INUBOS lang nina Giovana at Nicholas ang mga karne na in-order nila at umalis na rin sila ng restaurant kung saan sila kumakain ng gabing iyon. Gusto pa sanang maka-bonding ni Giovana ang kaibigan dahil ngayon lang ulit sila nagkaroon ng oras para lumabas pero kailangan na niyang bumalik ng taping. Panay na nga ang text ng PA niya at tinatanong kung nasaan siya. Naloloka na raw ang direktor nila dahil nawawala na naman daw siya. Hindi niya kasi natanggihan si Nicholas nang mag-aya itong mag-samgyupsal sila. Nang mag-break sila sa taping ay tumakas siya upang mapagbigyan ang request ni Nicholas. Nag-Google na lang sila ng malapit na kainan at may nakita naman sila. “O, hindi na kita ihahatid sa house mo, ha. May car ka na naman, e! Congrats!” aniya nang nasa parking lot na silang d

