WALANG pagsidlan ang kasiyahan noon ni Ian nang sa wakas ay mailuwal ng normal ni Ivana ang inaakala niyang anak nila na pinangalanan nitong Isabella. Napakasaya niya. Mas masaya pa noong malaman niyang buntis si Ivana at siya ang ama. Noong mga unang buwan ay masaya naman talaga siya. Walang duda. Pero nang magkakilala sila ni Yssa ay doon na siya nagkaroon ng pagkukumpara. Naikukumpara niya ang pisikal na anyo ni Ivana sa kaibigan nito. Mas sexy si Yssa at mas maganda na rin dahil mas naaalagaan nito ang sarili. Kapansin-pansin kasi na nadagdagan ng timbang si Ivana matapos nitong manganak. Kaya unti-unting nawala ang gana niya dito at nalipat iyon kay Yssa. Isang pitik lang ng tukso ay bumigay na siya. Bumigay siya kay Yssa nang ganoon kadali. Naalala pa niya noong sinabi niy

