Kabanata 4

3470 Words
Napamulat ako at muntikan nang maiyak dahil sa pamilyar na mukha at sa lugar na nakikita sa harapan. Akala ko masamang panaginip lang iyun. Akala ko… masamang panaginip lang talaga iyun pero hindi, ito na ang realidad ko. Wala na ang magulang ko. Walang sasagip sa’kin. Ang isang taong mapagkakatiwalaan ko lang sa ngayon ay ang estrangherong lalaki na nasa harapan ko. Tulog na tulog pa rin si Lemuel sa gilid ko at nakayakap sa’kin ng mahigpit. Pero hindi ito ang tipo na yakap na nobya niya ako. It’s like a hug from an older brother. That’s it. Walang malisya, at natatandaan ko pa rin ang ginawa niya kagabi. He saved me. Not just once, but twice. Muntikan na akong mamatay sa lamig kagabi. Kailangan na naming maghanap ng bahay dito. Kahit na binabalot ng mga puno ang islang ito, sa tingin ko ay may mga taong nakatira pa naman dito. Kailangan ko lang sigurong tawirin ang kagubatang iyun. O baka naman may baryo sa loob ng kagubatan? Tumayo ako nang marahan at kinuha ang brasong nakaakbay sa tiyan ko. Mahimbing pa rin ang tulog ni Lemuel kaya ayoko siyang gisingin. Mukhang pagod na pagod siya. Doon ko lang napansin na sobrang gwapo niya. Hindi ko alam pero nawe-weirduhan ako sa taste ng mga lalaki ko. Hindi ako kailanman nagkatipo sa mga lalaking kaedad ko. Gusto ko iyung mga lalaking malalaki ang agwat ng edad namin. Nang malaman ko na mayroon kaming limang taong agwat, may naramdaman akong kiliti sa tiyan ko. Pero hanggang doon lang iyun. Sa tingin ko din naman, may nobya na ‘to o di kaya’y fiancée na naghahanap sa kanya. He looks like he’s someone rich too. From a noble family, a well-known bachelor in their town. Kaya wala na talaga akong pag-asa. Bakit pa ako aasa? Nagdaan ang ilang minutong paninitig ko kay Lemuel bago ako pumunta sa loob ng kagubatan. May makita akong makitid na daan papasok sa kagubatan sa kung nasaan kami ngayon, kaya pumasok na ako doon. Maliit din naman ang katawan ko kaya hindi ako pinawisan doon. Papasikat na ang araw kaya okay lang sa’kin na maglakad dito ng mag-isa. Napatingin ako sa paligid at nababaka sakaling may makita man akong makakain naming ulam ngayong umaga. “Yes!” tili ko sa sarili nang may nakita akong bunga ng saging. Kaagad kong pinuntahan ito at kinuha ang saging. “Sarap,” nakangiting bulong ko pagkatapos kumain ng isa, at isa pa, at isa pa nga. Halos maubos ko na ito at busog na busog na ako. “Ay, kailangan ko ring dalhan si Lemuel!” bulong ko sa sarili nang makitang paubos na ang kumpol ng saging. “Hmm, okay na siguro to!” nakangisi kong sabi habang hawak-hawak na ngayon ang saging na dala ko. Naaaliw ako sa mga kulisap sa kagubatan at napangiti pa ako. Kitang-kita ko ang sinag ng araw mula sa puno at talagang sumikat na talaga ang araw. Kailangan ko ng bumalik! Nang maglakad ako pabalik, nakita kong wala na doon si Lemuel. “Lemuel?” natataranta kong tanong at sigaw sa dalampasigan. “Lemuel!” sigaw ko pa at inilagay ang kumpol ng saging sa batuhan. Nagsimula akong maiyak dahil wala talaga si Lemuel sa paligid kahit anumang hanap ko sa kanya. “Lem…uel…” naiiyak ko na talagang bulong sa pangalan at napalinga-linga sa kabuuan. Hindi naman ganoon kalaki ang dalampasigan kaya napuntahan ko na bawat sulok para hanapin si Lemuel. Pero wala akong nakitang supladong lalaki. Nakakinis naman siya, oh! “Paano kung…” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip. Paano kung nagpakamatay siya? O nilunod niya ang sarili sa tubig? Nakakainis! Mas lalo akong naiyak at kaagad nagtumpisaw sa tubig dagat. “Lemeul! Kainis ka naman, oh!” sigaw ko at nilusob na ang dagat. Ngayon, nasa dibdib ko ang lebel ng tubig dagat at patuloy pa rin ako sa paglalakad. Ayokong mawala siya dahil sino na lang ang mag-aalaga sa’kin? Sino na lang ang tutulong sa’kin makawala sa islang ito? Menor de edad pa lang ako at nasisiguro kong kailangan ng guardian kapag pumunta na rito ang mga pulis. O may pulis nga bas a islang ito? Hindi ko na alam! Wala na ako sa saktong pag-iisip nang biglang may lumusob rin sa tubig dagat at lumangoy sa harapan ko. “Goddamn it! What the f**k are you doing?!” sigaw na mura sa’kin ni Lemuel at sinuggaban ang baywang ko. He grab my waist and swam back again on the seashore. Napatulala na lamang ako nang makitang nagsasalita siya. Buhay siya! “S-saan ka pumunta?” nauutal kong tanong sa kaniya. Hawak pa rin niya ang baywang ko habang naglalakad siya pabalik sa dalampasigan. Kahit na nararamdaman kong nakapatong ang pang-upo ko sa braso niya, hindi man lang ako nakaramdam ng pagiging awkward. I feel comfortable around him. “Isuot mo to!” sigaw niya sa’kin. Napapitlag pa ako dahil sa sobrang lakas ng boses niya. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang kanyang damit at tinignan lang ito. “What are you still looking at? Did you hear me? I said, put it on!” “A-Ah, oo! Oo!” natataranta kong sagot at isinuot ang kanyang malaking polo shirt sa’kin. Nang matapos akong mag-ayos at matalim pa rin ang kanyang titig sa’kin. “B-Bakit?” tanong ko.God, sobrang nakakatakot niya pa lang magalit. Ayoko nang magalit siya. Ayoko nang galitin pa siya. Last na talaga to. “Why did you look for me over there?” tanong niya at itinuro ang dagat. Kumikislap na ito dahil sa sinag ng araw. “Wala ka kasi dito, eh. Kaya akala ko… akala ko…” Napahalakhak siya. Isang sarkastikong tawa. “Akala mo ano, Amethyst?” Natigilan ako. Hindi dahil sa nagmartsa siya papalapit sa’kin, kundi first time kong marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Ngayon, nakaramdam na naman ako ng kiliti sa sikmura at gustong-gusto ko iyun. Maganda sa feeling. “Ulitin mo nga,” nahihiyang sabi ko sa kanya. Oh my God! Bakit ko nasabi iyun? Nasapo ko ang labi ko at nanlaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. “Ulitin ang ano?” galit muling tanong ni Lemuel. “Hindi, hindi. Uh, uh…” nangapangapa ako sa maisasagot sa kanya. Namumula na ang pisngi ko at gusto ko na lang maghukay sa lupa at doon matulog. “Uh, sinabi kong. Uh, hindi. Akala ko nalunod ka na doon sa dagat.” Hindi naman ako nagsisinungaling sa kanya pero bakit natatawa pa rin siya ngayon? “Do you think I would buy that excuse? Paano na lang kung hindi kaagad ako nakapunta sa’yo doon? Paano na lang kung nalunod ka?” “Totoo!” sigaw ko sa kanyang mukha at natigilan naman siya. Anu ka, Ame! Nasubrahan ka yata sa pagiging over reacting. “Totoo yun,” tango-tango ko pa. “Akala ko nagpakalunod ka sa tubig dagat dahil sa nangyari kagabi. Akala ko magpapakamatay… ka…” nauutal kong sagot at napaiwas na ng tingin sa kanya. Nang hindi magsalita muli si Lemuel ay tinignan ko siya muli. Nagulat ako nang makitang umamo na ang kanyang mukha. “You think I would commit suicide?” Tumango ako. “Oo.” “Damn,” bulong niya sa sarili at inis niyang pinatiran ang buhangin. “Lemuel?” natataranta kong tanong sa kanya dahil mas lalo ko yatang ginalit siya. Ano ba ang ikinagalit niya? Nag-aalala lang naman ako sa kanya… “Don’t….” bulong niya. Dumaing siya at napasipa muli sa buhangin. “Don’t come near me,” bulong niya. Parang pinagbubuntungan niya ng galit ag buhangin. Nakita ko ang pagtaas at baba ng kanyang dibdib, senyales na galit na galit nga talaga siya. Nang matapos niya ang kanyang ginawa ay napatingin muli siya sa’kin. Napasulyap siya sa dibdib ko kaya agad kong ipinag-krus ang dalawang braso ko. Hindi naman sa may laman ang dibdib ko, wala nga itong laman, eh. Pero nahihiya ako dahil ayokong malaman niyang hindi pa nag-mature ang katawan ko. “Come here,” bulong niya at inilahad ang kanyang kamay sa’kin. “Hindi mo ako sasaktan?” tanong ko at napatawa siya. Ngayon, hindi na ito sarkastiko. “No, of course not. Come here,” pag-uulit niyang sinabi. Unti-unti kong kinuha ang kanyang kamay at ipinagsiklop niya ang kanyang daliri sa akin. “Hindi ako ganoon kahina para magpakamatay. I fought my life in that airplane crash. Ngayon mo sasabihin sa’kin magpapakamatay ako?” Napatawa ng mahina si Lemuel at ginantihan ko lang din siya ng maliit na ngiti. “Okay.” “May dala pala akong saging,” bulong ko sa kanya at kinuha pabalik ang kamay ko para makuha ang saging na nasa bato. Nanliit ang mga mata ni Lemuel. “Kaka k aba nawala kanina dahil pumasok ka sa gubat?” Tumango ako. “Oo, nagugutom kasi ako.” “Amethyst, you should’ve wait for me to wake up. What if there’s a wild boar in the forest?” Ayan na naman ang mumunting kulisap sa katawan ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Hindi ako nakasagot sa kanya. Lemuel sigh. “Did you pick this by yourself?” Tumango ulit ako. “Oo, para sa’yo yan.” Napangisi siya at pinanitan ang saging sa harapan ko. Isinubo niya ito sa harapan ko habang nakatitig pa rin sa’kin. Kitang-kita ko ang pag-flex ng kanyang panga habang kinakagat niya ang saging. Namumula naman ang pisngi ko dahil ultimong pagkain niya lang, sobrang attractive na niya. “Happy?” huli niyang sabi at inilagay ang panit ng saging sa bato. Natapos na rin siyang kumain! Ngumiti ako at binigyan siya ng thumbs up. “Let’s go. Baka may taong makakatulong sa’tin dito.” Tumango ako at kinuha ni Lemuel ang kanyang pitaka at ang kamay ko. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko habang naglalakad kami papasok sa kagubatan. Iyun lang ang daan na maaring labasan sa dalampasigan na ito. At hindi ko alam kung bakit napangiti ako. I felt safe and secure with this man’s hold. Maybe my deceased parents sent him as my guardian angel. Maybe… *** Matapos ang ilang oras na pagpapahinga at paglalakad sa loob ng kagubatan, sa wakas, may nakita na rin akong dalampasigan! Nasisigur kong hindi ito ang dalampasigan na napuntahan namin. Ibang dalampasigan ito at kitang-kita ko ang malalaking pormada ng bato sa gilid. May nakita rin kaming dalawa ni Lemuel na iilang mga tao. May dala-dalang mga balde ang lalaki habang ang mga babae naman ay may dalang palanggana. “We’ve found them,” bulong ni Lemuel at seryoso pa rin ang kanyang mukha. Tumango na lang ako at dahan-dahan kaming naglakad dahil sa malalaking formation ng bato sa gubat. Madulas din ang mumunting hagdan papunta doon kaya walang nagawa si Lemuel kundi ang i-piggy back ride ako. “Come on,” bulong niya nang tutol pa sana ako. Hindi ako sumagot. “What’s wrong, Ame?” tanong niya sa’kin at lumingon. Ang problema kasi… ayokong maramdaman niya na walang laman ang dibdib ko. Sure akong kapag sumakay ako sa likod niya ay mape-press ang dibdib ko. Baka pagtawanan niya ako? “Amethyst,” may babalang suway sa’kin ni Lemuel. “Get your f*****g ass on my back,” inis niyang sabi sa’kin. Kaya wala na akong choice kundi ang sumunod sa utos niya. Nakatikom lang ang bibig ko habang naglalakad kami papunta sa dalampasigan. Inilagay na ako ni Lemuel nang may buhangin na sa lupa at hindi na madulas. Kaagad naagaw ang pansin ng mga dalagang babae ang pagpunta namin roon. Tila ba sariwa sa kanilang mga paningin ang kanilang nakikita. “Artista ba yan? Bakit walang nagsabi sa’tin na may dadating na artista?” “Oo nga! Sino yan? Anak ba yan ng Don sa kabilang bayan?” “Naku! Hindi. Nakita ko na ang anak ni Don Jacinto. Walang-wala ang mukhang yan doon, no!” Napabuntung hininga na lang ako dahil sa narinig. Inis kong tinitigan ang mga dalagang sure akong ka-edad lang ni Lemuel. Nahuli nila akong nakatitig kaya nagsalita sila muli. “Ay, sobrang maldita naman ng nakababatang kapatid niya. Parang mangangagat ng aso.” What the – Hindi niya ako kapatid! Magkamukha ba kaming dalawa? “Oo nga, ayaw niya atang nakatingin ta’yo sa Kuya niya!” Talagang – Inis ko silang muling binato ng tingin at nang makita nila akong nakatingin ay tumakbo na kaagad sila. Nakita ko ang babaeng may kinuhang babae na may edad. Nakahawak ito ng palanggana sa kanyang baywang, at nginitian ko siya nang makita niya ako. “Halika, Lemuel!” bulong ko kay Lemuel at kinuha na ang kanyang braso. Pinuntahan namin ang mukhang mabait na babae pero natigilan ako nang makitang may kasama siyang lalaki. Nawala ang ngiti ko. Kaagad namang nagsalita muli si Lemuel sa gilid. “Magandang umaga po,” magalang na bati ni Lemuel sa babae. “Magandang umaga rin, hijo! Aba’t – taga rito ba kayo? Bakit hindi ko kaya natatandaan?” “Hindi ho kami taga-rito. Puwede po bang magtanong kung anong lugar ito?” “Bakit? Ano bang nangyari sa inyo?” naguguluhang tanong ng babae at napatingin sa’kin. Malungkot siyang ginawaran ako ng tingin. “Hija, magkaano-ano ka’yo?” tanong niya. “Ah…” nangapa-ngapa ako ng maisasagot sa babae. “Nakababatang kapatid ko po siya,” sagot ni Lemuel. Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. What the – ano daw? “Ah, ganoon ba? Naku, mukhang nilalamig ka na yata, hija. Ano bang nangyari sa inyo! Jusko sus maryusep!” sabi ng babae. “Okay lang po ako,” nakangiti kong sabi sa babae, pero agad natigilan nang makita ang tingin ng lalaking nasa gilid niya. Ayoko sa ngisi niya sa’kin. Nakatingin pa talaga siya sa dibdib ko. “Ah, si Teodoro pala. Kaibigan ng asawa ko. Tinulungan niya akong magbenta ng nakuhang isda ng asawa ko. Teka lang, huwag muna ta’yong mag-usap dito. Halika’yo! Doon ta’yo sa bahay mag-usap! Naku!” Napahawak sa’kin si Lemuel ng mahigpit at napsulyap sa kanya. “Punta na ta’yo,” mahinang boses kong sabi, pero hindi siya nagsalita at nanatili sa posisyon. Kitang-kita ko ang likod ng may edad na babae sa harapan namin. Nagsisimula na itong maglakad papunta sa kung saan niya kami dadalhin. Akala niya sumunod kami sa kanya, pero ang suplado ni Lemuel. “Sige,” matigas na boses niya lang sabi at hinawakan ang braso ko. Pinauna niya ako sa paglalakad at napasulyap-sulyap naman ako sa kanyang likod. Naningkit ang kilay ko dahil sa pinanggagawa niya. He looks so tense. Para bang malalim ang kanyang iniisip. Nakamasid din siya ng maigi sa kabuuan ng lugar at tila ino-obserbahan ang mga tao. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya ibinalik ko lang muli ang tingin sa aking harapan. Namangha ako dahil sa mga taong nandito sa islang ito. Kung titingin ka sa magkabilang banda, makikita mong halos magkamukha silang lahat. Hindi. Siguro, nasasabi ko lang iyun dahil may nakikita akong maraming pares na kambal. A lot of twins in this island! “Woah,” bulong ko sa sarili at hindi talaga makapaniwala. Napatingin ang lalaking kaibigan ng babae sa’kin. “Normal lang sa’min to dito, ineng,” sabi niya sa’kin at napangisi. “Maraming mga kambal dito. Ewan ko rin. Siguro dahil sa kanunu-nunuan ng mga tao sa isla.” “Hmmm,” sabi ko lang at tumango sa kanya. “Ilang taon ka na ba?” tanong niya sa’kin. “Seventeen po,” sagot ko. “Ah, sayang. Menor de edad ka pa pala,” bulong niya sa sarili. Nagulat ako dito. “Po?” “Don’t talk to him,” bulong ni Lemuel sa’kin at hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala siya. Kinuha niya ang braso ko at pumagitna sa’ming dalawa nang lalaking kausap ko kanina. “Sobrang sungit naman ng Kuya mo,” natatawang sabi ng may edad na lalaki. Bakit ba ang tagal at ang layo ng bahay na tinatahak namin? “Hindi ko po siya Kuya,” inis kong sabi sa lalaki pero may galang pa rin. “Ganon? Eh kaano-ano mo siya? Hindi mo naman nobyo to?” Nagulat ako sa sinabi ng lalaki. Natatawa na ako ngayon. “Hindi din,” sagot ko na lang. Naramdaman kong bumilis ang paglalakad ni Lemuel at tahimik lang siya habang nagsasalita si Teodoro sa gilid niya. Sinabi sa’min ni Teodoro na nasa tagong isla kami ng Bohol. Ang pangalan ng islang ito ay Tugas Island. Tinanong ko siya kung may wifi or internet ba sila dito pero mukhang wala siyang alam kung ano ito. Talagang hindi high tech ang lugar na ito. Sinabi rin ni Teodoro na ipinagbabawal ang ganyan dito dahil gusto ng mga taong mapanatiling tahimik at mapayapa ang lugar. It looks like this island doesn’t want to interact with the people outside in their island. Talagang tago ang islang ito at wala silang plano makipaghalubilo sa ibang mga tao. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil mababait pa rin naman sila kahit hindi kami taga-isla. “Eto, ineng. Isuot mo iyan. Ano bang pangalan mo?” tanong ng babae sa’kin nang makapasok kami sa kanyang bahay kubo. Malaki ang bahay kubo para sa isang babaeng nakatira rito. Well, she mentioned that she has a husband, pero wala dito ang kanyang asawa. “Amethyst Virgo Buenaventura po,” sagot ko sa kanya. “Marites,” sagot nya sa’kin. “Kilala ako bilang Aleng Marites dito. Kung gusto mo, pwude mo rin akong tawagin niyan.” Nakangiti si Aleng Marites sa’kin at tumingin naman kay Lemuel. “Ikaw? Anong pangalan mo, hijo? Sobrang gwapo mo, ah?” Napahagikhik sa tawa si Aleng Marites at hinawakan pa ang pisngi ni Lemuel. Sobrang tangkad din ni Lemuel para sa bahay kubo na ito, pero hindi siya nag-inarte. “Totoo ba talagang mukha yan? Ang kinis at perpekto naman,” bulong ni Aleng Marites at nakita ko ang bahagyang inis ni Lemuel nang hindi tumitigil si Aleng Marites sa paghawak sa pisngi ni Lemuel. “Ah, Aleng Marites. Saan po ba ang C.R. niyo rito?” tanong ko sa kanya para matigil na siya sa kakahawak kay Lemuel. May ibinigay si Aleng Marites sa’kin kanina na damit pang-babae para magbihis na ako. “Ah, doon lang. Pasensiya na kung nasa labas ang C.R. namin sa bahay, ah? Teodoro, samahan mo si Amethyst.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang banggitin niya ang pangalan ni Teodoro. Napangisi siya at inilahad na ang daan. “I can go with her. May panglalaki po ka’yong damit?” tanong ni Lemuel at napatigil ako sa paglalakad. Hindi na rin nagpupumilit pa si Teodoro dahil tinawag siya ng isang lalaki sa kung saan. “Ah, oo! Meron! Sa asawa ko ito. Magkakasya ba ito sa’yo?” nahihiyang tanong ni Aleng Marites kay Lemuel. Ipinakita ni Aleng Marites ang isang puting polo shirt. “Kasya yan,” naibulalas kong sabi at natigilan naman ako dahil napatingin si Aleng Marites sa’kin. “Magkapatid ba talaga ka’yo? Parang hindi naman ka’yo magkamukha…” “Hindi po kami magkapatid. Actually po, survivor po kami ng plane… crash…” Nanghina ang boses ko sa huling dalawang salita at naalaala ko naman na ito na ang realidad ko. Ito na ang buhay ko. Wala na akong babalikan pa dahil only child lang din naman ako. Kung babalik ako sa syudad, ayoko din namang tumira sa mga kamag-anak ko. Gusto kong maging eighteen muna para legal na ako at magawa ko nang buhayin ang sarili. “Plane crash? Ano yun?” gulat na tanong ni Aleng Marites sa’kin. Ini-explain naman sa kanya ni Lemuel kung ano ito. Namangha pa ako dahil sa sobrang sopistikado niyang mag-explain tungkol sa nangyari. Hindi masyadong marami ang detalye ngunit nagawa niyang maipaintindi kay Aleng Marites ang sitwasyon namin. “Sige, magbihis muna ka’yong dalawa. Naku, hija, edi wala ka ng pamilya ngayon? Nakikiramay ako, hija. Sobrang sakit mawalan ng pamilya..” Ngumiti ako ng pilit sa kanya at tinatagan ang loob. “Sige po. Ah, magbibihis na po ako,” bulong ko na lang at napaiwas ng tingin kay Lemuel nang seryoso siyang mapatingin sa’kin. “Samahan na kita,” bulong niya sa gilid ko. “Hindi, okay lang,” bulong ko pa dahil bakit niya ako sasamahang magbihis eh babae ako at lalaki siya? “Huwag matigas ang ulo, Amethyst. Lalo na’t may manyak dito,” bulong ni Lemuel sa tenga ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Kaya ko sinabing magkapatid ta’yo dahil ayokong mapunta ka sa bahay ng lalaking iyun. Later on, we will stay in this island for a short or long period of time. At wala ta’yong magagawa kundi ang tumira muna sa bahay ng iilang pamilya rito. Ayokong mahiwalay sa’kin at mapunta sa bahay ng lalakingiyun.”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD