WALA sa tabi ni Giovana si Ian nang magising siya ng umagang iyon. Pagtingin niya sa kaniyang cellphone ay may text message ito na nagsasabing magiging busy ito ng araw na iyon dahil sa sunud-sunod na meeting na kailangan nitong puntahan. Napasimangot siya dahil may pakiramdam siya na nagsisinungaling si Ian. Bakit nga kaya ganoon? Once na magsinungaling sa iyo ang isang tao ay sinungaling na siya para sa iyo habangbuhay. Lahat ng sasabihin o gagawin niya ay pagdududahan mo kahit na wala siyang ginagawang mali. Ngayon niya napatunayan na kapag ang tiwala ang nasira, mahirap na talagang ibalik. Para itong isang salamin na nabasag na hindi mo na maibabalik sa dati at kung pipilitin mong buuin ito ay malaki ang tyansa na ikaw ay masusugatan. Maya maya ay bumangon na si Giovana at b

