“GHORL! Anong nangyari? Bakit ganiyan ang face mo?” Gulat na tanong ni Yssa kay Ivana nang makapasok ang huli sa tinutuluyan nitong apartment. Humiwalay na kasi ang kaibigan niya sa pamilya nito ilang buwan na ang nakakalipas. Matapos niyang makausap si Yssa sa cellphone kanina at nalaman niyang wala itong pasok ay dumiretso na siya sa apartment nito. Isinama niya si Isabella dahil hindi niya kayang iwanan ang anak na mag-isa sa bahay na ang kasama ay si Ian lang. Baka kapag umiyak na naman ang anak niya ay matuloy na ang p*******t nito. “Pwede bang umupo muna?” Bahagya pa ring nanginginig ang pagsasalita niya dahil sa sobrang takot. Alam niya kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ni Yssa nang makita siya. Iyon ay dahil may pasa siya sa paligid ng kaniyang bibig na dulot ng pags

