat ang pangalan ni Teodoro? “Did he came to the house again so you’re too anxious and wants to get out of this place?” Ah, kaya pala niya nasabi iyun. Napailing ako ng ilang beses at ipinakita pa ang kamay ko na hindi iyun ang sinasabi ko. “Hindi naman. Nagtanong lang ako kasi… kasi… nakakahiya kay Aleng Marites na pumarito, eh.” “If you feel too shy to live in her house, why not go and help her do the chores?” masungit niyang sabi sa’kin at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Sungit! “Gagawin na nga,” inis kong tugon sa kanya at tumayo na. Nagtatanong lang, eh! “By the way…” Napatigil ako sa paglalakad pabalik sa bahay nang tinawag ako ni Lemuel. “Hmmm?” “If Teodoro came back… tell me,” walang emosyong boses niya sa’kin. Tumango na lang ako. “Okay.” Napangiti ako sa kaloob-looban ko dahil ewan ko ba, feeling ko nag-aalala siya sa’kin. O baka naman may trust issue lang talaga ang lalaking ito? Well, I felt safe and secure when I’m with him. That’s for the best. “Ako na po diyan, Aleng Marites…” sabi ko sa kanya at kinuha ang plato sa kanyang kamay. “Naku! Bisita ka namin dito! Ako na!” nakangiti niyang sabi sa’kin at itinuro lang ang kahoy na upuan sa gilid niya. Nasa kusina kaming dalawa at nagulat ako nang may nakitang nakaupo doon. Isa itong pandak at malaki ang tiyan na lalaki. Mukha naman siyang mabait… “Sige na, Amethyst. Akon a dito, doon ko na-Ay! Delfo! Nandiyan ka na pala…” gulat na sabi ni Aleng Marites at hinugasan ang kanyang kamay sa sink at kinuha ang braso ko. Pinaupo niya ako sa upuan kasama ang lalaking may pangalan na ngayon. “Ames, ito nga pala ang asawa ko. Si Delfo.” Nakangiti na ngayon si Delfo sa’kin at nakipagkamay sa’kin. “Tawagin mo ‘kong Tiyo Delfo,” sabi niya sa’kin. “Sige po, Tiyo Delfo. Ako nga po pala si Amethyst Buenaventura. Tawagin niyo po akong Ames,” nahihiyang sabi ko sa kanya. “Taga saan ka’yo, hija? Mukhang hindi ka’yo taga rito..” “Naku! Delfo, kung alam mo lang ang sinapit ng dalawang to…” Nagsimula na ngayong magkuwento si Aleng Marites sa kanyang asawa tungkol sa nangyari namin ni Lemuel. Tumango-tango lang si Delfo sa kinukuwento ng kanyang asawa. Ako naman ay napatahimik lang sa gilid at hindi makapagsalita. “Kung ganoon… dito muna ka’yo titira?” tanong ni Tiyo Delfo sa’kin. “Ah,” bulong ko. Nangapa-ngapa ako nang maisasagot sa kanya pero hindi ako makasagot. May nagsalita sa likod ko at kinuha ang upuan sa gilid. “Pansamantala po muna kaming titira dito, kung okay lang sa inyo…” si Lemuel. “At sino naman ito?” tanong ni Tiyo Delfo sa’min. “Lemuel,” matipid na sagot lang ni Lemuel. Hindi ko kailanman narinig na sinabi niya sa’min ang kanyang surname. Hmmm, mukhang ayaw niyang ipaalam. “Magkaano-ano ka’yo ni Amethyst?” tanong ni Delfo. Inunahan ko na ito dahil ayokong mapagkamalan na naman kaming magkapatid. “Ah, kagaya ko lang po siya sa’kin… na survivor ng plane crash. Nagkakilala lang din po kami nang nagising ako pagkatapos…no’n.” “Ah, so hindi ka’yo magkapatid? Sinabi kasi sa’kin ni Teodoro na may magkapatid na kinupkup etong asawa ko.” Napangiti naman si Aleng Marites. “Magkapatid man o hindi, ituturing ko na ka’yo bilang mga anak ko!” Pumapalakpak na sabi ni Aleng Marites. Napanganga ako dahil sa kanyang sinabi. Tumikhim si Lemuel at mukhang naiilang sa sinabi. “We will leave as soon as I contact someone from the city to fetch us. May pulisya po ba dito o mga taong nagtatrabaho sa opisina?” “Naku! Walang ganyan dito, hijo. Noon, meron, pero may nangyari kasing gulo noon dahil sa mga taong iyun kaya napagpasiyahan ng buong komunidad na hindi na namin sila kailangan.” That must mean wala talagang makakatulong sa’min dito. Dito na ba ako habang buhay? Hindi ko kaya… Kaagad akong napakapit sa braso ni Lemuel dahil sa naisip. Napasinghap naman ako nang matalim niya akong tinignan, kaya kaagad kong kinuha ang kamay ko doon sa kanyang braso. “I’ll still try to find someone. Do you have cellphones here?” tanong ni Lemuel kay Tiyo Delfo. “Kung ang ibig mong sabihin ay iyung  hugis-parihabang bagay na teknolohiya ay mayroon. Kaso isang beses sa isang taon lang pumupunta ang Don dito sa komunidad.” “Po? Don?” tanong ko sa kanila. “Oo, hija. Si Don Jacinto ang tumutulong sa’min dito. Taga syudad iyun, at bihira lang ang pamilya niyang pumunta rito. Isang beses sa isang taon. Minsan nga, hindi sila nakapupunta rito. Kapag dumating naman sila rito, para tuloy fiesta ang buong komunidad. Mabait ang pamilya ng mga Jacinto. Baka matulungan nila ka’yo, Lemuel.” Napatingin si Aleng Marites kay Lemuel at tumango sa sinabi. “Sige, salamat. Pansamantala po muna kaming titira dito ni Amethyst. Kung okay lang sa inyo?” may respetong tanong ni Lemuel kay Aleng Marites. Napangiti naman nang malaki si Aleng Marites at kinuha ang kamay ni Tiyo Delfo. “Ikinagagalak naming patirhin ka’yo rito sa pamamahay namin, hijo. Di ba, Delfo?” Napatango nama si Tiyo Delfo. “Oo, tsaka wala din naman kaming anak..” Malungkot na ngumiti na ngayon si Aleng Marites. “Sa kasamaang palad, sinabi ng manggagamot dito na hindi ako magkakaaanak pa dahil may problema raw ang matres ko.” Natigilan ako sa kanyang sinabi at gusto kong mapasaya man lang si Aleng Marites dahil hindi madali ang pinagdadaanan niya. My mom was that too. Sinabi ng kanyang doctor na wala nang pag-asa pang magkaanak sila ni Daddy dahil may bukol sa ovaries si mommy. But then a miracle happened, and now… they have me. Dumaan ang ilang araw at doon na nga kami pansamantalang tumira ni Lemuel. Naiinis ako sa kanya dahil kapag nakatulog na ako sa kwarto ay aalis naman siya para doon na matulog sa sala. Isang gabi, akala niya ata tulog na ako kaya lumabas na siya sa kwarto namin para i-prepare na ang kanyang unan at kumot sa kawayan na upuan. Pero nang makita niya akong nagdadala rin ng kumot at unan at walang pasabing natulog sa sahig, sa gilid kung nasaan siya, ay doon na siya nagprotesta. “Ame, what are you doing?” tanong niya sa’kin. Hindi pa rin ako nagsasalita at inaayos na ang kumot ko para doon matulog sa sahig, sa gilid niya. “You wouldn’t want to sleep with me,” bulong ko habang nakapikit na ngayon ang mga mata. “That’s because I want you to have the bed all by yourself,” bulong niyang sagot. “We can share,” mariin kong sagot at nakabuka na ngayon ang mga mata. “I can’t,” bulong niya. “Huh? Why?” tanong ko at tinignan na ang kanyang mukha. Natutulog na ako sa sahig habang nakaupo pa rin siya ngayon sa kanyang inuupuan at nakatitig sa’kin. “I just can’t,” inis niyang sabi sa’kin. “Okay…” bulong ko na lang at gusto ng matulog. “What are you still doing here? Get up. Pumasok ka na sa kwarto mo,” utos niya sa’kin. Hindi ako sumagot at nagpanggap na natutulog na. “Stop acting like a child,” mariin niyang boses. “I’m not  a child! I’m seventeen!” bulong kong asik at nakapikit pa rin ngayon ang mga mata. Crap. Dapat pala tulog na ako. Ayan tuloy! Nalaman na niya! I heard him chuckling. “See? You’re not sleeping. And you’re being childish.” “I said I’m not a child!” bulong kong sabi sa kanya. “Tsh. For me, you are,” masungit niyang bulong at nagpakawala ng buntung hininga. “Sure ka bang dyan ka matutulog?” tanong niya sa’kin at tumango na lamang ako. “Fine, then. Huwag mo akong gisingin kapag nilamig ka na naman.” Naparolyo ang mga mata ko at bumaling sa kanan upang hindi makita ang pagmumukha niya. Hindi nagtagal ay nakatulog na ako ng mahimbing… hindi kagaya noong mga nakaraang araw na ako lang mag-isa. Ganoon ang sitwasyon namin ni Lemuel kada-gabi. Sina Aleng Marites at Tiyo Delfo naman ay maagang gumising at maaga ding matulog kada-gabi. Wala namang sinabi sa’min si Aleng Marites kung bakit kaming dalawa natutulog ni Lemuel sa sala, eh, mayroon namang kwartong bakante. Sa gabing iyun, doon pa rin ako natutulog. Pawang buntung hininga lang ang iginawad sa’kin ni Lemuel dahil ayaw niya pa rin sa ideya na nandoon ako natutulog. Wala siyang magagawa dahil ginusto ko iyun. I just want someone near at me while sleeping. Hindi ako nakatutulog ng maayos kapag mag-isa lang ako sa kwarto. Hindi kagaya ng ibang gabi kung saan nag-aasaran kami ni Lemuel bago tuluyang matulog, sa gabing ito ay tahimik lang kaming dalawa. Pareho na may iniisip. Gusto ko siyang tanungin kong may fiancée ba siya o asawa na baka naghihintay na sa kanya ngayon. He looks like someone who is bound to marry a sophisticated woman. Iyung katulad din niya, mayaman at may mataas at impressive na educational background. Saan kaya siya nakatira? Ang dami kong tanong, pero nahihiya akong itanong sa kanya iyun. Nakatulog ako dahil sa kakaisip at naalimpungatan dahil sa sobrang lamig, pero ramdam ko ang pawis na dumadaloy sa likod at sa noo ko. Nang minulat ko ang aking mga mata ay nakita kong nasa loob na ako ng kwarto. Someone carried me inside from the sala. Pero wala na akong pakialam doon dahil nagsisigaw na ako. I feel like I’m screaming and not. Hindi ko alam kung naririnig ba iyun ng ibang tao o ako lang ang nakarinig sa sigaw ko. Naaalala ko na naman ang nangyari. The face of my mom. The helpless and smiling face of my dad. The horror of the passenger’s eyes, and the hushed voices of the stewardees on the bathroom. Lahat ng nangyari sa loob ng eroplano at sa flight na iyun ay bumabalik sa aking isipan. Nagsisigaw ako ng tulong at nakaawang ang bibig ko dahil sa ginawa. I can’t move. I feel like I’m in the middle of sleep paralysis. Gusto kong bumangon pero walang koordinasyon ang parte ng mga katawan ko. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Lemuel sa harapan ko, sa gilid ng kama, at kaagad niyang hinawakan ang kamay ko. “Hey! Hey! Wake up! Amethyst!” sigaw niya sa’kin. I’m alive and awake! Bakit niya nasabing I should wake up? Doon lang ako nakaramdam ng pagod at pahinga ng maigalaw ko ang aking daliri. Kaagad akong napaupo sa kama at yinakap ng mahigpit si Lemuel. Sobra-sobra ang nararamdaman ko ngayon. Una, natatakot ako. Hindi ko alam dahil sa dami ng rason. Pangalawa, ayoko ng maranasan pa ito. Pangatlo, nanghihina ako. “Shhh. It’s okay. Everything’s going to be fine,” bulong ni Lemuel sa’kin at hinagod ang likod ko. Napaiyak ako ng mahina sa kanyang balikat at mas lalong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. “Anong nangyayari?!” gulat na boses ni Aleng Marites. Nakita ko si Tiyo Delfo sa kanyang gilid at nakatingin lang silang dalawa sa’min ni Lemuel na walang pakialam na makita kaming ganito ang posisyon. “Lemuel?” tanong ni Aleng Marites dahil nakita niyang wala ako sa sarili. “Bakit pinagpapawisan si Ames?” gulat niyang tanong at pumunta na sa gilid ko. I loosen my hug from Lemuel and tried to hide my face, but he grab my hands and makes me look at him. “Hey, look at me,” bulong niya at itinaas ang baba ko. Tumugon ako sa kanyang utos. “Binangungot ka ba, Ames?” tanong ni Aleng Marites sa’kin at nilalagyan na ng puting tuwalya ang likod ko dahil basang-basa ito sa pawis. “Pinagpapawisan ka, oh,” bulong ni Aleng Marites at hinilot niya ang likod ko. “Delfo! Mag-init ka ng tubig para mapainom natin si Amethyst,” utos niya sa kanyang asawa. Nakatulala pa rin ako dahil sa nangyayari at ang hilot ni Aleng Marites ang nakapagpakalma sa’kin. Napatitig na lamang si Lemuel sa’kin at hindi na nagsalita. Tahimik lang ang loob ng kwarto at tapos na si Aleng Marites sa pagpupunas sa likod at mukha ko. Hinilot niya rin ang pulsuan ko at napaigtad ako dahil sa sakit. “Aray!” daing ko. “Pasensiya na. Ginagawa namin to kapag may binabangungot o pinapasmo.” Tumango ako sa kanyang sinabi at hindi na nagsalita. Nagpaalam na umalis si Aleng Marites at iniwan ako ni Lemuel sa loob ng kwarto. Umupo siya sa gilid ko at ilang sandali lang ay nagsalita siya. “Did you dream about your parents?” Tumango lang ako bilang sagot. “I’m sorry…” Tumango ulit. Nagsalita siya, “Kaya ba sumunod ka sa’kin sa sala dahil sa rasong ito?” “Anong ibig mong sabihin?” “Nevermind.” “Ano yun, Lemuel?” Kahit nanghihina pa rin ang boses ay tinanong ko pa rin siya. He sighs. “Just… dammit.” Tumayo siya at umalis sa gilid ko. Mas lalo akong nagtaka dahil sa kanyang mga galaw ngayon. Galit siya. Kanino? Sa’kin? Dapat bang magalit siya dahil binangungot ako? Hindi ko alam. Hindi ko talaga siya ma-gets minsan. “You…” turo niya sa’kin, “you went to sleep with me outside because you’re afraid you’re going to have a nightmare, aren’t you?” Tumango ako. “Ano pa ba ang ibang rason na iniisip mo? Tsaka…” nahihiya ko siyang tignan. “Galit ka ba sa’kin?” napaiwas ako ng tingin sa kanya nang matalim niya akong tignan. “Hell,” natatawang bulong nya. “Bakit naman ako magagalit sa’yo?” inis niyang tanong. “Ayan, galit ka na naman..” bulong ko. “No, I’m not angry with you!” sigaw na niya sa’kin at sobrang frustrated niya. Napaawang ang bibig ko dahil sa biglaang pagsigaw niya. Kaya tuloy nag-aalalang pumasok muli si Aleng Marites sa loob at tinanong kung anong nagyari. “Nothing. Uhm, lalabas muna ako,” paalam ni Lemuel kay Aleng Marites at hindi na ako tinapunan pa ng tingin. Hindi nawala sa isipan ko ang paniningkit ng kanyang kilay, senyales na galit nga siya. Pero sinabi niyang hindi siya galit sa’kin. “Balik ka kaagad, ah!” sabi ko pa sa kanya bago siya tuluyang umalis sa kwarto. “Anyare din sa batang iyun?” naguguluhang tanong ni Aleng Marites sa’kin. Nagkibit balikat na lang ako dahil kagaya niya, hindi ko rin alam. “Ito, inom ka muna ng mainit na tubig,” utos ni Aleng Marites sa’kin at kinuha ko ang tasa sa kanyang kamay. *** Sa sumunod na araw ay tahimik lang si Lemuel sa isang tabi. Ginawa ko ang lahat ng Gawain sa bahay. Halos maiiyak na nga si Aleng Marites dahil raw may tumutulong na sa kanya sa gawaing bahay. Kulang ang oras niya na asikasuhin ang bahay dahil nagbebenta pa siya ng nakuhang isda ng kanyang asawa sa palengke. “Ako na po rito,” sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Nagpaalam siyang mamalengke kasama si Lemuel. Kailangan kasi ng lakas para magbuhat ng mga ibebenta niya kaya walang nagawa si Lemuel kundi ang samahan siya. “Huwag kang lumabas ng bahay. Dito ka lang,” seryoso niyang utos sa’kin, kagaya ng nakasanayan at tumango lang ako. “Aye aye, captain!” ngiti ko at sumaludo pa ako sa kanya. Natigilan si Lemuel sa sinabi ko at kaagad ding umalis na sa harapan ko. Galit na naman? Psh. Lahat ng ginagawa ko ay nagagalit siya. Sino namang kakausapin ko dito maliban sa kanya? Sina Aleng Marites at ang kanyang asawa ay halos wala sa bahay dahil sa kanilang trabaho. Tapos din naman akong maghugas, maglaba, at maglinis sa buong bahay kaya sobrang bored na bored ko na. Ganito pala ang buhay na walang internet, cellphone, o kung ano mang ties of technology. Kahit na naninibago ako, hindi ko maiwasang matuwa dahil feeling ko bumalik ako sa sinaunang panahon. Kaso nga lang… “Urgh! Sobrang boring naman!” inis kong bulong sa sarili dahil halos kausapin ko na ang mga pananim ni Aleng Marites sa bakuran niya. Wala akong makausap dito! Lahat sila ay may ginagawa. “Huwag kang lumabas ng bahay. Dito ka lang.” Ayan! Naririnig ko na naman ang boses ni Lemuel sa’kin. Sobrang seryoso talaga no’n. Tas suplado pa. Mabuti na lang at gwapo siya kaya hindi ko kayang magalit at mainis ng sobra sa kanya. “Sige, konting tiis na lang, Ames. Dadating din yun. May makakausap ka rin,” bulong ko sa sarili at papasok na sana sa loob ng bahay nang makita ko mula sa bakuran ang pamilyar na mukha. Si Teodoro! Hindi pa rin ako kumportable sa kaniya at nagtataasan ang mga balahibo ko nang makita ko siyang nakangisi sa’kin. Pinapadasahan niya pa ang buong katawan ko. Natigilan ako nang mahagip niya ang paningin ko. “Uy! Andyan ka pala, Amethyst!” sigaw niya sa’kin. Holy s**t. Kaagad akong tumakbo palabas ng bakuran ni Aleng Marites sa hindi malamang dahilan. Bakit ba kasi ako tumakbo? Ah! Basta! Ayoko doon! Tsaka, kung hindi ako tumakbo ay mapipilitan akong pagsilbihan siya! Ng mag-isa! Ayoko no’n. Hindi ko alam kung bakit ako pinagtatawanan ng mga batang kaedad ko nang mapatigil ako sa pagtakbo. Wala na rin sa wakas si Teodoro sa paningin ko pero kung makatingin naman ang mga babaeng ito ay parang nakakita sila ng clown. Eh, hindi naman ako clown. Naglakad ako papalapit sa kanila pero mas lalo silang nagtawanan. I saw twins. Sobrang pareho ang features ng kanilang mukha. And another! And another set of twins! God, ang daming mga kambal dito. “Hi!” sabi ko at kumaway sa kanila. Kaagad silang nagtakbuhan palayo sa’kin. Natatakot ba sila sa pagmumukha ko? Eh sobrang inosente ng mukha ko – sabi ni mommy at daddy. They said I look like an angel. And some classmates of mine even said their first impression to me is mabait akong tao. Pero bakit sila nagsisitakbuhan? “Psst,” bulong ng isang babae sa’kin. Siya na lang ang mag-isa ngayon at pumunta ako sa kaniya para sana makipagkaibigan. Pero base sa ekspresiyon ng kanyang mukha, ayaw niya ata. “Bakit sila nagtakbuhan? Ako nga pala si Amethyst. You can call me Ames.” Hindi niya tinanggap ang kamay ko. Itinuro niya ang mahabang buhok ko at ang kulang puting duster dress ko. “Pangit,” sagot niya sa’kin. “Ha?” gulat kong tanong. “Balita ko hindi ka’yo taga rito at kinupkop lang kayo nina Aleng Marites at Delfo.” Tumango ako. “Oo.” “Ganiyan ba talaga ang kulay ng buhok mo? Kulay ginger-red? Parang… buhok lang ng manok?” natatawa niyang tanong sa’kin kaya natigilan ako. Kaya ba sila natatakot sa’kin dahil sa buhok ko? “Pati yan,” turo niya sa suot kong puting dress. “Nagmumukha kang bruha,” bulong niya sa’kin at napatingin sa gilid, takot na baka may makarinig sa kanyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko at napahaplos sa buhok ko, unconsciously. “B-Bruha?” tanong ko. “Oo, bruha.” “Naniniwala ka ba doon?” “Hindi,” pag-iling niya pa. “Pero kadalasan sa mga kaedad natin ay naniniwala sa kanila. Mga mangkukulam, ganon?” “Paano nila nasasabing ganito ang hitsura ng bruha?” turo ko na lang sa sarili. “May pagpupulong kasing nangyayari dito kada-Sabado. Wala kang gagawin? Sama ka para malaman mo.” “Ano muna ang gagawin doon sa pagpupulong?” “Hmmm. Mga kaedad lang din natin ang nandoon kaya ayos lang. Parang kuwentuhan lang ganoon. May kilalang manunulat doon na nagkukuwento tungkol sa mga kuwentong mangkukulam. Kaya doon nila siguro nakuha ang imahinasyon tungkol sa’yo.”            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD